Tulong sa mga nasalanta ng bagyong Carina, apela ng Caritas Philippines

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 18,162 total views

Hinikayat ng social at humanitarian arm ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) ang lahat na magkaisa upang tulungan ang mga biktima ng pananalasa ng bagyong Carina at Habagat.

Ayon kay Caritas Philippines executive director, Fr. Tito Caluag, napakalawak ng naging pinsala ng nagdaang kalamidad lalo na sa Metro Manila at mga karatig na lalawigan.

Sinabi ni Caluag na malaki ang pangangailangan ng mga nasalanta upang muling makabangon sa hinaharap na pagsubok.

“Patuloy po tayong magtulungan at patuloy tayong manalangin para sa isa’t isa lalong lalo na po sa mga nasalanta nitong baha noong nakaraang tag-ulan na ito ng Bagyong Carina,” panawagan ni Fr. Caluag.

Patuloy na nakikipag-ugnayan ng humanitarian team ng institusyon upang matukoy ang kalagayan ng mga lubhang apektadong diyosesis at agad na mapadalhan ng tulong.

Nakikipagtulungan na rin ang Caritas Philippines sa mga katuwang na organisasyon para sa karagdagang suporta sa pagtugon sa pangangailangan ng mga nasalanta.

Unang nagpaabot ng pakikiramay ang social arm ng CBCP sa mga biktima ng nagdaang kalamidad lalo na ang mga nawalan ng mahal sa buhay.

“Together, we stand in solidarity with affected families, striving to bring them comfort and hope in the wake of this disaster. Our thoughts and prayers are especially with those who lost loved ones. May they find peace and strength in this time of immense grief,” ayon sa Caritas Philippines.

Sa mga nais magbahagi ng tulong at donasyon, bisitahin ang facebook page ng Caritas Philippines para sa karagdang detalye.

Batay sa huling ulat ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), umabot na sa higit 3.3-milyong indibidwal o higit 900-libong pamilya ang apektado ng ang apektado ng pinagsamang epekto ng Habagat at ng bagyong Butchoy at Carina.

Patuloy namang tinutukoy ng NDRRMC ang kabuuang bilang ng mga nasawi mula sa kalamidad, kung saan ayon sa ulat ng Philippine National Police (PNP) ay umabot na sa 34-katao.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

BAKIT BIGO ANG K-12?

 48,930 total views

 48,930 total views Kapanalig, ipinatupad ang K-12 program o K-12 educational curriculum noong 2013 sa bisa ng Republic Act No. 10533 or the Enhanced Basic Education

Read More »

MAGING PANAHON NAGUGULUHAN NA

 44,799 total views

 44,799 total views Kapanalig, ano ba ang nangyayari sa ating bayan? Sa Senado, litong-lito na ang maraming Pilipino… Hindi na malaman ng marami kung ano ang

Read More »

Baluktot na katotohanan

 81,001 total views

 81,001 total views Mga Kapanalig, unti-unting nawawala ang dignidad ng Senado sa harap mismo ng sambayanan. Sa isa sa mga plenaryo ng Senado noong nakaraang linggo,

Read More »

Handa na ba tayo sa Super El Niño?

 89,679 total views

 89,679 total views Mga Kapanalig, pakiramdam niyo rin ba na parang hindi na nawawala ang init mula umaga hanggang gabi? Kung hiráp na tayo sa panahon

Read More »

Blue Ribbon Committee: magiging patas kaya?

 114,857 total views

 114,857 total views Mga Kapanalig, ang Senate Blue Ribbon Committee (o ang Committee on Accountability of Public Officers and Investigations) ay isa sa pinakamakapangyarihang komite sa

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top