“Let your actions speak.”

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 557 total reads

Ito ang pahayag ng Kanyang Kabunyian Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle sa ikalawang araw ng nobenaryo para sa nalalapit na kapistahan ni San Jose.

Hinimok ng Kardinal ang mga mananampalataya lalo na ang mga kabataan na tularan ang pagiging masipag at masunurin ni San Jose sa mga utos ng Diyos.

Ayon kay Kardinal Tagle, malimit na kinaiinisan ng mga kabataan na sila’y inuutusan dahil sa pakiramdam na sila’y minamaliit o inaalipin.

“Naku po ang mga kabataan ngayon huwag na huwag mong mauutusan. Allergic ang maraming bata sa command… Kaya maganda na tularan si San Jose kapag sinabing commandment of God, hindi naman yan para kang busabos na pinupukpok ng isang nangaalipin sa iyo.”bahagi ng pahayag ni Cardinal Tagle.

Gayundin, sinabi nitong maging ang mga nakatatanda ay may ganitong problema na ayaw nasasabihan, nauutusan o naitatama na ugali ng kayabangan na dapat alisin ng bawat tao.

Ipinaliwanag ng Kardinal na ang utos ng Panginoon ay hindi pang-mamaliit bagkus ito’y laging para sa ikabubuti ng nakararami.

“Hindi ata yung commandment mismo eh, ang problema natin. Ang problema ay kayabangan, ayaw masasabihan at ‘yan ay hindi lamang sa kabataan, pati sa hindi na bata yan pa rin ang sakit.”paliwanag ni Cardinal Tagle

Dagdag pa ng Kardinal, marapat din na tularan ng mga kabataan ang katahimikan ni San Jose.

Sinabi ni Cardinal Tagle na puno na ang mundo ng mga mapapangit na salita at huwad na balita kaya marapat na bigyan ng puwang ang katahimikan at hayaang ang mabubuting gawa ang magsalita para sa atin.

“Ang mundo natin pangit ang salita, hate Speech mga trolls, fake news, mga masasakit na salita. Pwede kaya kay San Jose tumulad? Pwede bang tumahimik at magsalita na lamang sa pamamagitan ng gawa. Let your actions speaks.” Dagdag pa ng Kardinal

Partikular na hinimok ni Kardinal Tagle ang mga kabataan na bawasan ang pagsasalita at sa halip ay palitan ito ng gawaing nakatutulong sa kapwa, at nakapaghihilom ng mga sugat.

“Sa mga kabataan sana matutunan ninyo ang kagandahan ng katahimikan, hindi yung katahimikan na walang pakialam kun’di yung katahimikan na busyng-busy sa paggawa walang oras ngumawa. ‘Yung iba ang daming oras ngawa ng ngawa wala nang oras para gumawa. Pwede kaya nating baliktarin? Gamitin ang oras sa paggawa at bawasan na ang ngawa ng ngawa, dada ng dada, na nagpapangit sa mundo na tumitimo at nananakit ng puso.” Pahayag pa ni Kardinal Tagle.

Sa ika-19 ng Marso ipagdiriwang ng simbahan ang kapistahan ni San Jose na kinikilalang Patron ng Pandaigdigang Simbahan at Patron ng mga Manggagawa, base sa deklarasyon ni Pope Pius IX noong 1870.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pagod na pagod

 385 total reads

 385 total reads Mga Kapanalig, pagod na pagod na raw si Senador Juan Miguel Zubiri sa sobrang siksik na schedule niya tuwing pumapasok sa Mataas na

Read More »

Kahirapan sa bansa

 221,063 total reads

 221,063 total reads Mga Kapanalig, tinatayang anim na milyong Pilipino ang nakaahon na sa kahirapan.  Ayon iyan sa Philippine Statistics Authority (o PSA). Bumagsak sa 9.7%

Read More »

Inhustisya sa gitna ng krisis sa klima

 255,736 total reads

 255,736 total reads Mga Kapanalig, nakikiramay tayo sa mga taga-Nepal Matapos ang isang nakapanlulumong trahedyang nangyari doon. Noong nakaraang linggo, magkasunod na flash floods at mudslides

Read More »

Bayan, hindi bayad

 271,636 total reads

 271,636 total reads Mga Kapanalig, ngayon ay National Heroes Day o Araw ng mga Bayani.  Sa araw na ito, kasama sa mga bayaning ginugunita natin ay

Read More »

SOP

 308,101 total reads

 308,101 total reads Kapanalig, sa day-19 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte sa misused o maling paggamit sa 500-milyong pisong confidential fund ng Office

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PAGMAMAHAL SA BAYAN

 384,847 total reads

 384,847 total reads “Ibigin mo ang Panginoon Mong Diyos… Ibigin mo ang iyong kapwa.” (Mateo 22:27-28) Mahal kong mga kapatid kay Kristo sa Bikaryato ng Taytay,

Read More »
Scroll to Top