Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

 8,016 total views

Homiliya para sa ika-22 Linggo ng Karaniwang Panahon, 3 Setyembre 2023, Mat 16:21-27

Medyo malakas ang dating ng himutok ni prophet Jeremiah sa ating first reading ngayon. Nakakabigla. Sabi ba naman niya, “Niloko mo ako, Panginoon. At nagpaloko naman ako sa iyo.” Wow. Kaya nyo bang magsalita ng ganoon sa Diyos? Sa mga Kristiyanong walang alam sabihin sa panalangin kundi “Praise the Lord!”, siguradong nakakaiskandalo ito.

Sino nga ba naman tayo para magreklamo nang ganito sa Diyos? Ang takot lang natin na baka tamaan tayo ng kidlat. Pero sa maniwala kayo’t hindi,halos trenta porsiyento sa mga Salmo sa Bibliya ay ganito ang tono—panaghoy. Iyung iba nga mas matindi pa ang dating kaysa sa sinabi ni Jeremiah.

Siguro may expectation si Jeremiah na kapag sumunod siya sa Diyos, kapag ginawa niya ang iniuutos sa kanya, lahat ng bagay sa buhay niya ay magiging maayos at payapa. E baligtad ang nangyari. Inulan siya ng mga pasakit at pagdurusa. Para bang nagising na lang siya isang araw at namulat na hindi pala tugma sa expectation niya ang ibubunga ng pagsunod niya. At para bang hindi na siya makaatras. NAPASUBO, kumbaga.

May tawag sa Ingles sa sitwasyong ganyan, lalo na kapag feeling mo magkaiba kayo ng expectations ng katrabaho mo. Na para bang hindi nagtatagpo ang mga pananaw ninyo. Kailangan ng LEVELLING.

Ganito rin ang dating ni Pedro kay Hesus sa ating Gospel reading ngayon. Malapit na silang pumasok sa Jerusalem pero magkaiba pa rin pala sila ng intindi sa pinapasok nila. Pupunta daw siya sa Jerusalem para magdusa, mamatay at muling mabuhay. Kaya hinarap siya ni Pedro at sinaway. Siya tuloy ang nasaway. Naging okasyon ito para mag-levelling sila bago magpatuloy sa Jerusalem. Ang dating sa akin ng paliwanag ni Hesus kay Pedro ay parang malapit sa sinasabi ng kanta, “I beg your pardon, I never promised you a rose garden.”

Ito ang maganda kay Pedro; hindi niya ugali ang magkunwari. Prangka siya, walang kaplastikan. Malakas ang loob niya na ipahayag sa Panginoon ang totoong nararamdaman niya. Hindi ba ganoon naman talaga siya mula sa umpisa?

Noong napaluhod siya sa bangka matapos na mapuno ng isda ang lambat niya, di ba’t sinabi niya, “Humanap ka na lang ng iba; makasalanan akong tao. Hindi ako nababagay sa ipinagagawa mo.”

Noong huhugasan ni Hesus ang mga paa niya, ang reaksyon niya ay “Huwag ka namang magpakababa nang ganyan, ang taas ng tingin ko sa iyo.”

Noong sinabihan sila na haharap sila sa matinding pagsubok at marami sa kanila ang titiwalag, sabi niya, “Handa akong magpakamatay para sa iyo.”

Noong nasa gitna sila ng dagat at bumabagyo at nakita niyang naglalakad sa tubig ang Panginoon, sabi niya, “Kung ikaw nga iyan, hayaan mong lumakad ako sa tubig papunta sa iyo.”
Ibig sabihin, palagay ang loob niya na sabihin ang totoong saloobin niya kay Hesus, dahil kaibigan ang turing sa kanya. Kaya niyang pagsabihan ang kaibigan nang diretsahan, hindi na nagpapatumpik-tumpik pa. At mukhang ganitong klase talaga ang gustong makatrabaho ng Panginoon. Di ba ang sagot niya sa reaksyon sa kanya ni Nataniel o Bartolome ay, “Narito ang tunay na Israelita, walang pagkukunwari sa kanya.”

Isa pang taong prangka sa Diyos ay si Santa Teresa de Avila. Noong dumanas siya ng matinding pagsubok dahil sa pagsunod niya sa kalooban ng Diyos, nagreklamo daw siya sa panalangin, “Bakit mo naman ako hinahayaang dumanas ng ganitong hirap?” At ang sagot daw ng Diyos ay, “Dahil kaibigan ang turing ko sa iyo.” At ang mabilis na sagot ni Teresa ay, “Kaya naman pala kakaunti lang ang nakikipagkaibigan sa iyo.”
Ang alagad, bago maisugo ay kailangan munang maging kaibigan. Di ba sinabi ni Hesus noong magpaalam siya sa mga alagad niya, “Hindi ko na kayo tinawag na alipin sapagkat hindi alam ng alipin ang kalooban ng kanyang amo. Kaibigan ang turing ko sa inyo.” (Juan 15:15)

Dalawang direksyon ng leveling ang kinailangan para mangyari ang relasyon na ibig magkaroon ng Diyos sa sangkatauhan sa pamamgitan ni Kristo. Kinailangan muna niyang mag-level down, magpakumbaba, magkatawang-tao at makipagkapwa sa tao bilang tao. Sa parte naman ng tao, pinag-level up tayo: itinataas niya tayo, tinawag na maging kaanak ng Diyos para matuto tayong tumingin mula sa perspective ng Diyos.

Mahirap intindihin ang paliwanag ni Hesus sa ebanghelyo: na ang matindi ang kapit sa buhay ang siyang mawawalan nito at ang handang mawalan nito ang siyang magkakamit nito. Na ang mukhang pagkalugi sa mundo ay pakinabang sa kanya. Kaya siguro pinababa niya si Zaqueo para turuan siyang magpakumbaba, bago siya itinaas at nakasalo sa hapagkainan.

Mga kapatid, huwag tayong matakot makipag-levelling sa Diyos. Kaibigan ang hanap niya, hindi alipin.

Screenshot 2024-04-26 121114
ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

‘Buwis-buhay’ para sa mga PWD

 9,439 total views

 9,439 total views Mga Kapanalig, nag-viral ang PWD ramp sa isang istasyon ng EDSA Busway sa Quezon City. Sa inauguration na ginawa ng Department of Transportation at Metropolitan Manila Development Authority (o MMDA), maraming nakapansing tila masyadong matarik at madulas ang bagong rampa  para mga persons with disability (o PWD). Batay sa Batas Pambansa (o BP)

Read More »

Saan aabot ang ₱20 milyon ng SONA?

 16,920 total views

 16,920 total views Mga Kapanalig, ngayon ang ikatlong State of the Nation Address (o SONA) ni Pangulong BBM. Bago ang araw na ito, naging usap-usapan ang inilaang 20 milyon pisong budget para sa okasyong ito. Ayon kay House Secretary-General Reginald Velasco, ang budget na ito ay gagamitin daw para sa mga sumusunod: pagkain at inumin ng

Read More »

Green Transport

 30,060 total views

 30,060 total views Kapanalig, marami ang nagpapasalamat ngayon na may opsyon na tayong maka-work from home. Ang public transport sa ating mga syudad ngayon ay lubhang malupit na, lalo para sa mga maralitang Pilipino. Dahil sa iba iba ang uri ng ating kabuhayan, marami pa rin sa atin ang no choice – kapit patalim, kapit tuko

Read More »

Inclusive Education

 36,033 total views

 36,033 total views Kapanalig, isa sa mga senyales na maganda ang kalidad ng edukasyon sa isang lipunan ay ang pagiging inclusive o mapagbilang nito – yung lahat ay may ready access kahit saan man siya nandoon, kahit ano pang kasarian niya, at kakayahan. Kasama dito, kapanalig, ang access ng mga vulnerable populations at disabled people. Kung

Read More »

Sports at Kabataan

 41,787 total views

 41,787 total views Kapanalig, katatapos lamang ng Palarong Pambansa – isang national activity, na sana’y lagi nating nabibigyan ng suporta. Malaking bagay ito, hindi lamang para sa mga kabataan, kundi para sa nation building at national pride. Kailangang manatiling malaki at mahalaga ang papel ng sports sa buhay ng kabataan sa sa ating bansa. Unang una,

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

REVELATION TO THE CHILDLIKE

 1,075 total views

 1,075 total views Homily for Wed of the 15th Wk in OT, 17 July 2024, Isa 10:5-7, 13b-16; Mt 11:25-27 Our first reading today is a grim warning to modern-day world powers who bully their neighbors. It is a good reminder for nations that have become economically prosperous and militarily powerful to the point of throwing

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

APOSTOL, SUGO, KINATAWAN

 1,076 total views

 1,076 total views Homiliya Para sa Ika-15 Linggo ng Karaniwang Panahon, 16 Hulyo 2024, Markos 6:7-13 Nais ko sana na itutok natin ang ating pagninilay sa araw na ito sa kahulugan ng pagiging “apostol”. Alam ko na ang karaniwang iniuugnay natin sa salitang “apostol” ay ang 12 lalaki na pinili ni Hesus mula sa kanyang mga

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

BUEN CAMINO

 3,830 total views

 3,830 total views Homiliya para sa Huwebes, 11 Hulyo 2024, Paggunita kay San Benito, Mt 10:7-15 Noong nakaraang Martes, nag-bonding kami ng kapatid kong panganay. Umabot ng tatlong oras ang tanghalian namin dahil nagkuwento siya tungkol sa naranasan niyang paglalakad sa camino ng Compostela nitong nakaraang buwan. Biro niyo, sa edad na 78 ay naglakad siya

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

IN JESUS’ NAME

 8,245 total views

 8,245 total views Homily for Wed of the 13th Wk in Ordinary Time, 10 July 2024, 18th Episcopal Ordination Anniversary, Mk 10:1-7 On Thursday last week, the final day of the annual retreat of the CBCP, we has as main presider at the Eucharistic Celebration the Secretary of the Holy See’s Relations with States, Abp. Paul

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

KATATAGAN

 3,571 total views

 3,571 total views Homiliya para sa Huwebes sa Ikalabindalawang Linggo ng Karaniwang Panahon, 27 Hunyo 2024, Mat 7:21-29 “Malapit na ang giyera!” Ito ang babala ng mga propeta sa Jerusalem. Pero walang sumiryoso sa babala nila. Hanggang minsan isang araw bigla na lang nagkatotoo. Ang katuparan ng malagim na hula ay ang malungkot na kuwentong narinig

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

THE HEART AND THE EYE

 4,094 total views

 4,094 total views Homily for Friday of the 11th Wk in Ordinary Time, 21 June 2024, Mt 6:19-23 Today’s Gospel makes me understand the expression, “His heart is in the right place.” The idiom is understood to mean “He has good intentions despite his flaws and mistakes.” Or “He has shortcomings but he is sincere and

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

GOD THE FARMER

 5,593 total views

 5,593 total views Homiliya para sa Ika-11 Linggo ng Karaniwang Panahon, 16 Hunyo 2024, Mk 4:26-34 Dalawang punto lang ang mungkahi kong pagnilayan natin tungkol sa mga talinghagang narinig natin sa ebanghelyo ngayon. Una, ang Diyos ang magsasaka, ang salita niya ang binhi. Pangalawa, tayo mismo ay para ding mga binhi. Simulan natin sa una. Ang

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

GO OUTSIDE!

 6,437 total views

 6,437 total views Homily for Friday of the 10th Week in Ortdinary Time, 14 June 2024, 1 Kings 19; Mt 5:27-32 Like I told you yesterday, the drama in the life and mission of the prophet Elijah—which has been read from the first book of Kings for the past few days now—continues today with chapter 19.

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

MAGDILANG ANGHEL

 4,692 total views

 4,692 total views Homiliya para sa Misang Paggunita kay San Antonio de Lisbon, 13 Hunyo 2024, Mt 5:20-26 “Magdilang-anghel ka nawa!” Ito ang sinasabi natin sa Pilipino pag may binigkas na hula ang iba na ibig nating magkatotoo. Isang taong may dilang anghel, ito ang turing ng mga taga-Padua kay San Antonio dahil sa tindi ng

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

SAN ANTONIO DE LISBON

 8,905 total views

 8,905 total views Homiliya para sa Bihilya sa Kapistahan ni “San Antonio de Padua,” Miyerkoles sa Ikasampung Linggo ng Karaniwang Panahon, 12 Hunyo 2024, Mat 5, 17-19 Salamat sa Marian pilgrimage ng Kaparian ng Kalookan, bukod sa dalaw namin sa lugar na pinangyarihan ng aparisyon ng Birhen sa Fatima, nakadalaw din kami sa bayan ng ating

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

THE “GOOD MAN”, BARNABAS

 8,137 total views

 8,137 total views Homily for Thursday of the 10th Week in Ordinary Time, 11 June 2024, Mat. 10:7-13 Today is the Feast of the Holy Apostle and Martyr, St Barnabas, whom St Luke describes in our first reading today as “a good man, filled with the Holy Spirit and faith”. In one of my past homilies

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

TAHANAN NG PUSO

 12,347 total views

 12,347 total views Homiliya Para sa Ika-10 Linggo ng Karaniwang Panahon, 9 Hunyo 2024, Mk 3:20-35 Ang ating pagninilay sa araw na ito ay tungkol sa pagtatayo ng tahanan, hindi lang bahay. Alam naman natin na hindi lahat ng bahay ay tahanan, di ba? Di ba may kasabihan tayo: “Mabuti na sa akin ang bahay kahit

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

BLOOD AND WATER

 5,795 total views

 5,795 total views BLOOD AND WATER Homily for the Feast of the Sacred Heart of Jesus, 7 June 2024, Jn 19,31-37 I call the Feast of the Sacred Heart of Jesus a poetic feast about the mystery of the Love of Christ. Saint Paul himself sounds very poetic in our second reading from third chapter of

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

TAO PO (HINDI “TAO LANG PO”)

 5,799 total views

 5,799 total views TAO PO (HINDI “TAO LANG PO”) Homiliya Para sa Huwebes sa Ikasiyam na Linggo ng Karaniwang Panahon, 6 Hunyo 2024, Mk 12,28-34 May kuwento tungkol sa isang pusa na inanod ng agos ng baha at nakakapit sa sanga ng maliit na puno sa gilid ng estero. Nakita daw ito ng dalawang tao. Dahil

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

THE ETERNAL NOW

 5,799 total views

 5,799 total views THE ETERNAL NOW Homily for Wed of the 9th Week in Ordinary Time, 5 June 2024, Mk 12,18-27 The question raised in today’s Gospel reminds me of the story of a woman named Sarah in the Old Testament. No, I am not talking about Sarah, the wife of Abraham, but about the Sarah

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top