Lifelong commitment at hindi gastusin ang dahilan ng mababang nagpapakasal sa simbahan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 510 total views

Hindi kumbinsido ang dating opisyal ng Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP) na gastusin ang pangunahing dahilan ng pagbaba ng bilang ng mga nagpapakasal sa bansa.

Ito ayon kay Fr. Melvin Castro, spiritual director ng ProLife Philippines at dating executive secretary ng CBCP-Episcopal Commission on Family and Life.

Sinabi ni Fr. Castro na maraming mga parokya ang nagbibigay ng libreng kasal at mga mass weddings.

“To be very honest matagal na ito na ang ‘trajectory’ ay pababa. So ang nakikita ko, ang personal analysis ko dyan hindi iyong expenses dahil napapansin ko kahit nagpapakasal sa huwes yung iba naka-traje de boda na simple at may handaan pa rin. So hindi ko makuha na excuse na mahal sa simbahan dahil ang dami kong alam na parokya ginagawa ang yearly o annual yung libreng kasal,” ayon kay Fr. Castro.

Iginiit ng pari na may mga nagpapakasal sa huwes ay may magarbong handaan.

Sa datos na inilabas ng Philippine Statistics Administration (PSA) naitala noong 2019 ang 431-libo ang nagpapakasal na mas mababa kumpara sa nakalipas na taon na umaabot sa 449-libo.

Ayon pa sa ulat, 36-porsiyento lamang sa kabuuang bilang ang nagpapakasal sa simbahan.

“Ang nakikita ko ay mas nakakatakot na reyalidad yung ayaw nilang mag-commit, yung lifetime commitment dahil takot sila na pumasok sa isang relasyon na talagang… yung binabanggit sa wedding vows na ‘in sickness and in health in poverty and richess, until death do us part,’ ayon kay Fr. Castro sa panayam ng Radio Veritas.

Naniniwala ang pari na hindi gastusin kundi ang takot sa responsibilidad at pangakong habambuhay na pagsasama ang posibleng dahilan ng mababang bilang ng nagpapakasal.

Ayon pa kay Fr. Castro, “Takot na magbigay ng lifelong commitment.”

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

BAKIT BIGO ANG K-12?

 47,348 total views

 47,348 total views Kapanalig, ipinatupad ang K-12 program o K-12 educational curriculum noong 2013 sa bisa ng Republic Act No. 10533 or the Enhanced Basic Education

Read More »

MAGING PANAHON NAGUGULUHAN NA

 43,216 total views

 43,216 total views Kapanalig, ano ba ang nangyayari sa ating bayan? Sa Senado, litong-lito na ang maraming Pilipino… Hindi na malaman ng marami kung ano ang

Read More »

Baluktot na katotohanan

 79,418 total views

 79,418 total views Mga Kapanalig, unti-unting nawawala ang dignidad ng Senado sa harap mismo ng sambayanan. Sa isa sa mga plenaryo ng Senado noong nakaraang linggo,

Read More »

Handa na ba tayo sa Super El Niño?

 88,125 total views

 88,125 total views Mga Kapanalig, pakiramdam niyo rin ba na parang hindi na nawawala ang init mula umaga hanggang gabi? Kung hiráp na tayo sa panahon

Read More »

Blue Ribbon Committee: magiging patas kaya?

 113,419 total views

 113,419 total views Mga Kapanalig, ang Senate Blue Ribbon Committee (o ang Committee on Accountability of Public Officers and Investigations) ay isa sa pinakamakapangyarihang komite sa

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top