Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Pope Francis, tiwalang maisasabuhay ng Simbahan sa Pilipinas ang ‘evangelical charity”.

SHARE THE TRUTH

 504 total views

Tiwala ang Kanyang Kabanalan Francisco na mas mapaigting pa ng simbahan sa Pilipinas ang pagtugon at paglingap sa pangangailangan ng mananampalataya sa kabila ng banta ng coronavirus pandemic.

Ito ang mensahe ng Santo Papa na ibinahagi ni Papal Nuncio to the Philippines Archbishop Charles Brown sa isinasagawang bi-annual plenary assembly ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines nitong Enero 26 hanggang 27.

“Pope Francis trusts that, amid the challenges of the global health crisis, your deliberations will lead to the more creative expressions of evangelical charity,” bahagi ng mensahe ni Pope Francis sa mga obispo.

Ito ang kauna-unahang pagkakataon na isinagawa ng CBCP ang online plenary assembly kasunod ng pagpapatupad pa rin ng mga restictions ng pamahalaan alinsunod sa community quarantine bunsod ng pandemya.

Umaasa ang Santo Papa na maging tahanan ang simbahan para sa mga nananamlay ang pananampalataya at pinanghinaan dahil sa mga hamong kinakaharap.

“Thus, enable the Church in the Philippines to be recognized as ‘a home with open doors,’ offering hope and strength to the suffering and to all who seek a more humane and dignified life,” dagdag pa ng Santo Papa.

Batay sa tala ng Dominus Est dumalo sa unang araw ng pagpupulong ang 81 aktibong obispo at arsobispo sa bansa, 10 retiradong obispo, 2 tagapangasiwa, Cardinal Gaudencio Rosales at Cardinal Jose Advincula at si Archbishop Brown mula sa Apostolic Nunciature.

Patuloy na ipinapanalangin ni Pope Francis ang mga pastol ng simbahan sa Pilipinas sa tulong at gabay ng Mahal na Birhen at tiniyak ang pakikiisa sa mga gawain lalo na ngayong ipagdiriwang ng bansa ang ikalimang sentenaryo ng Kristiiyanismo.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pasko ng mga OFW

 66,379 total views

 66,379 total views Mga Kapanalig, dadagsa ang mga OFW at mga kapamilya natin sa abroad na uuwi ng Pilipinas ngayong Pasko. Pero marami rin ang hindi

Read More »

Awa at hustisya

 82,551 total views

 82,551 total views Mga Kapanalig, nagdesisyon na ang International Criminal Court (o ICC) hinggil sa apela ng kampo ni dating Pangulong Rodrigo Duterte na repasuhin ang

Read More »

Hanggang saan aabot ang ₱500 mo?

 122,262 total views

 122,262 total views Mga Kapanalig, bahagi na ng kulturang Pilipino tuwing Pasko ang noche buena. Naghahanda tayo ng espesyal na pagkain—kahit simple lang—para ipagdiwang ang kapanganakan

Read More »

PORK BARREL

 182,193 total views

 182,193 total views Kapanalig, bakit katakam-takam ang Pork barrel funds? Bakit nababaliw ang mga mambabatas sa pork barrel? Noong 2013, idineklara ng Korte Suprema na unconstitutional

Read More »

THE CONDUCTOR

 194,484 total views

 194,484 total views Kapanalig, sinasabi ng Cambridge dictionary na ang “CONDUCTOR” ay “Person who directs the performance of musicians or a piece of music especially by

Read More »

Watch Live

LATEST NEWS

RELATED ARTICLES

Dignidad ng tao, pundasyon ng moralidad

 23,361 total views

 23,361 total views Nanindigan ang Conference of Major Superiors in the Philippines–Justice, Peace, and Integrity of Creation Commission (CMSP-JPICC) at mga Mission Partners sa pagtatanggol sa

Read More »
Scroll to Top