Kaligtasan, isinasaalang-alang ng mga Filipino sa COVID-19 vaccine

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 627 total reads

Pangunahing isinasaalang-alang ng mga Filipino ang kaligtasan mula sa epektong dulot ng pagpapabakuna laban sa coronavirus disease.

Ito’y ayon sa huling pag-aaral na isinagawa ng Veritas Truth Survey sa may 1,200-respondents sa buong bansa sa pamamagitan ng text at online data gathering noong January 4-22.

Batay sa resulta ng V-T-S, 67-porsiyento ng mamamayan ang mas isinasaalang-alang ang safety o kaligtasan sa epekto ng COVID-19 vaccine sa katawan ng tao, 17-porsiyento naman sa efficacy o bisa ng bakuna, habang walong porsiyento ang nais munang malaman ang country of manufacture o bansa kung saan ginawa ang gamot.

Lumabas din sa pag-aaral na nais din munang malaman ng anim na porsiyento ng mamamayan ang pagpapatotoo ng mga naunang nabakunahan at dalawang porsiyento naman sa layunin ng paggamit nito.
see:

Ayon kay Bro. Clifford Sorita, chief strategist ng VTS, kinakailangan muna ng pamahalaan na bigyan ng malinaw na impormasyon at paliwanag ang publiko upang makuha ang tiwala at maging matagumpay ang vaccination program laban sa COVID-19.

“To build trust and confidence in our vaccination efforts, government should provide the public with easily understandable scientifically based information and ensure everyone’s concerns are addressed easily and often,” ayon kay Sorita.

Binigyang-diin naman ni Fr. Anton CT. Pascual, pangulo ng Radio Veritas, ang kahalagahan ng Bio-ethics sa mga vaccination plan, gayundin ang dapat na pagsasaalang-alang sa mga mahihirap na higit na nangangailangan nito.

Inisyatibo ng Radio Veritas ang survey na layong malaman ang mga dahilan at isinasaalang-alang ng publiko sa bakuna laban sa COVID-19.

Sa mga pinuno sa buong mundo, kabilang sa mga naunang nagpabakuna laban sa virus sina US President Joe Biden, Queen Elizabeth at Prince Philip ng Britanya, at sina Pope Francis at Pope Emeritus Benedict the XVI.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

WALANG KAHIHIYAN

 171,610 total reads

 171,610 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 243,209 total reads

 243,209 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 276,656 total reads

 276,656 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 311,953 total reads

 311,953 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 531,683 total reads

 531,683 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 160,620 total reads

 160,620 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top