‘Local Synod’, mahalagang pagbubuklod ng simbahan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 821 total reads

Hindi pangkaraniwan kundi isang mahalagang pagbubuklod ng mga lokal na simbahan ang ‘sinodo’ ayon kay Manila Archbishop Jose Cardinal Advincula.

Ito ang pagninilay ng cardinal sa misang ginanap sa San Carlos Seminary sa paggunita ng kapistahan ni St. Charles Borromeo.

Ayon pa kay Cardinal Advincula, makabuluhan ang isinusulong ng Kanyang Kabanalan Francisco na Synod of Bishops on Synodality kung saan hinimok ang mananampalataya na maging bahagi sa pagpupulong.

“A synod is not simply a meeting or a gathering it is about walking together; San Carlos in his pastoral ministry showed us that synodality is walking together and acting together,” bahagi ng homiliya ni Cardinal Advincula.

Iginiit ni Cardinal Advincula na bawat isa ay bahagi sa pagpupulong bilang iisang katawan ni Kristo ang mananampalataya na bumubuo ng simbahan.

Kinilala si San Carlos Borromeo sa malaking ambag ng ‘reformation’ng simbahan makaraan ang Council of Trent kung saan isinusulong ang pagtatatag ng mga seminaryo para sa systematic formation at pagsasanay ng mga magiging pastol ng simbahan.

Ginunita rin ni Cardinal Advincula na taong 1702 nang itatag ng Hari ng Espanya ang San Carlos Seminary sa Manila bilang ‘conciliar seminary’.

“San Carlos Seminary is a product of Council of Trent, is indeed a fruit of synodality; May every Karlista lead and live the synodal way,” ani ng Cardinal.

Ang San Carlos Seminary ang kauna-unahang diocesan seminary sa bansa na naghubog ng mga paring Filipino.

Muling tiniyak ni Cardinal Advincula na bilang punong pastol ng arkidiyosesis ay nakahandan itong makinig sa mananampalataya upang maging mabunga ang paglalakbay ng arkidiyosesis bilang simbahan.

COMELEC, Tatalima sa Batas

 6,420 total reads

 6,420 total reads Tiniyak ng Commission on Elections o COMELEC na ipatutupad nito ang Republic Act No. 12326 na nagtakda ng limang taong termino ng mga

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

BSKE POSTPONEMENT

 18,604 total reads

 18,604 total reads Kapanalig, hindi na dapat pang pagdebatehan ang pagpapaliban sa Barangay at Sangguniang Kabataan Election o B-S-K-E. Simple lamang, itinakda ng Mababang Kapulungan ng

Read More »

Tuloy ang laban ng mga katutubo

 123,249 total reads

 123,249 total reads Mga Kapanalig, tuloy ang laban ng mga katutubo!  Ito ang pahayag ni Angelica Nasiron, isang katutubong Molbog mula sa isla ng Bugsuk, Balabac,

Read More »

Nalulugi ang transportasyon

 163,807 total reads

 163,807 total reads Mga Kapanalig, umabot na naman sa mahigit sandaang piso ang presyo ng diesel! Nanawagan ang mga operators ng provincial at city bus na

Read More »

Malaya na si Mary Jane

 184,261 total reads

 184,261 total reads Mga Kapanalig, magiging masaya ang Pasko ngayong taon ng pamilya ni Mary Jane Veloso. Si Mary Jane ay ang kababayan nating hinatulan ng

Read More »

KRISIS NA KINAKAHARAP NG MGA KABATAAN

 232,328 total reads

 232,328 total reads Mahinang industrial base ng ekonomiya, ito ang hadlang at ugat ng tumataas na bilang ng mga walang trabaho sa bansa lalu na sa

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top