Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

 478 total views

Mga Kapanalig, nabalitaan ninyo siguro ang sunud-sunod na mga kontrobersiya tungkol sa 49 milyong pisong kampanya ng Department of Tourism (o DOT).  

Noong nakaraang buwan, inilunsad ng DOT ang tourism campaign nito, kasama ang bagong slogan upang makaakit ng mga turista sa bansa: “Love the Philippines.” Umani ito ng magkakaibang reaksyon. May mga natuwa sa rebranding ngunit mayroon ding nadismaya sa bagong slogan na anila’y wala raw dating. May mga nagsabi ring kapareho ito sa mga slogan ng ibang bansa na “Love Barbados” at “Love Cyprus”, o kaya sa “Live Love Liloan” kung saan naging alkalde ng munisipalidad si DOT Secretary Christina Frasco.  

Matapos ang ilang araw, inulan naman ng batikos ang promotional video na inilabas ng DOT. Gumamit ito ng stock footage na nagpapakita ng mga tanawin sa Thailand, Indonesia, at United Arab Emirates. Inako naman ng advertising agency na DDB Philippines ang responsibilidad at humingi ng paumanhin sa pagkakamali. Sinabi rin ng agency na walang pondo ng gobyerno ang ginamit sa paggawa ng naturang video. Nagalit at nadismaya ang DOT kaya tinapos nito ang kontrata sa DDB Philippines. May mga nagkomentong tila naghugas-kamay ang DOT sa kapalpakan ng video na inaprubahan nito. 

Hindi rito natatapos ang kontrobersyang kinaharap ng kagawaran. Muling lumitaw ang social media post ng Minister of State for Culture of Singapore sa 26th ASEAN Tourism Forum na ginanap sa Indonesia noong Pebrero. Sa social media post, makikita ang pagbigay ni Secretary Frasco ng souvenir sa opisyal ng Singapore. Laman nito ang kilalang biskwit mula Cebu na produkto ng family business ng kanyang asawang kongresista. Katulad ng mga bagay na ipinamimigay ng mga pulitiko, nakalagay sa pasalubong na tinanggap ng opisyal ng Singapore ang litrato ng mag-asawang Frasco. Hindi ba ito nakakahiya? Hindi lang pala tourist destinations ng ibang bansa ang pino-promote natin sa mundo. Pati ang ”epal” na kaugalian ng mga tinatawag na traditional politician, ipinangangalandakan na rin natin.  

Sa salitang kolokyal, tinatawag na “epal” ang taong umaagaw ng atensyon o lantarang gumagawa ng self-promotion nang wala sa lugar. Noong 2021, isinama na ang anti-epal na probisyon sa national budget. Sa ilalim ng probisyong ito, pinagbabawalan ang mga opisyal ng gobyerno sa pag-promote ng kanilang sarili sa pamamagitan ng paglagay ng pangalan o litrato nila sa mga programa, proyekto, o anumang inisyatibong pinondohan ng pamahalaan. Nanggaling kaya sa pondo ng bayan ang ibinigay na souvenir ni Secretary Frasco? Maliban dito, hindi maikakailang ginamit niya ang posisyon sa gobyerno upang i-promote ang kanilang negosyo sa isang opisyal na okasyon. Malinaw na conflict of interest ito.  

Sinasabi sa mga panlipunang turo ng Simbahang tungkulin ng mga opisyal ng gobyerno, bilang mga lingkod-bayan, ang pagtataguyod ng katapatan, integridad, at kabutihang panlahat o common good. Hindi nila dapat inaabuso ang kapangyarihang tangan nila para sa pansariling interes. Hindi rin nila dapat tinatakasan ang accountability sa panahon ng kagipitan. Wika nga ni Pope Francis sa Laudato Si’, ang tunay na lingkod-bayan ay maprinsipyo at itinataguyod ang kabutihang panlahat kahit sa harap ng mga hamong kaakibat ng kanilang pagseserbisyo. 

Mga Kapanalig, ang mensaheng “Love the Philippines” ay hindi lang nakatuon sa mga dayuhan na iniimbitahang bumisita sa Pilipinas. Nakadirekta rin ito sa atin bilang mga mamamayan. Higit pa sa pagtangkilik sa mga destinasyon sa bansa, ipakita natin ang pagmamahal sa Pilipinas sa pamamagitan ng pagiging mapagmatyag sa mga tiwaling gawain at ng pagpapanagot sa mga lingkod-bayan. Katulad nga ng mensahe sa Mga Kawikaan 29:4, ang bayan ay matatag kung ang mga nasa poder ay makatarungan, ngunit ito ay mawawasak kung ang pansariling interes nila ang mangingibabaw. 

Sumainyo ang katotohanan. 

Screenshot 2024-04-26 121114
ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

‘Buwis-buhay’ para sa mga PWD

 20,482 total views

 20,482 total views Mga Kapanalig, nag-viral ang PWD ramp sa isang istasyon ng EDSA Busway sa Quezon City. Sa inauguration na ginawa ng Department of Transportation at Metropolitan Manila Development Authority (o MMDA), maraming nakapansing tila masyadong matarik at madulas ang bagong rampa  para mga persons with disability (o PWD). Batay sa Batas Pambansa (o BP)

Read More »

Saan aabot ang ₱20 milyon ng SONA?

 27,963 total views

 27,963 total views Mga Kapanalig, ngayon ang ikatlong State of the Nation Address (o SONA) ni Pangulong BBM. Bago ang araw na ito, naging usap-usapan ang inilaang 20 milyon pisong budget para sa okasyong ito. Ayon kay House Secretary-General Reginald Velasco, ang budget na ito ay gagamitin daw para sa mga sumusunod: pagkain at inumin ng

Read More »

Green Transport

 41,103 total views

 41,103 total views Kapanalig, marami ang nagpapasalamat ngayon na may opsyon na tayong maka-work from home. Ang public transport sa ating mga syudad ngayon ay lubhang malupit na, lalo para sa mga maralitang Pilipino. Dahil sa iba iba ang uri ng ating kabuhayan, marami pa rin sa atin ang no choice – kapit patalim, kapit tuko

Read More »

Inclusive Education

 47,076 total views

 47,076 total views Kapanalig, isa sa mga senyales na maganda ang kalidad ng edukasyon sa isang lipunan ay ang pagiging inclusive o mapagbilang nito – yung lahat ay may ready access kahit saan man siya nandoon, kahit ano pang kasarian niya, at kakayahan. Kasama dito, kapanalig, ang access ng mga vulnerable populations at disabled people. Kung

Read More »

Sports at Kabataan

 52,830 total views

 52,830 total views Kapanalig, katatapos lamang ng Palarong Pambansa – isang national activity, na sana’y lagi nating nabibigyan ng suporta. Malaking bagay ito, hindi lamang para sa mga kabataan, kundi para sa nation building at national pride. Kailangang manatiling malaki at mahalaga ang papel ng sports sa buhay ng kabataan sa sa ating bansa. Unang una,

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

‘Buwis-buhay’ para sa mga PWD

 20,483 total views

 20,483 total views Mga Kapanalig, nag-viral ang PWD ramp sa isang istasyon ng EDSA Busway sa Quezon City. Sa inauguration na ginawa ng Department of Transportation at Metropolitan Manila Development Authority (o MMDA), maraming nakapansing tila masyadong matarik at madulas ang bagong rampa  para mga persons with disability (o PWD). Batay sa Batas Pambansa (o BP)

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Saan aabot ang ₱20 milyon ng SONA?

 27,964 total views

 27,964 total views Mga Kapanalig, ngayon ang ikatlong State of the Nation Address (o SONA) ni Pangulong BBM. Bago ang araw na ito, naging usap-usapan ang inilaang 20 milyon pisong budget para sa okasyong ito. Ayon kay House Secretary-General Reginald Velasco, ang budget na ito ay gagamitin daw para sa mga sumusunod: pagkain at inumin ng

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Green Transport

 41,104 total views

 41,104 total views Kapanalig, marami ang nagpapasalamat ngayon na may opsyon na tayong maka-work from home. Ang public transport sa ating mga syudad ngayon ay lubhang malupit na, lalo para sa mga maralitang Pilipino. Dahil sa iba iba ang uri ng ating kabuhayan, marami pa rin sa atin ang no choice – kapit patalim, kapit tuko

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Inclusive Education

 47,077 total views

 47,077 total views Kapanalig, isa sa mga senyales na maganda ang kalidad ng edukasyon sa isang lipunan ay ang pagiging inclusive o mapagbilang nito – yung lahat ay may ready access kahit saan man siya nandoon, kahit ano pang kasarian niya, at kakayahan. Kasama dito, kapanalig, ang access ng mga vulnerable populations at disabled people. Kung

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Sports at Kabataan

 52,831 total views

 52,831 total views Kapanalig, katatapos lamang ng Palarong Pambansa – isang national activity, na sana’y lagi nating nabibigyan ng suporta. Malaking bagay ito, hindi lamang para sa mga kabataan, kundi para sa nation building at national pride. Kailangang manatiling malaki at mahalaga ang papel ng sports sa buhay ng kabataan sa sa ating bansa. Unang una,

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Responsableng kasiyahan

 41,599 total views

 41,599 total views Mga Kapanalig, humupa na ang kontrobersyal na pagdiriwang ng tinatawag na “Wattah Wattah Festival” sa Lungsod ng San Juan.  Halos isang buwan na rin ang nakalipas nang ipagdiwang ito ng mga kababayan natin sa San Juan. Kasama sa tradisyon tuwing sumasapit ang kapistahan ni San Juan Bautista ang basaan ng mga namimiyesta. Iyon

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kalidad ng pagtuturo

 42,683 total views

 42,683 total views Mga Kapanalig, itinalaga na ni Pangulong Bongbong Marcos, Jr si Senador Juan Edgardo “Sonny” Angara bilang bagong kalihim o secretary ng Department of Education kapalit ni Vice President Sara Duterte. Sa isang editoryal, binanggit natin ang kahilingan ng ilang grupo ng mga guro na sana, ang bagong kalihim ng DepEd ay isang educator

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Mga payaso sa sirko

 38,064 total views

 38,064 total views Mga Kapanalig, may kasabihan sa Ingles na “elect a clown, expect a circus.” Kapag bumoto raw tayo ng mga payaso, asahan nating magiging sirko ang gobyerno.  Pasintabi po sa mga ang hanapbuhay ay ang pagiging payaso. Ipinaaalala lamang ng kasabihang ito kung gaano kaseryoso ang paggiging lingkod-bayan. Ang pagsisilbi sa pamahalaan ay hindi

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

BPO industry

 50,068 total views

 50,068 total views Kapanalig, hindi natin maitatanggi, ang laking tulong, ginhawa, at pag-asa ang dinala Business Process Outprocessing industry o BPO, sa maraming manggagawang Filipino. Nabigyan ng opsyon ang marami nating mga mamamayan – graduate, o bagong graduate, middle aged, o kahit retired na, part-time, full-time – marami ang nagkaroon ng pagkakataon kumita dahil dito. Nakakapamili

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Balik Probinsya

 58,110 total views

 58,110 total views Kapanalig, marami ngayong Filipino ang nahahalina at pumipiling magbuhay probinsya. Malaking pagbabago ito, dahil bago mag pandemic, ang ating mga syudad, partikular na ang National Capital Region ang pangunahing migration destination sa ating bayan. Trabaho ang pangunahing rason – sa mga syudad kasi makikita ang karamihan sa mga oportunidad sa bayan. Pero iba

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kuryente

 49,667 total views

 49,667 total views Kapanalig, kahit ano pang pagpipikit mata natin o bulagbugan, hindi natin matitiis na ang mahal ng halaga ng kuryente sa ating bansa. Lalo ngayon kapanalig, na tumataas ang halaga ng dolyar, pihado, madarama na natin ang panibagong aray sa kuryente. Nauna na nga ang pasakit ng halaga ng krudo at gas, hindi ba?

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Nutrisyong sapat para sa lahat

 48,092 total views

 48,092 total views Mga Kapanalig, ang buwan ng Hunyo ay Nutrition Month batay sa Presidential Decree No. 491 noong 1974. Ngayong taon, ibinibida ng National Nutrition Council ang Philippine Plan of Action for Nutrition (o PPAN) sa selebrasyon ng Nutrition Month, na may temang “Sa PPAN: Sama-sama sa nutrisyong sapat para sa lahat!”. Ano nga ba

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ipagtanggol ang mga katutubong tagapagtanggol

 49,878 total views

 49,878 total views Mga Kapanalig, noong Hunyo pinaputukan ng isang armadong grupo ang mga katutubong residente ng Maria Hangin Island sa Balabac, Palawan.  Nangyari ang insidenteng ito isang araw matapos pigilan ng mga residente ang mga tauhan ng Department of Agrarian Reform (o DAR) na dumaong sa isla. Magsagawa sana noon ng konsultasyon ang DAR, kasama

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Umento sa sahod ng mga manggagawa

 46,803 total views

 46,803 total views Mga Kapanalig, inapubahan bago matapos ang Hunyo ng Regional Tripartite Wages and Productivity Board ang ₱35 na dagdag sa arawang sahod ng mga manggagawa dito sa National Capital Region (o NCR). Mula ₱610 ay magiging ₱645 ang minimum daily wage ng mga non-agricultural workers sa rehiyon.  Dismayado dito ang ilang labor groups. Para

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Irigasyon

 61,117 total views

 61,117 total views Kapanalig, ang Pilipinas ay isang bansang agrikultural na lubos na umaasa sa pagsasaka para sa kabuhayan ng maraming mamamayan. Ang irigasyon, o ang sistematikong pamamahagi ng tubig sa mga taniman, ay isang mahalagang aspeto ng agrikultura na may malaking epekto sa produksyon ng mga pananim, seguridad ng pagkain, at pangkalahatang pag-unlad ng bansa.

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top