Lugaw sa Biyernes Santo | Lawiswis ng Salita ni P. Nicanor F. Lalog II

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 480 total reads

Kung mayroon mang higit na malungkot
ngayong Biyernes Santo
habang tayo ay muling binalot
saka pinalaot sa gitna ng bulok
at kawalang sistema sa pandemya
noon pa, iyan ay tiyak walang dili iba
kungdi si Hesus na ating Panginoon
at Manunubos; marahil hindi Niya maubos
isipin sa gitna ng masasamang nangyayari sa atin
mas binibigyang pansin ng maraming hangal
sa ating pamahalaan mga bagay-bagay
kay daling isipin habang mga paksa 
nagiging usapin dahil sa pagsisinungaling!
Ngayong Biyernes Santo
araw ng pag-aayuno 
upang ating mapagtanto
Panginoong Hesus ay naririto
sa ating pagtitiis ng kagutuman
nalilinis ang puso at kalooban 
nawawalan ng laman
upang tayo ay mapunan 
ng Diyos ng kanyang kabanalan;
kay laking kahibangan
lalo ng mga nasa kapangyarihan
kalimutan at talikuran tuluyan
mga payak at aba, lugaw ang kumakatawan!
Pinakamalungkot pa rin 
ngayong Biyernes Santo
ang Panginoong Hesu-Kristo
dahil katulad niya noon
patuloy pangungutya sa kapwa
lahat hinahamak at minamaliit
gayong kanilang mga isipan 
ang walang laman, sadyang
mapupurol at makikitid
na hindi nababatid 
ang tao na higit na dakila
hindi masalita, nakikilala sa
busilak ng kanilang puso at diwa.
Huwag nating kalimutan
bago sumapit ang Biyernes Santo
noong gabing ipagkanulo si Kristo
pinili niyang walang hanggang tanda
ng kanyang kapanatilihan sa atin
tinapay na walang lebadura
na alalaong-baga sa atin dito sa Asya
kapantay ay lugaw na siyang inihahain
sa mga panahong alanganin
ito ang kinakain upang maging sapin
sa tiyan na dumaraing sa maraming hinaing
di lamang sa gutom kungdi pati
kawalan ng mga pumapansin.
Alalahanin tuwing ikaw ay kumakain
nitong paborito nating pagkain
lugaw marahil ang hihilingin
ni Hesus na Panginoong natin;
napakadaling pakisamahan
lasap kanyang linamnam
hindi maselang lutuin
walang ulam na aalalahanin
ano man maaring isahog at i-pares
sarap at ginhawang walang kaparis
kaya nakakainis mga nagmamalinis
sana'y umalis na
dahil sila ang mga panis!
Salamat sa mga taong simple at payak, maasahan kailanman tulad ng lugaw: mahalaga at mainam sa katawan!

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

WALANG KAHIHIYAN

 100,698 total reads

 100,698 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 177,528 total reads

 177,528 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 210,976 total reads

 210,976 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 246,276 total reads

 246,276 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 468,929 total reads

 468,929 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Sealed with the Holy Spirit

 10,411 total reads

 10,411 total reads Lord My Chef Daily Recipe for Soul by Fr. Nicanor F. Lalog II Friday, Twenty-Eighth Week in Ordinary Time, Year II, 16 October

Read More »

Be my everything, Jesus

 15,537 total reads

 15,537 total reads Lord My Chef Daily Recipe for Soul by Fr. Nicanor F. Lalog II Wednesday, Twenty-Eighth Week in Ordinary Time, Year II, 14 October

Read More »

Fatima, our G-U-I-D-A-N-C-E

 10,744 total reads

 10,744 total reads Lord My Chef Daily Recipe for Soul by Fr. Nicanor F. Lalog II Tuesday, 109th Anniversary of Last Apparition of Blessed Virgin Mary

Read More »

It might be you?

 18,384 total reads

 18,384 total reads Lord My Chef Daily Recipe for Soul by Fr. Nicanor F. Lalog II Monday, Twenty-Eighth Week in Ordinary Time, Year II, 12 October

Read More »
Scroll to Top