Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 779 total reads

Ang Metro Manila ay syudad ng pangarap. Dito, sa napakasikip at napaka-traffic na sentro ng kalakalan ng bansa, maraming Pilipino ang nagtataya ng kanilang lakas, oras, talino, at kakayahan para sa pangarap na magandang buhay. Kaya kapanalig, hindi namamatay ang Metro Manila. Ito ay buhay na buhay.

Kapanalig, ang lugar na ito ay kanlungan ng ating mga pangarap. Dito, unti unting nabubuo ng maraming mga Filipino ang kanilang buhay, ang kanilang pamilya, at ang kanilang “legacy” o pamana sa susunod na henerasyon. Huwag nating hayaang maging pangit ang ating pamana, kapanalig. Gawin nating luntian ang ating syudad.
Sabayan natin ang pagtatag ng mga imprastratura sa ating syudad ng pagpalaganap ng mga luntian o green na struktura sa ating mga tahanan at pamayanan at pagtataguyod ng green lifestyle.

Sa Metro Manila, lalo na sa kahabaan ng EDSA, kakaunti pa lamang ang mga green infrastructure o luntiang struktura. Kaya’t ang araw araw na pagbiyahe ng tao ay mas mabigat, kaya’t marami ang nagsasabi na tila nanghihina na ang Metro Manila. Lalo pa kung titingnan ang Pasig River, na nangangailangan ng resureksyon ngayon.

Sa gitna ng trapik, polusyon, at dumi ng Metro Manila, posible pa rin ang mga luntiang espasyo. Sa gitna ng burak ng Pasig River, maari pa rin itong mabuhay ulit. Kailangan lamang, kapanalig, pagtulungan natin ito.

Maari tayong tumulong sa Pasig River Rehabilitation Commission (PPRC) upang unti unting luminis ang ilog at ang maraming mga tributaryo nito. Ngayong bakasyon, kung kelan maraming kabataan ang walang ginagawa, maari nating silang i-mobilize upang linisin ang mga tributaryong malapit sa kanila.

Maari rin tayong maging mas conscious sa basurang ating tinatapon. Padami ng padami ang basura sa bansa at kada araw, at ang Metro Manila ang may pinakamaraming basura sa buong bansa. Umaabot ng 40,087.45 tonelada ng basura ang nakokolekta sa atin at 9,212.92 tonelada nito ay galing sa Metro Manila.

Ang mga aksyon na ito, maliit man, ay lalaki kung sabay sabay nating gagawin. Sa ating pagtutulongan, maaring maging luntian ulit ang Metro Manila. Kapanalig, paalala sa atin ng Caritas in Veritate: The way humanity treats the environment influences the way it treats itself, and vice versa. Kung mamahalin natin ang syudad, mamahalin din tayo nito at tutulong sa unti unti nating pagkamit ng ating mga luntiang pangarap.

Dizon at Lopez, nagpalitan ng tungkulin

 53,626 total reads

 53,626 total reads Magpapalit ng tungkulin sina Secretary Vince Dizon at Secretary Giovanni Lopez sa Department of Transportation at Department of Public Works and Highways Kinumpirma

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MADALDAL KULANG SA GAWA

 177,067 total reads

 177,067 total reads Kapanalig, magaling itong si Department of Interior and Local Government secretary Jonvic Remulla. Sa press release lalu na sa pagsasalita sa media, magaling

Read More »

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 262,435 total reads

 262,435 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Troublemaker

 309,176 total reads

 309,176 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 357,042 total reads

 357,042 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 452,409 total reads

 452,409 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

MADALDAL KULANG SA GAWA

 177,068 total reads

 177,068 total reads Kapanalig, magaling itong si Department of Interior and Local Government secretary Jonvic Remulla. Sa press release lalu na sa pagsasalita sa media, magaling

Read More »

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 262,436 total reads

 262,436 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Troublemaker

 309,177 total reads

 309,177 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 357,043 total reads

 357,043 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »
Scroll to Top