VeritasPH

The Word, The Truth

Makiisa sa pagtanggap sa blood relic ni St. John Paul II

SHARE THE TRUTH

 189 total views

Hinimok ni Rev. Fr. Reginald “Regie” Malicdem – Rector ng Minor Basilica of the Immaculate Conception ang mga mananampalataya na makiisa sa welcome mass at pagtanggap sa regalong blood relic o dugo ni St. Pope John Paul the 2nd para sa ika-60 anibersaryo ng pagkakatayo ng Manila Cathedral matapos na masira noong World War 2.

Ayon sa Pari, isang malaking pagpapala at biyaya para sa mga Filipinong mananampalataya ang “The Vial of Blood of St. Pope John Paul II” sapagkat ito ang isa sa natatanging 7 vials ng dugo o blood relic ni St. John Paul the 2nd sa buong mundo at kauna-unahang blood relic sa ating bansa.

Dahil dito, sinabi ni Father Malicdem na bigyan ng panahon ang pagtanggap sa naturang blood relic na nagsisilbi ring presensya ni St. Pope John Paul the 2nd sa ating piling.

Apela ng Pari, huwag lamang basta kuhanan ng larawan o mag-selfie kasama ang relic kundi tunay na magnilay, hawakan ang relic at magdasal ng taimtim para sa sarili, pamilya at sa bayan sa pamamagitan ni St. Pope John Paul the 2nd na malapit sa ating mga Filipino.

“Mga Kapanalig, ito’y very rare o privilege na ibinibigy sa atin ngayong darating na Sabado at Linggo na open ang Manila Cathedral para sa veneration ng relic ni St. John Paul the 2nd sana ay dumalaw tayo bigyan natin ng panahon, makapanalangin tayo sa kanya, makahingi tayo ng tulong ng kanyang panalangin at sana bigyan din natin ng paggalang yung kanyang relic, yung relic ay presensya na rin ng isang banal na tao sa ating piling kaya hindi lang basta magpipicture o magsiselfie kasama nung relic kundi hawakan natin ito, magdasal tayo ng taimtim para sa ating sarili, para sa ating pamilya, para sa ating bansa at hilingin natin yung kanyang panalangin para sa atin.” Ang bahagi ng pahayag ni Rev. Fr. Regie Malicdem sa panayam sa Radyo Veritas.

Pagbabahagi ni Fr. Malicdem ang naturang relic ang isa lamang sa tatlong relic ng mga Santo Papa na hiniling ng pamunuan ng Manila Cathedral sa Vatican na mayroong naging bahagi sa Simbahan para sa ika-60 anibersaryo ng muling pagkakatayo sa Simbahan matapos ang digmaan.

Ito ay sina Saint Pope John the 23 na siyang Santo Papa noong muling itinayo at isinagawa ang dedication sa Manila Cathedral noong 1958; si Blessed Pope Paul the 6th na nagmisa sa Manila Cathedral noong 1970 at inaasahan na rin idideklara bilang Santo ngayong taon at si Saint Pope John Paul the 2nd na nagmisa at nagtalaga sa Manila Cathedral bilang isang Minor Basilica noong 1981.

Ayon kay Fr. Malicdem, December 11, 2017 ng dumating sa bansa ang naturang first class relic ni St. Pope John Paul the 2nd sa pamamagitan ni Sr. Nancy Banares na isang Poland-based Filipino nun mula kay Krakow, Poland Archbishop Cardinal Stanislaw Dziwisz na siyang former secretary ng Santo Papa.

Nakatakdang pangunahan ng Kanyang Kabunyian Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle ang Welcome Mass para sa naturang relikya bukas araw ng Sabado ika-7 ng Abril ganap na alas-9 ng umaga kung saan matapos ang misa ay magkakaroon rin ng Film Showing na “The Last Days of Pope John Paul the 2nd” at magpapatuloy ang public veneration hanggang alas-8 ng gabi.

Kasunod nito, kinabukasan araw ng Linggo ika-8 ng Abril ay magpapatuloy ang public veneration sa “The Vial of Blood of St. Pope John Paul II” mula alas-6 ng umaga hanggang alas-8 ng gabi kung saan matapos ito ay magkakaroon na lamang ng mga pambihirang pagkakataon kung kailan muling magsasagawa ng public veneration para sa naturang relic.

Screenshot 2024-04-26 121114
ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Mga payaso sa sirko

 6,576 total views

 6,576 total views Mga Kapanalig, may kasabihan sa Ingles na “elect a clown, expect a circus.” Kapag bumoto raw tayo ng mga payaso, asahan nating magiging sirko ang gobyerno.  Pasintabi po sa mga ang hanapbuhay ay ang pagiging payaso. Ipinaaalala lamang ng kasabihang ito kung gaano kaseryoso ang paggiging lingkod-bayan. Ang pagsisilbi sa pamahalaan ay hindi

Read More »

BPO industry

 22,562 total views

 22,562 total views Kapanalig, hindi natin maitatanggi, ang laking tulong, ginhawa, at pag-asa ang dinala Business Process Outprocessing industry o BPO, sa maraming manggagawang Filipino. Nabigyan ng opsyon ang marami nating mga mamamayan – graduate, o bagong graduate, middle aged, o kahit retired na, part-time, full-time – marami ang nagkaroon ng pagkakataon kumita dahil dito. Nakakapamili

Read More »

Balik Probinsya

 30,607 total views

 30,607 total views Kapanalig, marami ngayong Filipino ang nahahalina at pumipiling magbuhay probinsya. Malaking pagbabago ito, dahil bago mag pandemic, ang ating mga syudad, partikular na ang National Capital Region ang pangunahing migration destination sa ating bayan. Trabaho ang pangunahing rason – sa mga syudad kasi makikita ang karamihan sa mga oportunidad sa bayan. Pero iba

Read More »

Kuryente

 35,687 total views

 35,687 total views Kapanalig, kahit ano pang pagpipikit mata natin o bulagbugan, hindi natin matitiis na ang mahal ng halaga ng kuryente sa ating bansa. Lalo ngayon kapanalig, na tumataas ang halaga ng dolyar, pihado, madarama na natin ang panibagong aray sa kuryente. Nauna na nga ang pasakit ng halaga ng krudo at gas, hindi ba?

Read More »

Nutrisyong sapat para sa lahat

 41,393 total views

 41,393 total views Mga Kapanalig, ang buwan ng Hunyo ay Nutrition Month batay sa Presidential Decree No. 491 noong 1974. Ngayong taon, ibinibida ng National Nutrition Council ang Philippine Plan of Action for Nutrition (o PPAN) sa selebrasyon ng Nutrition Month, na may temang “Sa PPAN: Sama-sama sa nutrisyong sapat para sa lahat!”. Ano nga ba

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Latest News
Reyn Letran - Ibañez

Maling pamamahayag ng isang TV station, pinuna ng CBCP President

 19,878 total views

 19,878 total views Pinuna ni Kalookan Bishop Pablo Virgilio David – pangulo ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) ang maling pamamahayag ng isang media outlet kaugnay sa naganap na tension sa pagsasagawa sana ng transition sa pamunuan ng St. Joseph Parish sa Gagalangin Tondo, Maynila noong ika-4 ng Hunyo, 2024. Sa personal na Facebook

Read More »
Cultural
Reyn Letran - Ibañez

CBCP-ECPPC, nanawagan sa pamahalaan na tugunan ang kapakanan ng PDLs

 27,371 total views

 27,371 total views Nanawagan ang Catholic Bishops’ Conference of the Philippines – Episcopal Commission on Prison Pastoral Care sa mga ahensya ng pamahalaan na nangangasiwa sa mga bilangguan sa bansa na tutukan ang kapakanan ng mga Persons Deprived of Liberty (PDLs) sa gitna ng matinding init na nararanasan sa kasalukuyan. Ito ang kahilingan ni Military Ordinariate

Read More »
Latest News
Reyn Letran - Ibañez

Ecumenical council sa Negros, nagpahayag ng pakikiisa sa Palestina

 35,521 total views

 35,521 total views Nagpahayag ng suporta at pakikiisa sa bansang Palestina ang One Negros Ecumenical Council (ONE-C) na binubuo ng mga opisyal ng Roman Catholic Church, Iglesia Filipina Independiente (IFI) at United Church of Christ of the Philippines (UCCP) sa Negros-island. Sa isang solidarity message na nilagdaan ng apat na opisyal ng iba’t ibang denominasyon mula

Read More »
Latest News
Reyn Letran - Ibañez

Historical revisionism, pipigilan ng Martial Law Digital Library

 35,815 total views

 35,815 total views Naniniwala ang Ateneo Martial Law Museum na kinakailangang balikan ang kasaysayan ng bansa o mga nangyari sa nakaraan upang tumimo ang mga aral na hatid nito at maiwasang maulit sa kasalukuyang panahon. Ito ang ibinahagi ni Oliver John Quintana – coordinator ng Ateneo Martial Law Museum and Library sa programang Barangay Simbayanan sa

Read More »
Cultural
Reyn Letran - Ibañez

Mamamayan, binalaan sa pekeng email account ni Archbishop Palma

 31,547 total views

 31,547 total views Muling nagbabala sa publiko ang Archdiocese of Cebu kaugnay sa mga gumagamit ng pekeng email account na nakapangalan kay Cebu Archbishop Jose Palma. Bahagi ng babala ng arkidiyosesis ang pag-iingat ng publiko sa pakikipag-ugnayan at pakikipag-komunikasyon sa mga mapanamantalang indibidwal na ginagamit ang pangalan ni Archbishop Palma sa paghingi ng donasyon at tulong

Read More »
Cultural
Reyn Letran - Ibañez

Kahalagahan ng digital communion, binigyan diin sa RCAM SOCOM lenten recollection

 36,566 total views

 36,566 total views Kahalagahan ng digital communion, binigyan diin sa RCAM SOCOM lenten recollection Nagkaloob ng Lenten Recollection ang Archdiocese of Manila Office of Communication para sa mga kinatawan ng social communications ministry ng bawat parokya sa buong arkidiyosesis. Pinangunahan ni Rev. Fr. Eric Castro – Team Ministry Moderator and Rector of National Shrine of the

Read More »
Latest News
Reyn Letran - Ibañez

Committee on KontraBigay ng COMELEC, suportado ng PPCRV

 3,702 total views

 3,702 total views Nagpahayag ng suporta ang Parish Pastoral Council for Responsible Voting (PPCRV) sa inilunsad ng Commission on Elections (COMELEC) na bagong Committee against Vote-Buying and Vote Selling. Ayon kay PPCRV Chairman Evelyn Singson, napapanahon ang naging hakbang ng COMELEC na pagtatatag ng Committee on KontraBigay upang tuluyan ng mawakasan ang talamak na vote buying

Read More »
Latest News
Reyn Letran - Ibañez

RISE program, sinuportahan ng CHR

 4,710 total views

 4,710 total views Nagpahayag ng suporta ang Commission on Human Rights sa bagong programa ng Department of Agriculture (DA) at Bureau of Corrections (BuCor) para sa mga Persons Deprived of Liberty (PDL) o mga bilanggo. Suportado ng C-H-R ang Reformation Initiative for Sustainable Environment for Food Security (RISE) project na magbibigay ng pagkakataon sa mga bilanggo

Read More »
Cultural
Reyn Letran - Ibañez

RMP, vindicated desisyon ng QC-RTC

 3,469 total views

 3,469 total views Paiigtingin ng Rural Missionaries of the Philippines (RMP) ang misyong paglingap sa pangangailangan ng mga mahihirap lalo sa mga liblib na lugar ng bansa. Ito ang opisyal na pahayag ng organisasyon kasunod ng pagbasura ng Quezon City Metropolitan Trial Court sa kasong perjury na isinampa ni dating National Security Adviser Hermogenes Esperon laban

Read More »
Cultural
Reyn Letran - Ibañez

Manindigan, panawagan ng One Faith One Nation One Voice sa mamamayan

 3,120 total views

 3,120 total views Nanawagan ang One Faith One Nation One Voice sa mananampalataya na sa paggunita sa adbiyento at pasko ay pagnilayan ang maaaring magawa o maiambag sa bayan. Ayon sa grupo na ginagabayan ni Taytay, Palawan Bishop Broderick Pabillo, mahalagang gamiting pagkakataon ng bawat isa ang panahon ng adbiyento upang makaambag sa pagkamit ng hinahangad

Read More »
Cultural
Reyn Letran - Ibañez

Reyalidad sa naipong bangkay ng NBP inmates, ikinalulungkot ng CBCP

 4,548 total views

 4,548 total views Ikinalulungkot ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines-Episcopal Commission on Prison Pastoral Care ang reyalidad na sinasalamin ng naipong labi ng mga bilanggo ng New Bilibid Prison. Ayon kay Rev. Fr. Nezelle Lirio – executive secretary ng kumisyon, nakababahala ang reyalidad ng kalagayan ng mga bilanggo na tuluyan ng pinabayaan at itinakwil ng

Read More »
Cultural
Reyn Letran - Ibañez

Pag-alala, pag-asa at pasasalamat, mensahe ng All Souls day

 2,751 total views

 2,751 total views Ang All Souls day ay paaala sa patuloy na koneksyon ng bawat isa sa mga namayapang kaibigan at mahal sa buhay. Ito ang mensahe ni Pasig Bishop Mylo Hubert Vergara sa pinangunahang Banal na Misa para sa Paggunita sa mga Yumao sa Sto. Tomas de Villanueva Cemetery, Santolan, Pasig. Ayon sa Obispo na

Read More »
Disaster News
Reyn Letran - Ibañez

Manila North at Manila South cemeteries, isinara sa publiko

 3,272 total views

 3,272 total views Ipinag-utos ng Pamahalaang Lungsod ng Maynila ang pansamantalang pagsasara sa publiko ng Manila North at Manila South cemeteries ngayong araw ng Sabado, ika-29 ng Oktubre, 2022. Ang naturang hakbang ni Manila Mayor Honey Lacuna-Pangan ay bahagi ng pag-iingat ng lokal na pamahalaan sa publiko mula sa pananalasa ng bagyong Paeng kung saan kasalukuyang

Read More »
Uncategorized
Reyn Letran - Ibañez

ONE GODLY VOTE, maka-Diyos na paghalal sa mga lider ng bansa sa 2022 national election

 2,137 total views

 2,137 total views Ang eleksyon o halalan ay isang pambansang gawain na dapat seryosohin ng bawat mamamayan. Ito ayon kay Rev. Fr. Jerome Secillano, Executive Secretary ng CBCP-Permanent Committee on Public Affairs, ang isa sa mga layunin at nais bigyang-diin ng nakatakdang ilunsad na election campaign ng Archdiocese of Manila na tinaguriang “1 Godly Vote”. Pagbabahagi

Read More »
Uncategorized
Reyn Letran - Ibañez

Mamamayan sa Taal volcano, pinayuhang patatagin ang pananampalataya sa Panginoon

 2,006 total views

 2,006 total views Tiniyak ng dating Arsobispo ng Archdiocese of Lipa ang patuloy na pananalangin para sa kapakanan at kaligtasan ng mamamayan kaugnay sa posibleng pagsabog ng bulkang Taal. Ayon kay Lipa Archbishop Emeritus Ramon Arguelles, hindi magtatapos sa kanyang pagreretiro ang kanyang pagmamahal at pagmamalasakit sa mamamayan lalo na sa bayan ng Taal na muling

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top