Lupa hindi bomba, bigas hindi bala

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 739 total reads

Ito ang nagkakaisang sigaw ng mga magsasaka mula sa ibat-ibang bahagi ng bansa na nag-martsa patungong University of Santo Tomas upang ipakita sa pamahalaan ang social injustice na kanilang nararanasan.

Sinimulan ang pagtitipon ng isang banal na misa na pinangunahan ni Kalookan Bishop Emeritus Deogracias Iñiguez na dinaluhan ng mga magbubukid ng Pilipinas, kinatawan ng Simbahang Katolika at mag-aaral ng U-S-T na sinundan ng solidarity lunch.

Ayon kay CLAMOR Movement o Coalition for Land, Against Martial Law and Oppression lead convenor Rafael ‘Ka Paeng’ Mariano, isang magandang pagkakataon ang pagsama-sama ng iba’t-ibang sektor ng lipunan upang ihayag sa gobyerno ang mariing pagtutol sa extra judicial killings at karahasan na dinaranas ng mga magsasaka sa ilalim ng batas militar.

“Ang deklarasyon po ng Martial Law sa buong bansa ay lalong mangangahulugan ng pagdami pa ng mga kaso ng political extra judicial killings o summary executions lalung lalo na sa hanay ng mga magsasaka. Sa unang taon ng Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa ilalim ng kanyang administrasyon, tuluy-tuloy pong nagaganap ang pamamaslang lalung-lalo na sa hanay ng ating magsasaka,” pahayag ni Mariano.

Kasabay ng pagtutol sa diktadurya, tyranny at opresyon, layunin din ng pagtitipon na bigyang-pansin at tutukan ang usapin hinggil sa genuine agrarian reform, libreng pamamahagi ng lupa at ang walang habas na pagpatay sa mga magsasaka sa iba’t ibang rehiyon.

Sa tala ng CLAMOR, umabot na 91 mga magsasaka ang napapaslang buhat noong naluklok sa pwesto si Pangulong Rodrigo Duterte hanggang Agosto 2017.

Patuloy namang ipinaalala ni Pope Francis sa mga lider ng bawat bansa na pahalagahan ang karapatan ng maliliit na tao sa lupang kanilang tinubuan.

Radyo Veritas 846, kinilala ng RMAF

 17,147 total reads

 17,147 total reads Binigyang-diin ni Ramon Magsaysay Award Foundation (RMAF) President Susanna Afan ang kahalagahan ng pagkukuwento sa pagpapalalim ng pagkakaunawaan at pagpapalapit ng mga mamamayan

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MADALDAL KULANG SA GAWA

 77,207 total reads

 77,207 total reads Kapanalig, magaling itong si Department of Interior and Local Government secretary Jonvic Remulla. Sa press release lalu na sa pagsasalita sa media, magaling

Read More »

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 162,574 total reads

 162,574 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Troublemaker

 209,310 total reads

 209,310 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 257,181 total reads

 257,181 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 357,360 total reads

 357,360 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo

 314,270 total reads

 314,270 total reads AVT Liham Pastoral: Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo Wika ng Panginoong Jesus: “Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo. Ang aking kapayapaan ang

Read More »

Our dear people in government

 420,366 total reads

 420,366 total reads CBCP Statement for official release at 12 noon today: “Nothing is concealed that will not be revealed, nor secret that will not be

Read More »
Scroll to Top