Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

 341 total views

Homiliya para sa Huwebes, ika-11 Linggo ng Ordinaryong Panahon, 16 Hunyo 2022, Mt 6:7-15

May isang komposisyon si Erik Santos na inawit ni Lea Salonga. Religious song ang dating pero hindi talaga pang-simbahan. May kutob ako na ang pinaghugutan nito ng inspirasyon ay ang Gospel reading natin ngayon tungkol sa panalanging itinuro ni Hesus sa atin . Ang title ng kantang tinutukoy ko ay “LUPA MAN AY LANGIT NA RIN.” Ito ang tinatawag kong summary ng Ama Namin. Sabi ng kanta,

“Ikaw ang nagturo ng tamang landasin
Sa puso at aking damdamin
Dinggin ang papuri, ang bawat dalangin
Dahil sa ‘yo lupa man ay langit na rin.”

Paano ba ito summary ng Ama Namin? Ito ang tinatawag kong “bisagra” o dugtungan sa pagitan ng dalawang parte ng AMA NAMIN. Ang unang bahagi ay tungkol sa Diyos Ama sa LANGIT: tungkol sa ngalan niya, kaharian niya at ang kalooban niya. Ang pangalawang bahagi ay tungkol naman sa atin—tayong mga tao dito sa LUPA. Tungkol sa kakanin natin, mga kasalanan natin, at sa mga tuksong haharapin natin.

Parang sinasabi bi Erik Santos sa kanta, sa madaling salita, ang sinasabi lang natin sa panalanging itinuro ni Hesus ay: Ama namin sa langit, kung maipagkaloob mo lang sa amin dito sa lupa ang tunay na kailangan namin, LUPA MAN ay LANGIT NA RIN.
In short, hindi sapat na ipagdasal lang natin na tayo ay mapunta ng langit sa kabilang buhay. Ang langit ay dapat simulan na natin dito sa lupa. Walang langit na maghihintay sa atin sa kabilang buhay kapag hindi natin pinagsumikapang maranasan na ito sa buhay natin sa mundo.

Syempre, ang kasunod na tanong ay, PAANO? At ang sagot ni Hesus ay: matuto lang kayong humiling nang tama mula sa aking Ama, na inyo ring Ama, ibibigay niya ito sa inyo. Kahit gustuhin ng Ama ano ba ang magagawa niya kung ayaw naman natin? Di ba tayo nga mismo naiinis kapag binibigyan mo na ang isang tao ng kailangan niya umaayaw pa siya? Minsan tuloy nasasabi natin, “AYAW MO, E DI HUWAG. MAGDUSA KA RIYAN!”

At pag nagdusa naman tayo, umaangal tayo at nasasabi natin IMPYERNONG BUHAY NAMAN ITO! Oo naman. Pwede talagang imbes na langit ay impyerno ang simulan natin dito sa mundo. Kung iyan ang piliin natin. Ano ba ang dapat nating pag-aralang piliin? Anim na bagay ayon sa itinurong panalangin ni Hesus. Sa madaling salita ang sinasabi sa atin ni Hesus ay—matuto lang kayo na humiling nang tama—makikita nyo, ang DITO SA LUPA ay magiging SIMULA NA NG LANGIT.

So ano ang dapat hilingin? Unang tatlo: na ang ngalan ng Diyos ang sasambahin natin, at hindi ang mga iniidolo natin sa lupa. Na ang kaharian ng Diyos ang mapasaatin sa mundo at hindi ang mga kaharian ng mga taong mahilig magdiyos-diyosan. Na ang kalooban ng Diyos ang sundin natin sa daigdig, imbes na mga layaw at luho na kinahuhumalingan natin.

Ngayon naman ang second part, ang pangalawang tatlong bagay na dapat matutunan nating hilingin: pagkain, patawad at pag-aadya sa pagsubok. Tatlong P. Syempre, ang pagkaing tinutukoy ay hindi lang kanin at ulam kundi Salita ng Diyos. At ang patawad naman ay hindi lang tungkol sa kasalanang nagawa natin na dapat ihingi ng tawad kundi pati na rin sa mga kasalanang nagawa ng kapwa laban sa atin na dapat nating din nating matutunang patawarin. At panghuli, kung ibig nating ipag-adya tayo ng Diyos sa masama, pag-aralan naman nating umiwas sa tukso.

Minsan may nagsasabing ang langit ay parang opyo lang na pampalimot sa mga pagsubok na dapat harapin sa lupa. Mali. Baligtad. Hindi pagtakas kundi pagharap sa mga pagsubok sa mundo ang itinuro sa atin ni Kristo. Ang landas ni Hesus ay ang masimulan na ang langit dito pa lang lupa. Kay Hesus, kung totoong hinahangad mo ang langit ang patunay ay pahahalagahan mo ang buhay mo dito sa lupa.

Obvious naman kay Hesus na hindi natin matatamo ang kaganapan ng langit sa dito sa lupa. Kaya nga naniniwala tayo na meron pang kasunod ang maikling buhay natin dito sa mundo. Ang tinatawag nating “buhay na walang hanggan”: ang mas ganap na buhay na inilaan ng Diyos para sa lahat ng tunay na naghahangad nito.

Kaya sinabi ni Hesus, “Hangarin muna ninyo ang kaharian ng Diyos, at ang lahat ng ito ay mapapasainyo.”

Tama ang punto ng kanta ni Erik Santos:

“Ikaw ang nagturo ng tamang landasin
Sa puso at aking damdamin
Dinggin ang papuri, ang bawat dalangin
Dahil sa ‘yo lupa man ay langit na rin.”

Screenshot 2024-04-26 121114
ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Green Transport

 2,451 total views

 2,451 total views Kapanalig, marami ang nagpapasalamat ngayon na may opsyon na tayong maka-work from home. Ang public transport sa ating mga syudad ngayon ay lubhang malupit na, lalo para sa mga maralitang Pilipino. Dahil sa iba iba ang uri ng ating kabuhayan, marami pa rin sa atin ang no choice – kapit patalim, kapit tuko

Read More »

Inclusive Education

 8,424 total views

 8,424 total views Kapanalig, isa sa mga senyales na maganda ang kalidad ng edukasyon sa isang lipunan ay ang pagiging inclusive o mapagbilang nito – yung lahat ay may ready access kahit saan man siya nandoon, kahit ano pang kasarian niya, at kakayahan. Kasama dito, kapanalig, ang access ng mga vulnerable populations at disabled people. Kung

Read More »

Sports at Kabataan

 14,179 total views

 14,179 total views Kapanalig, katatapos lamang ng Palarong Pambansa – isang national activity, na sana’y lagi nating nabibigyan ng suporta. Malaking bagay ito, hindi lamang para sa mga kabataan, kundi para sa nation building at national pride. Kailangang manatiling malaki at mahalaga ang papel ng sports sa buhay ng kabataan sa sa ating bansa. Unang una,

Read More »

Responsableng kasiyahan

 21,442 total views

 21,442 total views Mga Kapanalig, humupa na ang kontrobersyal na pagdiriwang ng tinatawag na “Wattah Wattah Festival” sa Lungsod ng San Juan.  Halos isang buwan na rin ang nakalipas nang ipagdiwang ito ng mga kababayan natin sa San Juan. Kasama sa tradisyon tuwing sumasapit ang kapistahan ni San Juan Bautista ang basaan ng mga namimiyesta. Iyon

Read More »

Kalidad ng pagtuturo

 29,427 total views

 29,427 total views Mga Kapanalig, itinalaga na ni Pangulong Bongbong Marcos, Jr si Senador Juan Edgardo “Sonny” Angara bilang bagong kalihim o secretary ng Department of Education kapalit ni Vice President Sara Duterte. Sa isang editoryal, binanggit natin ang kahilingan ng ilang grupo ng mga guro na sana, ang bagong kalihim ng DepEd ay isang educator

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

REVELATION TO THE CHILDLIKE

 560 total views

 560 total views Homily for Wed of the 15th Wk in OT, 17 July 2024, Isa 10:5-7, 13b-16; Mt 11:25-27 Our first reading today is a grim warning to modern-day world powers who bully their neighbors. It is a good reminder for nations that have become economically prosperous and militarily powerful to the point of throwing

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

APOSTOL, SUGO, KINATAWAN

 563 total views

 563 total views Homiliya Para sa Ika-15 Linggo ng Karaniwang Panahon, 16 Hulyo 2024, Markos 6:7-13 Nais ko sana na itutok natin ang ating pagninilay sa araw na ito sa kahulugan ng pagiging “apostol”. Alam ko na ang karaniwang iniuugnay natin sa salitang “apostol” ay ang 12 lalaki na pinili ni Hesus mula sa kanyang mga

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

BUEN CAMINO

 3,317 total views

 3,317 total views Homiliya para sa Huwebes, 11 Hulyo 2024, Paggunita kay San Benito, Mt 10:7-15 Noong nakaraang Martes, nag-bonding kami ng kapatid kong panganay. Umabot ng tatlong oras ang tanghalian namin dahil nagkuwento siya tungkol sa naranasan niyang paglalakad sa camino ng Compostela nitong nakaraang buwan. Biro niyo, sa edad na 78 ay naglakad siya

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

IN JESUS’ NAME

 7,732 total views

 7,732 total views Homily for Wed of the 13th Wk in Ordinary Time, 10 July 2024, 18th Episcopal Ordination Anniversary, Mk 10:1-7 On Thursday last week, the final day of the annual retreat of the CBCP, we has as main presider at the Eucharistic Celebration the Secretary of the Holy See’s Relations with States, Abp. Paul

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

KATATAGAN

 3,058 total views

 3,058 total views Homiliya para sa Huwebes sa Ikalabindalawang Linggo ng Karaniwang Panahon, 27 Hunyo 2024, Mat 7:21-29 “Malapit na ang giyera!” Ito ang babala ng mga propeta sa Jerusalem. Pero walang sumiryoso sa babala nila. Hanggang minsan isang araw bigla na lang nagkatotoo. Ang katuparan ng malagim na hula ay ang malungkot na kuwentong narinig

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

THE HEART AND THE EYE

 3,581 total views

 3,581 total views Homily for Friday of the 11th Wk in Ordinary Time, 21 June 2024, Mt 6:19-23 Today’s Gospel makes me understand the expression, “His heart is in the right place.” The idiom is understood to mean “He has good intentions despite his flaws and mistakes.” Or “He has shortcomings but he is sincere and

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

GOD THE FARMER

 5,080 total views

 5,080 total views Homiliya para sa Ika-11 Linggo ng Karaniwang Panahon, 16 Hunyo 2024, Mk 4:26-34 Dalawang punto lang ang mungkahi kong pagnilayan natin tungkol sa mga talinghagang narinig natin sa ebanghelyo ngayon. Una, ang Diyos ang magsasaka, ang salita niya ang binhi. Pangalawa, tayo mismo ay para ding mga binhi. Simulan natin sa una. Ang

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

GO OUTSIDE!

 5,924 total views

 5,924 total views Homily for Friday of the 10th Week in Ortdinary Time, 14 June 2024, 1 Kings 19; Mt 5:27-32 Like I told you yesterday, the drama in the life and mission of the prophet Elijah—which has been read from the first book of Kings for the past few days now—continues today with chapter 19.

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

MAGDILANG ANGHEL

 4,179 total views

 4,179 total views Homiliya para sa Misang Paggunita kay San Antonio de Lisbon, 13 Hunyo 2024, Mt 5:20-26 “Magdilang-anghel ka nawa!” Ito ang sinasabi natin sa Pilipino pag may binigkas na hula ang iba na ibig nating magkatotoo. Isang taong may dilang anghel, ito ang turing ng mga taga-Padua kay San Antonio dahil sa tindi ng

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

SAN ANTONIO DE LISBON

 8,392 total views

 8,392 total views Homiliya para sa Bihilya sa Kapistahan ni “San Antonio de Padua,” Miyerkoles sa Ikasampung Linggo ng Karaniwang Panahon, 12 Hunyo 2024, Mat 5, 17-19 Salamat sa Marian pilgrimage ng Kaparian ng Kalookan, bukod sa dalaw namin sa lugar na pinangyarihan ng aparisyon ng Birhen sa Fatima, nakadalaw din kami sa bayan ng ating

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

THE “GOOD MAN”, BARNABAS

 7,625 total views

 7,625 total views Homily for Thursday of the 10th Week in Ordinary Time, 11 June 2024, Mat. 10:7-13 Today is the Feast of the Holy Apostle and Martyr, St Barnabas, whom St Luke describes in our first reading today as “a good man, filled with the Holy Spirit and faith”. In one of my past homilies

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

TAHANAN NG PUSO

 11,835 total views

 11,835 total views Homiliya Para sa Ika-10 Linggo ng Karaniwang Panahon, 9 Hunyo 2024, Mk 3:20-35 Ang ating pagninilay sa araw na ito ay tungkol sa pagtatayo ng tahanan, hindi lang bahay. Alam naman natin na hindi lahat ng bahay ay tahanan, di ba? Di ba may kasabihan tayo: “Mabuti na sa akin ang bahay kahit

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

BLOOD AND WATER

 5,283 total views

 5,283 total views BLOOD AND WATER Homily for the Feast of the Sacred Heart of Jesus, 7 June 2024, Jn 19,31-37 I call the Feast of the Sacred Heart of Jesus a poetic feast about the mystery of the Love of Christ. Saint Paul himself sounds very poetic in our second reading from third chapter of

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

TAO PO (HINDI “TAO LANG PO”)

 5,287 total views

 5,287 total views TAO PO (HINDI “TAO LANG PO”) Homiliya Para sa Huwebes sa Ikasiyam na Linggo ng Karaniwang Panahon, 6 Hunyo 2024, Mk 12,28-34 May kuwento tungkol sa isang pusa na inanod ng agos ng baha at nakakapit sa sanga ng maliit na puno sa gilid ng estero. Nakita daw ito ng dalawang tao. Dahil

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

THE ETERNAL NOW

 5,287 total views

 5,287 total views THE ETERNAL NOW Homily for Wed of the 9th Week in Ordinary Time, 5 June 2024, Mk 12,18-27 The question raised in today’s Gospel reminds me of the story of a woman named Sarah in the Old Testament. No, I am not talking about Sarah, the wife of Abraham, but about the Sarah

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top