Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Maayos na pagsusuri sa kontrobersyal na Malabog flyover project, panawagan ng Diocese of Legazpi

SHARE THE TRUTH

 1,679 total views

Nanawagan ang Bantay Project Albay ng Diocesan Commission on Social Concerns at Social Action Center (SAC) ng Diocese of Legazpi ng agaran, komprehensibo, at bukas sa publikong pagsusuri sa kontrobersyal na Malabog Flyover Project, bago pa man isaalang-alang ang panibagong proseso ng bidding at paggastos ng karagdagang pondo ng bayan.

Ayon sa grupo, bagama’t inihayag ni Department of Public Works and Highways Secretary Vince Dizon na ipatitigil ang tinaguriang “Malabog Stonehenge” matapos mabawi ang lisensiya ng pangunahing kontratistang Alpha & Omega General Contractor & Development Corporation, nananatiling hindi pa rin malinaw ang papel at pananagutan ng isa pang kontratista na Next Generation Construction and Supply Corp.

Iginiit ng Bantay Project Albay na kung makakamit ang layunin ng proyekto sa pamamagitan ng isang access road mula sa Maharlika Highway na mas abot-kaya at mas praktikal, hindi na makatwiran ang patuloy na paggastos sa flyover.

“Then it has to be shut down permanently, and existing structures dismantled, to make way for a proper access road,” ayon sa grupo.

Dagdag pa ng grupo na sa simula pa lamang ay nakitaan na ng iba’t ibang suliranin ang proyekto tulad ng kakulangan sa konsultasyon at pananagutan.

Paliwanag ng Bantay Project Albay, ang patuloy na paggastos ng daan-daang milyong piso sa maaanomalyang proyekto ay isang anyo ng pang-aabuso sa tiwala ng publiko at malinaw na paglabag sa prinsipyo ng pananagutan at mabuting pamamahala.

“The project has been hounded by lack of transparency and proper consultation with local stakeholders, lack of accountability on the part of its proponents and contractors, lack of public trust due to it being approved through congressional insertion and allegation of massive corruption, right-of-way issues, and long unexplained delays,” giit ng grupo.

Batay sa tala sa DPWH transparency portals, umabot sa P44.6 milyon ang halaga ng Phase 1 ng proyekto, habang natigil ang Phase 2 na may kontratang P40.23 milyon nang walang sapat na paliwanag, at ang Phase 3 naman ay may kabuuang kontratang P198.07 milyon.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Nasasayang na oras

 4,745 total views

 4,745 total views Mga Kapanalig, ilang oras ang nasasayang ninyo tuwing naiipit kayo sa matinding trapik? Ayon sa TomTom Traffic Index, umabot sa 143 hours—o katumbas

Read More »

Wakasan ang political dynasties!

 23,094 total views

 23,094 total views Mga Kapanalig, sa wakas, tinatalakay na ng Kongreso ang Anti-Political Dynasty Bill! Layunin ng panukalang batas na wakasan ang pamamayagpag ng iilang pamilya

Read More »

Nasaan ang mga “makabayan”?

 41,378 total views

 41,378 total views Mga Kapanalig, may pagbabanta ang China sa mga senador at opisyal ng gobyerno na dumedepensa sa West Philippine Sea.  Sa isang statement na

Read More »

Wala ba talagang due process?

 196,456 total views

 196,456 total views Mga Kapanalig, balik-kulungan si dating Senador Ramon “Bong” Revilla Jr. Ipinag-utos ng Sandiganbayan ang pansamantalang pagkulong kay dating Senador Revilla kaugnay ng kasong

Read More »

Mas maliwanag na bukas?

 240,903 total views

 240,903 total views Mga Kapanalig, ipinagdiriwang ng pamahalaan ang makasaysayang pagtuklas ng natural gas sa Malampaya East-1 (o MAE-1) reservoir sa karagatan ng Palawan. Ang MAE-1

Read More »

Watch Live

LATEST NEWS

RELATED ARTICLES

Scroll to Top