Optional memorial kay St.John Henry Newman, isinama sa General Roman calendar

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 28,178 total reads

Pormal nang idineklara ng Vatican ang pagdaragdag ng pagdiriwang kay St. John Henry Newman, pari at pantas ng Simbahan, sa General Roman Calendar ng Simbahang Katolika, kasunod ng atas ng Kanyang Kabanalan Pope Leo XIV.

Sa inilabas na kalatas ng Dicastery of Divine Worship and the Discipline of the Sacraments, itinatagubilin ng Santo Papa na ipagdiwang ng buong Simbahan ang Optional Memorial ng santo tuwing October 9.

“The Supreme Pontiff Pope Leo XIV has decreed that Saint John Henry Newman, Priest and Doctor of the Church, be inscribed in the General Roman Calendar, and that his Optional Memorial be celebrated by all on 9 October.”

Binibigyang-diin sa dekretong nilagdaan ni Arthur Cardinal Roche, prefect ng tanggapan na ang pagkilalang ito ay hindi lamang liturhikal kundi pagpapahalaga sa malalim na ambag ni Newman sa pananampalataya at teolohiya ng Simbahan.

Inilarawan si St. John Henry Newman bilang tanglaw sa mga turo ng simbahan dahilan upang siya’y maibilang sa hanay ng mga banal na pantas ng Simbahan.

“Saint John Henry, having been recognized as a radiant light for the Church on pilgrimage through history, may rightly be numbered among the other saintly Doctors inscribed in the General Roman Calendar.”

Kilala si Newman sa kanyang masidhing paghahanap sa katotohanan na ayon sa kalatas ay isang landas na nananatiling huwaran para sa mga Kristiyano sa kasalukuyan.

“His constant search to be led out of shadows and images into the fullness of the truth has become an example for every disciple of the Risen One.”

Binuhay rin ng dokumento ang personal na espirituwal na paninindigan ng santo na sumasalamin sa kanyang pag-unawa sa bokasyon bilang kongkretong pagtugon sa tawag ng Diyos.

Ayon pa sa Vatican, ang bagong memorial ay isusunod sa lahat ng liturgical calendars at aklat ng Misa at Liturgy of the Hours, habang ang mga tekstong liturhikal ay isasalin at ipatutupad ng mga episcopal conference matapos ang kumpirmasyon ng dicastery.

Ang atas ay inilabas noong November 9, 2025, kasabay ng Kapistahan ng Dedication of the Lateran Basilica.

Pagkalinga sa mga estudyante, tiniyak ng UST

 17,202 total reads

 17,202 total reads Binigyang-diin ni University of Santo Tomas (UST) Secretary General Father Louie Coronel, O.P. na hindi kailanman mag-iisa ang mga bagong estudyante ng Unibersidad

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Karagatan para kanino?

 81,484 total reads

 81,484 total reads Mga Kapanalig, pamilyar ba kayo sa kuwento nina David at Goliat? Nang hamunin ng higanteng mandirigmang si Goliat ang hukbo ng Israel, walang

Read More »

Kapag ginagawang sandata ang batas

 118,272 total reads

 118,272 total reads Mga Kapanalig, paano kung ang batas na dapat nagtatanggol sa mga mamamayan ang mismong ginagamit para patahimikin sila? Noong Agosto 3, inaresto sa

Read More »

Kanino natututo ang mga bata?

 148,846 total reads

 148,846 total reads Mga Kapanalig, ikinalulungkot ng Malacañang ang insidente ng pangungutya ng ilang estudyante kay Pangulong Bongbong Marcos Jr noong bumisita siya sa Davao City

Read More »

TUNAY NA KALAGAYAN NG BANSA

 198,479 total reads

 198,479 total reads Kapanalig, sa ikalimang SONA ng Pangulong Ferdinand Marcos Jr., idinetalye nito ang maraming accomplishment ng administrasyon. Pero, nakalimutan ni PBBM na i-ulat sa

Read More »

CONFIDENTIAL FUND

 260,077 total reads

 260,077 total reads Kapanalig, sa impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, naging malinaw sa madlang bayan na ang “confidential fund” ay isang public fund o

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top