Episcopal ordination ng bagong Obispo ng Diocese of Kalibo, itinakda

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 24,355 total reads

Itinakda ng Diocese of Kalibo sa April 23, 2026 ang episcopal ordination ni Bishop-elect Cyril Villareal, ang ikalimang obispo ng diyosesis.

Napagkasunduan ito sa pagpupulong ng mga opisyal ng diyosesis sa pangunguna ni Capiz Archbishop Victor Bendico, ang kasalukuyang apostolic administrator ng Kalibo, kasunod ng pagreretiro ni Bishop Jose Corazon Tala-oc.

Pangungunahan ni Archbishop Bendico ang pag-ordina sa St. John the Baptist Cathedral ganap na alas-9 ng umaga, katuwang bilang mga co-consecrator sina Bishop Tala-oc at Romblon Bishop Narciso Abellana, MSC.

Inaasahang magbibigay ng pagninilay sa pagdiriwang si Manila Archbishop Jose Cardinal Advincula, na dating arsobispo ng Capiz kung saan nagsilbing vicar general si Bishop-elect Villareal.

Kaagad namang iluluklok sa cathedra ng diyosesis si Bishop-elect Villareal matapos ang ordinasyon, hudyat ng kanyang pormal na pagsisimula ng tungkuling pagpapastol sa mahigit kalahating milyong Katoliko sa lalawigan.

Matatandaang January 24 nang italaga ni Pope Leo XIV si Bishop-elect Villareal bilang obispo ng Kalibo, na nanatiling sede vacante mula June 2025 matapos tanggapin ng Santo Papa ang pagreretiro ni Bishop Tala-oc.

Sa panayam ng Radyo Veritas, inamin ng bishop-elect ang kanyang pangamba at pag-aalinlangan sa lawak ng misyong nakaatang sa kanya, subalit buong kababaang-loob niyang ipinagkatiwala sa Diyos ang kanyang pagpapastol sa patnubay at panalangin ng Mahal na Birheng Maria.

Tiniyak din ni Bishop-elect Villareal ang pagpapaigting ng synodality sa pamumuno sa diyosesis, at ang patuloy na pagbubuklod sa pamayanan upang sama-samang maglakbay sa landas ng Panginoon.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

PAANO GINASTOS ANG PERA

 53,742 total reads

 53,742 total reads Kapanalig sa 15 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, hindi pa rin nabubutasan o napahina ng depensa ang prosecution theory at

Read More »

Karagatan para kanino?

 158,293 total reads

 158,293 total reads Mga Kapanalig, pamilyar ba kayo sa kuwento nina David at Goliat? Nang hamunin ng higanteng mandirigmang si Goliat ang hukbo ng Israel, walang

Read More »

Kapag ginagawang sandata ang batas

 195,080 total reads

 195,080 total reads Mga Kapanalig, paano kung ang batas na dapat nagtatanggol sa mga mamamayan ang mismong ginagamit para patahimikin sila? Noong Agosto 3, inaresto sa

Read More »

Kanino natututo ang mga bata?

 225,656 total reads

 225,656 total reads Mga Kapanalig, ikinalulungkot ng Malacañang ang insidente ng pangungutya ng ilang estudyante kay Pangulong Bongbong Marcos Jr noong bumisita siya sa Davao City

Read More »

TUNAY NA KALAGAYAN NG BANSA

 271,900 total reads

 271,900 total reads Kapanalig, sa ikalimang SONA ng Pangulong Ferdinand Marcos Jr., idinetalye nito ang maraming accomplishment ng administrasyon. Pero, nakalimutan ni PBBM na i-ulat sa

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top