Maayos na pagsusuri sa kontrobersyal na Malabog flyover project, panawagan ng Diocese of Legazpi

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 36,735 total reads

Nanawagan ang Bantay Project Albay ng Diocesan Commission on Social Concerns at Social Action Center (SAC) ng Diocese of Legazpi ng agaran, komprehensibo, at bukas sa publikong pagsusuri sa kontrobersyal na Malabog Flyover Project, bago pa man isaalang-alang ang panibagong proseso ng bidding at paggastos ng karagdagang pondo ng bayan.

Ayon sa grupo, bagama’t inihayag ni Department of Public Works and Highways Secretary Vince Dizon na ipatitigil ang tinaguriang “Malabog Stonehenge” matapos mabawi ang lisensiya ng pangunahing kontratistang Alpha & Omega General Contractor & Development Corporation, nananatiling hindi pa rin malinaw ang papel at pananagutan ng isa pang kontratista na Next Generation Construction and Supply Corp.

Iginiit ng Bantay Project Albay na kung makakamit ang layunin ng proyekto sa pamamagitan ng isang access road mula sa Maharlika Highway na mas abot-kaya at mas praktikal, hindi na makatwiran ang patuloy na paggastos sa flyover.

“Then it has to be shut down permanently, and existing structures dismantled, to make way for a proper access road,” ayon sa grupo.

Dagdag pa ng grupo na sa simula pa lamang ay nakitaan na ng iba’t ibang suliranin ang proyekto tulad ng kakulangan sa konsultasyon at pananagutan.

Paliwanag ng Bantay Project Albay, ang patuloy na paggastos ng daan-daang milyong piso sa maaanomalyang proyekto ay isang anyo ng pang-aabuso sa tiwala ng publiko at malinaw na paglabag sa prinsipyo ng pananagutan at mabuting pamamahala.

“The project has been hounded by lack of transparency and proper consultation with local stakeholders, lack of accountability on the part of its proponents and contractors, lack of public trust due to it being approved through congressional insertion and allegation of massive corruption, right-of-way issues, and long unexplained delays,” giit ng grupo.

Batay sa tala sa DPWH transparency portals, umabot sa P44.6 milyon ang halaga ng Phase 1 ng proyekto, habang natigil ang Phase 2 na may kontratang P40.23 milyon nang walang sapat na paliwanag, at ang Phase 3 naman ay may kabuuang kontratang P198.07 milyon.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Nagmamahal, Judith

 128,805 total reads

 128,805 total reads Mga Kapanalig, dumating na ba sa inyo si Judith? Kung hindi ninyo siya kilala, si Judith ang buwan-buwan na dumadalaw sa atin para

Read More »

Mas malusog na Pilipino?

 162,134 total reads

 162,134 total reads Mga Kapanalig, dumarami ang mga Pilipinong overweight at obese. Ayon sa Food and Nutrition Research Institute, 16% ng mga batang edad 5 hanggang

Read More »

Mas mabigat kaysa teknikalidad

 194,278 total reads

 194,278 total reads Mga Kapanalig, sa Ebanghelyo ni San Mateo, matutunghayan natin ang pagtuligsa ni Hesus sa mga tagapagturo ng kautusan at sa mga Pariseo. Mababasa

Read More »

Sense of entitlement!

 260,341 total reads

 260,341 total reads Kapanalig, laganap sa ating bayan.. sa ating mga Pilipino, lalu na sa mga lider ng bansa ang ‘culture of superiority’, maging sa loob

Read More »

SIMPLENG LOHIKA

 271,256 total reads

 271,256 total reads Kapanalig, simpleng lohika lamang ang kailangan ng mga Senador-judges para pagbotohan kung iko-convict o hindi si Vice-President Sara Duterte. Ito ang kasagutan ni

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 122,920 total reads

 122,920 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top