Mabilis na pagtaas ng kaso ng HIV-AIDS, nakakaalarma na

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 745 total reads

Nababahala ang Catholic Bishops Conference Episcopal Commission on Health Care sa mabilis na pagtaas ng bilang ng mga kumpirmadong kaso ng Human Immunodeficiency Virus at Acquired Immuno Deficiency Syndrome (HIV/AIDS) sa Pilipinas.

Ayon kay Fr. Dan Cancino, Executive Secretary ng komisyon, dahil sa mabilis na pagdami ng kaso ng HIV/AIDS, halos dumoble na agad ang bilang ng mga nagkakaroon nito sa isang araw.

Mas ikinababahala pa ni Fr. Cancino, na ang 50% ng mga may karamdaman ay mula sa edad 25 hanggang 34 habang ang 30% naman ay mula sa edad 15 hanggang 24.

“Makikita natin, kung ito yung tumataas na cases natin, at ito’y nangyayari sa mga kabataan, paano na an gating kinabukasan at paano na ang kinabukasan din ng ating mga kabataan?” Pahayag ni Fr. Cancino.

Dahil dito, ayon sa pari paiigtingin pa ng CBCP Episcopal Commission on Health Care ang pangangaral lalo’t higit sa mga kabataan.

Ayon kay Fr. Cancino, hindi sapat na malaman ng mga kabataan kung ano ang HIV at AIDS at kung paano ito nakukuha subalit mas dapat aniyang bigyang diin ang pagtuturo sa mga kabataan ng moral at malinis na pamumuhay na nakabatay sa Family values at Gospel values.

“Ang pinaka effective na vaccine parin dito ay yung pagpapalawig ng tamang edukasyon na nakabatay sa values. Hindi sapat na malaman kung ano ang HIV/AIDS, hindi sapat na malaman kung ano ang mga likido na nagtatransmit ng HIV, o yung mga paraan, technicalities, kundi yung kamalayan, kaalaman, na nakabatay sa proper values, Family values, Gospel Values.” Pahayag ni Fr. Cancino.

Aminado si Fr. Cancino na bagamat may mga hakbang na isinasagawa ang simbahan upang maiwasan ang pagdami ng kaso ng HIV/AIDS at matulungan ang mga pasyenteng mayroon nang karamdaman, ay kulang ang kapasidad ng simbahan para palawigin pa ang programa nito.

Dahil dito, humingi ng tulong ang pari sa mga stakeholders at sa pamahalaan na tumulong sa pagsugpo ng lumalaganap na HIV/AIDS sa Pilipinas.

“Para masugpo natin itong HIV/AIDS sa bansa, hindi pwedeng tayo ay magkawatak-watak. Unang-una let’s involve as many stakeholders as we can, then going to different sectors like yung youth, not only dun sa key affected populations, pati yung youth sa simbahan, eskwelahan. Palawigin yung education in all angles.” Pahayag ni Fr. Cancino.

Sa huli, nanawagan ang pari sa gobyerno, na tumulong upang maalis ang stigma discrimination o pang-aalipusta sa mga taong may HIV/AIDS.

“Ang panawagan natin sa ating gobyerno ay maslalong i-involve ang maraming tao, because ang pinaka problema dito ay yung stigma discrimination. Marami paring tao ang hindi nakakaintindi, yung mga iba pinandidirihan nila ang mga pasyente, ayaw pagusapan ang HIV, pero it’s now time, together with different sectors gathered to really treasure life, and to treasure the quality of life, let’s come together, by reuniting together, to really have this zero discrimination, zero stigma, achieve zero AIDS related death and zero new infection.” Dagdag ni Fr. Cancino.

Sa ulat ng Department of Health tumaas ng 39 na porsyento ang naitalang bilang ng kumpirmadong may HIV AIDS sa bansa simula buwan ng Enero hanggang Marso 2016.

Dahil dito sa kasalukuyan, mayroon nang 31,911 kaso ng HIV AIDS sa Pilipinas simula noong 1984. (Villajos)

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

WALANG KAHIHIYAN

 41,643 total reads

 41,643 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 121,635 total reads

 121,635 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 155,082 total reads

 155,082 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 190,381 total reads

 190,381 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 415,333 total reads

 415,333 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

BAKIT LALAYO PA?

 37,491 total reads

 37,491 total reads May mga pagkakataong hindi na kailangang pumunta pa sa malayo para makita ang panlilinlang. Minsan, nasa paligid lamang natin. Nasa mga lugar na

Read More »

KAPAG ANG PULITIKA AY NAGING PANATISMO

 30,380 total reads

 30,380 total reads Kapag ang suporta sa isang lider ay nauuwi sa pagkamuhi sa kapwa, hindi na lamang pulitika ang nakataya—pati ang pagkakaisa ng bayan.  

Read More »
Scroll to Top