7,491 total views
Ipinanalangin ng Military Ordinariate of the Philippines Bishop Oscar Jaime Florencio ang ikakabuti ng kalagayan at kaligtasan ng bawat uniformmed personnel sa Pilipinas.
Umaasa ang Obispo na sa tulong ng pagkakatawang tao ni Hesus ay mapukaw ang bawat isa na ipagpatuloy ang pagpapalaganap ng pananampalataya at maisabuhay ang tema ng Jubilee Year of 2025.
Ipinagdarasal ng Obispo na ang mga uniformed personnel ay maging ‘Pilgrims of Hope’ o pag-asa sa kapwa at pamilya.
“As we enter 2025, the Jubilee Year of the Church with the theme, “Pilgrims of Hope,” we are reminded that our journey as Christians is one of faith, love, and resilience. A Jubilee is a time of extraordinary grace, a sacred period to renew our relationship with God, reconcile with one another, and recommit ourselves to the mission of the Gospel in this Jubilee Year, we are called to become true pilgrims of hope,” ayon sa mensahe ni Bishop Florencio.
Hinimok din ni Bishop Florencio ang mamamayan at uniformmed personnels na isabuhay ang limang mahahalagang sakramento at kaugalian ngayong Jubilee Year of 2025.
Tinukoy ng Obispo ang pagsasabuhay ng Sacrament of Reconciliation upang mamayani ang kapayapaan sa lipunan.
“As the year comes to a close and we celebrate the joyful season of Christmas and welcome the promise of a new year, I extend to all of you my heartfelt greetings of peace, hope, love, and joy this season reminds us of the extraordinary gift of Christ’s incarnation-God becoming man to dwell among us and bring salvation to all humanity. It is a time to reflect on the light of hope that shines even in the darkest of times, a hope that calls us to be instruments of peace and goodwill,” bahagi pa ng mensahe ni Bishop Florencio
At ang huli ay ang pinaigting na pagmamahal sa kapwa higit na sa mga mahihirap upang patuloy na maipadama ang pagmamahal at pag-ibig ng Panginoon sa sanlibutan.