Maging Church of the Poor, patuloy na isinasabuhay ng Archdiocese of Manila

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 3,008 total views

Tiniyak ng Archdiocese of Manila ang patuloy na paghahanda sa paggunita ng World Day of the Poor sa susunod na buwan para tulungan ang mga pinaka-mahihirap.

Inihayag ni Father Anton CT Pascual – Pangulo ng Radio at Executive Director ng Caritas Manila na lalung pinalawak ng social arm ng Archdiocese of Manila ang adbokasiya na maging ‘Church of the Poor’.

Ayon kay Fr. Pascual, ang simbahan ang lumalapit at naghahanap sa mga mahihirap upang mapabuti ang kalidad ng kanilang pamumuhay.

“At ito po ay programa ng ating Santo Papa upang pukawin sa kamulutan ang lahat ng kahalagahan ng ating pagmamalasakit sa mga mahihirap, sabi nga sa Mateo 25, sinabi ni Hesus sa paghuhusga sa katapusan ng sanlibutan, anuman ang gawin mo sa pinakamaliit ay ginagawa mo sa akin, kaya ang basehan ng ating kaligtasan o kapahamakan sa katapusan ng sanlibutan ay kung gaano po tayo nag malasakit sa mga dukha kaya sa bansang Pilipinas, ang atin pong PCP Vision is to be the church of the poor,” ayon sa panayam ng Radio Veritas kay Father Pascual.

Nilinaw naman ni Father Joel Rescober – Rector at Parish Priest ng Archdiocesan Shrine of Our lady of the Miraculous Medal and Saint Vincent De Paul Parish ang paghahanda para sa World Day of the Poor.

Sinabi ni Fr.Rescober na nakikipag-ugnayan ang kanilang parokya sa Caritas Manila at Commission on Social Service and Development sa pangunguna ni Father Eric Adoviso para sa muling pagdaraos ng programa para sa mga mahihirap sa Saint Vincent De Paul Parish.

Ayon kay Father Rescober, noong 2022 ay umaabot sa 500-mahihirap na pamilya ang bahagi ng programa ng pagpapakain, pagpapaligo, pagpapagupit at pamamahagi ng Manna Bags sa Saint Vincent De Paul Parish bilang paggunita sa World Day for the Poor.

“I think also this year dito rin po ata, i am not sure yet, pero mayroon ng invitation sa akin and the parish is willing na dito ganapin, yung mga preparations ay coordination naman po with Fr.Eric Adoviso ng social ministry ng RCAM and with Caritas Manila so dito talagang isang araw ay parang ipinaparamdam at ipinadadama sa mga kapatid nating mahihirap na nandito ang simbahan na kahit papano, sa mga simple at maliit na pamamaraan ay matugunan ang kanilang immediate na pangangailangan, pagkain, mapaayos ang kanilang damit at mabigyan sila ng konting prevention,” ayon naman sa panayam ng Radio Veritas kay Father Rescober.

Ang World Day of the Poor ay sinimulang gunitain ng simbahang katolika noong 2017 matapos manawagan ang Kaniyang Kabanalang Francisco na paigtingin ang pagtulong sa kapwa higit na sa mga pinaka-nangangailangan sa lipunan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Palabas ba ang giyera kontra droga?

 479 total views

 479 total views Mga Kapanalig, patuloy ang pagdinig ng House Committee on Justice para alamin ang probable cause para ma-impeach si Vice President Sara Duterte. Noong

Read More »

Instrumento ng karahasan

 36,269 total views

 36,269 total views Mga Kapanalig, may panibago na namang bahid sa imahe ng kapulisan. Hindi pa nga nila lubusang nalilinis ang kanilang hanay mula sa pagiging

Read More »

Mga tambakang punô ng panganib

 78,161 total views

 78,161 total views Mga Kapanalig, mahigit isang linggo na ang nakaraan ng simulang mabalot ng usok o haze ang ilang bahagi ng Metro Manila at Bulacan.

Read More »

Sabotahe sa Ayungin Shoal

 132,178 total views

 132,178 total views Mga Kapanalig, may namataan ang Philippine Navy nito lamang Marso na bangkang pangisda mula sa China na umaaligid sa Ayungin Shoal. Dito nakumpiska

Read More »

Sa loob ng 24 oras

 159,166 total views

 159,166 total views Mga Kapanalig, ano ang pwedeng mangyari sa loob ng 24 oras?  Kung paniniwalaan ang sinabi ng nagpakilalang bagman ni Vice President Sara Duterte,

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Simbakuran, inilunsad ng Diocese of Cubao

 8,103 total views

 8,103 total views Inilunsad ng Diocese of Cubao ang “Simbakuran” upang tugunan ang lumalalang kahirapan at laganap na kahirapan. Layon ng Simbakuran na pag-isahin ang mga

Read More »
Scroll to Top