Pagpa-prayoridad ng pamahalaan sa “dole-out”, pinuna ni Bishop Pabillo

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 15,550 total reads

Nanawagan si Taytay, Palawan Bishop Broderick Pabillo sa pamahalaan na magsulong ng mga totoo at pangmatagalang solusyon sa mga suliranin ng ekonomiya sa bansa.
Ayon sa Obispo, mahalagang higit na pagtuunan ng pansin ang seguridad sa enerhiya, pagpapatatag ng suplay ng pagkain, at paghahanda sa mga epekto ng climate change na may direkta at negatibong epekto sa kabuhayan ng Pilipino.

Iginiit ni Bishop Pabillo na hindi dapat umasa lamang ang pamahalaan sa pagbibigay ng subsidies o mga one-time big-time na financial at iba pang uri ng tulong bilang tugon sa mataas na presyo ng langis at mga pangunahing bilihin.

“Sa ikalimang SONA ni President Marcos Jr., ang isang kapansin-pansin ay parang kaunti ang kanyang sinabi tungkol sa pangangalaga ng ecology. Kasi ito ang nakikita natin: apektadong-apektado tayo ng climate change, sa pagbabago ng panahon. Pero wala siyang sinabi na mitigation measures o kaya paghahanda natin sa pagbabago ng panahon. Iyan po ang isa. Tapos, kasama rin diyan ang ating fossil fuel. Sinabi natin na tayo ay apektado ng nangyayari sa giyera sa Middle East, pero wala man lang siyang sinabi tungkol sa renewable energy. Nabibigyan sana natin ngayon ng diin ang pagiging hindi tayo nakatali sa fossil energy na napakataas at pabago-bago ang presyo. Tapos, siyempre, wala siyang sinabi tungkol sa impeachment. Siguro nararapat naman talagang bigyan ng kalayaan ang prosesong ito ng impeachment. Pero ganoon din sa alam natin na mataas ang mga bilihin. Ang kanyang solusyon sa mataas na bilihin ay magbigay ng subsidy sa mga tinamaan ng pagtaas ng langis. Pero iyan lang ba ang magagawa natin? At isa pa, nagsimula siya sa isang bagay na binigyan niya ng mention, ang tungkol sa AI, na pinagmamalaking magiging hub tayo. Ang malaking bahagi ng ating lupain ay ibibigay para maging hub tayo sa teknolohiyang ito. Pero hindi niya pinalawak kung ano naman ang mga downside nito,” ayon sa panayam ng Radyo Veritas kay Bishop Pabillo.

Hinikayat din ng Obispo ang mas malawak na paggamit ng renewable energy upang mabawasan ang pagdepende ng bansa sa fossil fuel at maprotektahan ang ekonomiya mula sa epekto ng pandaigdigang krisis, kabilang ang mga kaguluhan sa Middle East na nakaaapekto sa presyo ng enerhiya.

Nagpahayag pa ng pangamba ang si Bishop Pabillo sa planong gawing sentro ng Artificial Intelligence (AI) at data centers ang bansa na kung hindi sapat na mapag-aaralan ang magiging epekto nito sa suplay ng kuryente at tubig ay lubhang makakaapekto sa kalikasan at kabuhayan ng mga Pilipino.

Binigyang-diin niya na ang mga pasilidad ay nangangailangan ng tuloy-tuloy na suplay ng enerhiya at maraming suplay ng tubig para sa kanilang operasyon, kaya dapat tiyakin ng pamahalaan na hindi maisasakripisyo ang pangangailangan ng mga komunidad at ang pangangalaga sa likas na yaman habang isinusulong ang digital na kaunlaran.

Hinimok din ni Bishop Pabillo ang pamahalaan na maglatag ng mas kongkretong programa para sa sektor ng agrikultura at pangisdaan upang matulungan ang mga patuloy na nahihirapan na mga magsasaka at maliliit na mangingisda higit na sa Palawan, dahil sa mataas na presyo ng krudo at gasolina na nagpapataas ng gastos sa produksyon at nagpapababa ng kanilang kita.

“Sa halip na dumiretso lang tayo sa ganitong bagong pangyayari, dapat din nating suriin kung ano ang ating magagawa. Tapos, naghahanap sana ako ng mas konkretong solusyon tungkol sa ating agrikultura. Dito sa amin sa Palawan, mahalaga ang agriculture. Kaya parang wala akong narinig na inisyatiba para suportahan ang mga farmer. Ganoon din ang mga maliliit na mangingisda. Dahil sa mahal na krudo, hindi na sila masyadong makapalaot. Mahal ang gasolina kaya pati ang kanilang huli ay kumokonti na rin. Kaya ano ang magiging suporta natin sa mga mangingisda? Iyan ang ilan sa aking mga obserbasyon sa mga usaping kailangan pang pagtuunan ng ating pamahalaan. Jesus Christ is the way, the life, and the truth.” bahagi pa ng panayam ng Radyo Veritas kay Bishop Pabillo.

Naniniwala ang Obispo na ang mga hakbang para sa pag-unlad ng ekonomiya ay dapat na nakatuon sa pagpapalakas ng kabuhayan ng mga Pilipino kasabay ng pangangalaga sa kalikasan at likas na yaman ng bansa.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Just energy transition sa Semirara

 45,451 total reads

 45,451 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 82,956 total reads

 82,956 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 118,254 total reads

 118,254 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 344,525 total reads

 344,525 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

TRUTH AWARDS

 235,297 total reads

 235,297 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top