Mananampalataya, inaanyayahan sa ika-401 anibersaryo ng enthronement ng Nuestra Señora del Buen Suceso

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 297 total views

Inaanyayahan ng Diocesan Shrine of Nuestra Señora del Buen Suceso ang mga mananampalataya na makiisa sa pagdiriwang ng ika-401 anibersaryo ng enthronement ng Nuestra Señora del Buen Suceso, Patrona ng Lungsod at Diyosesis ng Parañaque, sa Agosto 10, 2026.

Sa panayam sa programang Barangay Simbayanan, sinabi ni Anton Maria Francesco Carabeo, committee member ng Ministry on Documentation and Archives ng dambana, na tampok sa pagdiriwang ang iba’t ibang gawaing espirituwal at pangkulturang magpapakita ng matatag na debosyon ng mga mananampalataya sa Mahal na Birhen.

“We would like to invite all of you for the solemnity and feast, and the 401st anniversary of the enthronement of the Patroness of the City and Diocese of Parañaque, Nuestra Señora del Buen Suceso. This will be this coming Monday, August 10, 2026,” Bahagi ng pahayag ni Carabeo.

Isasagawa ang mga banal na misa sa ganap na alas-6:00 ng umaga, alas-8:00 ng umaga, alas-10:00 ng umaga, alas-12:00 ng tanghali, at alas-6:00 ng gabi.

Bukod sa mga misa, magkakaroon din ng Rosario Cantada sa alas-2:00 ng hapon, isang tradisyunal na pagdarasal ng Santo Rosaryo na sinasabayan ng tugtugin ng brass band, na susundan ng maringal na prusisyon sa alas-4:00 ng hapon kasama ang mga kalahok sa Buen Suceso Dance Festival.

Ang Misa Mayor naman ay isasagawa ganap na alas-6:00 ng gabi na pangungunahan ni Manila Archbishop Jose Cardinal Advincula, habang isasagawa naman pagkatapos ng banal na misa ang preliminary round ng Buen Suceso Dance Festival.

Ayon kay Carabeo, bahagi pa rin ang pagdiriwang ng isang taong paggunita sa ika-400 taon ng debosyon sa Nuestra Señora del Buen Suceso na nagsimula noong nakaraang taon, kaya nananatili pa ring Jubilee Church ang dambana hanggang Setyembre 8, 2026.

“Hanggang September 8 na lang din po ang Jubilee Door. Lalo na po sa mga magagawi sa area namin, lalo na ang mga manggagaling sa airport dahil sobrang lapit lang po kami sa NAIA, we really invite those pilgrims to come over,” Dagdag pa ni Carabeo.

Hinikayat din ni Carabeo ang lahat ng mga deboto, pamilya, kabataan, maysakit, at mga migranteng manggagawa na dumalaw sa dambana at ipagkatiwala sa Mahal na Birhen ang kanilang mga panalangin.

“Lahat po ay aming inaanyayahan sa dambana ng Ina ng Mabuting Pangyayari. Kasi baka may mabuting pangyayari rin ang naghihintay sa inyo sa pagdalaw ninyo sa ating Ina at sa ating Panginoon,” Ayon pa kay Carabeo.
Itinuturing ang Nuestra Señora del Buen Suceso bilang isa sa pinakamatandang Marian devotions sa bansa at patuloy na nagsisilbing sagisag ng pag-asa, pagtitiwala, at paglapit sa Diyos para sa mga mananampalataya sa Parañaque at sa iba’t ibang panig ng Pilipinas.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Karapatan sa disenteng tahanan

 13,008 total views

 13,008 total views Mga Kapanalig, karapatan ng bawat tao ang magkaroon ng disenteng tahanan. Para masabing disente, dapat itong sapat, ligtas, may seguridad, at nagbibigay-daan sa

Read More »

Hindi nakatutuwang biro

 48,251 total views

 48,251 total views Mga Kapanalig, mabuti pa si Japanese Ambassador to the Philippines na si Endo Kazuya, maraming pagpipiliang bahay dito sa Pilipinas.  Sa isang privilege

Read More »

Sino ang papasan ng system-loss?

 80,278 total views

 80,278 total views Mga Kapanalig, isa sa mga umani ng masigabong palakpakan sa State of the Nation Address (o SONA) ni Pangulong Bongbong Marcos Jr ay

Read More »

KULANG SA SONA NI PBBM

 232,334 total views

 232,334 total views Kapanalig, sa anumang hakbang., planong gagawin., polisiyang ipapatupad.,mga pangakong binitiwan, o mga usapin na sadyang iniiwasan. Lagi itong may kulang. Hindi ibig sabihin,

Read More »

Para sa isang smartphone?

 256,412 total views

 256,412 total views Mga Kapanalig, sinong ayaw manalo ng pinakabago at pinakasikat na smartphone? Ganito inakit ng isang sikat na social media influencer ang mahigit 50

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top