1,660 total views
Ito ang paanyaya ng Kanyang Kabunyian Cardinal Luis Antonio Tagle –Pro Prefect Dicastery for Evangelization sa banal na misa sa Pontificio Collegio Filippino sa Roma kaugnay sa patuloy na paggunita ng panahon ng Kwaresma.
Ayon sa Cardinal, hamon sa bawat Katoliko’t-Kristiyano na maging daluyan ng liwanag ng panginoon sa kapwa.
Sinabi ng Cardinal na mahalaga ang pananalangin ng bawat isa upang patuloy na gabayan ng banal na espiritu ang lahat na magkaroon ng malalim na pagtingin sa mga bagay bagay na tulad sa Panginoon.
“You are light against the darkness; he says you are light in the Lord, if we are just light in ourselves, in our mindsets we will bring more darkness. Who can dispel darkness? Only those who act as children of the light, light in the Lord. We ask the Lord for this grace of the Holy Spirit, this illumination that we may see as God sees; that we may see what is unseen to us as human beings but which the Holy Spirit can reveal to us if only we are open.” Ang bahagi ng pagninilay ni Cardinal Tagle.
Paglilinaw ng Cardinal, tanging ang mga tunay na nananampalataya at nagmamahal sa Panginoon ang mayroong kapasidad na maunawaan ang mga biyaya at pagsubok na dumarating sa buhay ng bawat isa.
“Those who love they see more, that’s the vision that Jesus brings the vision of love and we pray that the Holy Spirit of love, the love of the Father and the Son will make us see.” Dagdag pa ni Cardinal Tagle.
Ipinagdarasal ng Cardinal na magsilbing daan ang paggunita ng panahon ng Kwaresma upang higit na mabuksan ang kalamayan ng bawat isa sa misyong iniatang ng Panginoon.