Maging matapang sa pagpapahayag ng katotohanan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 998 total views

Kinakailangang maging matapang ang bawat isa sa pagpapahayag ng katotohanan.

Ayon kay Fr. Jerome Secillano-executive secretary ng Catholic Bishops Conference of the Philippines-Permanent Committee on Public Affairs, ito ang hamon ng World Communication Sunday na may temang ‘Fear not, for I am with: Communicating Hope and Trust in Our Time’ na ipagdiriwang sa ika-28 ng Mayo.

Ipinaliwanag ng pari na sa kasalukuyan ay may pag-uusig sa mga Kristiyano, kaya’t marapat na palagiang ipaalala ang taglay na mensahe ng Panginoon ang pag-ibig, pagkakaisa at pagmamalasakit sa kapwa.

“Tayo sana ay maging matatag pa at mas maging matapang sa pagpapalagananap ng Diyos, dahil ang taglay na mensahe ng salita ng Diyos ay pag-ibig, kapayapaan, pagkakaisa, pagpapatawad, pagmamalasakit sa kapwa. Ito ang dapat na mapakinggan at maisabuhay ng lahat ng tao sa buong mundo. At ang mensaheng ito unang una ay nag-uugat sa salita ng Diyos“, pahayag ni Fr. Secillano sa panayam ng Radio Veritas.

Iginiit ni Father Secillano na bukod sa pagpapahayag ng katotohanan ay higit na mahalaga ang pagsasabuhay ng mabuting balita at maipakita ang pagmamalasakit sa kapwa.

“Dapat ay hindi lamang maging instrumento nang pagbabahagi ng salita, lalong lalo na ay ipakita ang mensahe ng Panginoon sa pamamagitan ng ating mga gawa. Ang paggawa ng mabuti, ang pagsasabuhay ng kapayapaan, pag-ibig, pagkakaisa, pagpapatawad ay maspinakamabisang pamamaraan na maihatid natin sa ating kapwa ang mga mensaheng ito ng Panginoon,” paliwanag pa ni Fr. Secillano.

Ayon sa ulat ng Open Doors USA noong 2015, may higit sa pitong libo ang napaslang na may kaugnayan sa pananampalataya mula sa dating kaso na umabot lamang sa tatlong libo noong 2014.

Sa nagaganap na Marawi siege, bukod sa siyam na kristiyanong pinaslang ng Maute group, tinangay din ng mga bandido si Fr. Chito Suganob at ilang parishioner ng St. Mary’s Cathedral habang nagsisilikas naman ang ilang mamamayan sa nasabing lungsod dahil sa pangamba sa kanilang kalagayan.

Ang Marawi City ay binubuo ng may 200 libong residente, kung saan ilang sa mga ito ang lumilikas na at kasalukuyang nasa pangangalaga ng kalapit na siyudad ng Iligan.

Nakapagpadala na rin ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) ng P3.6 M halaga ng food packs para sa 6,600 na pamilya.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Isa pang state of emergency

 79,164 total views

 79,164 total views Mga Kapanalig, nagdeklara na si Pangulong Bongbong Marcos ng state of national energy emergency sa gitna ng krisis sa langis matapos ang ilang

Read More »

Krisis sa bukid at laot

 79,164 total views

 79,164 total views Mga Kapanalig, sa gitna ng pagdaigdigang krisis sa langis, hindi sumasabay ang lawak ng tulong mula sa gobyerno sa laki ng pangangailangan ng

Read More »

Ano tayo pagkatapos ng krisis?

 79,164 total views

 79,164 total views Mga Kapanalig, “kinamatayan na lang ang ayuda.” Ganito inumpisahan ang balita tungkol kay Tatay Jimmy na tatlong dekada nang namamasada ng tricycle sa

Read More »

Ang kalikasan ay may karapatan

 76,747 total views

 76,747 total views Mga Kapanalig, paano kung ang pagkalbo ng kagubatan, pagbuga ng polusyon, at pagsira sa dagat ay hindi na lang simpleng paglabag sa batas

Read More »

Patibong ng kasamaan

 70,055 total views

 70,055 total views Mga Kapanalig, hindi laging lantad ang kasamaan. Minsan nag-aanyo itong mabuti, maamo, at inosente. Ayon sa 2 Corinto 11:14, “…si Satanas man ay

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top