Maging Pastol at tagapagtanggol ng nasasakupan, hamon sa bagong Obispo ng San Fernando La Union

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 398 total reads

Pormal nang naitalaga bilang Obispo si Bishop Daniel Presto sa ginanap na ordinasyon sa St. Columban Parish sa Olongapo City.

Ayon kay Bishop Presto, ang lahat ay ipinagkakatiwala na niya sa Panginoon sa kanyang pagpapatuloy sa mga gawain ng simbahan bilang bagong pinuno ng Diocese ng San Fernando La Union.

“Trust in God above all, trust in His Mercy,” ayon sa mensahe ni Bishop Presto sinabing mapagtatagumpayan ang bawat misyon sa tulong na rin ng mga kapatid na pari at mga mananampalataya sa La Union.

Tiniyak ng bagong Obispo na sa pamamagitan ng pananalangin at pagiging instrumento ng awa ng Panginoon ang kaniyang paraan para sa pasasalamat sa lahat ng biyayang natanggap at matatanggap.

Sa pagninilay ni Novaliches Bishop-emeritus Teodoro Bacani Jr., ipinaalala nito sa bagong obispo na ang pagiging pinuno ng simbahan ay hindi lamang titulo kundi isang mapanganib na posisyon bilang pastol na tagapagtanggol ng kaniyang nasasakupan.

“We know that in dangerous times we cannot be silent in front of evil. We must resist evil!,” ayon sa homiliya ni Bishop Bacani.

Dagdag pa ni Bishop Bacani; “Tender hearted like the Lord and yet bold also like the Lord and the Apostles.”

Si Bishop Presto ang ikalimang obispo na itinalaga ng kaniyang Kabanalan Francisco sa Diocese ng San Fernando La Union kahalili ng namayapang si Bishop Rodolfo Beltran.

“We live in dangerous times, be tender hearted and may the Lord give you the spirit of boldness and love and self control,” paalala pa ni Bishop Bacani.

Bago naging obispo, si Bishop Presto ay tatlong taong naging Apostolic administrator ng Diocese ng Iba, Zambales na nagsilbi sa diyosesis simula pa ng kaniyang ordinasyon bilang pari noong 1990 sa edad na 27.

Pinangunahan ni San Fernando Pampanga Archbishop Florentino ang ‘ordination rites’ kasama ang iba pang mga obispo at ang kinatawan ng Santo Papa Francisco na si Papal Nuncio to the Philippine Archbishop Gabriele Caccia.

Ang diocese ng San Fernando La Union ay binubuo ng higit sa 700 libong katoliko na pinangangasiwaan ng 52 mga pari sa 28 parokya ng diyosesis.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ang bigat ng betrayal of public trust

 37,065 total reads

 37,065 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 263,457 total reads

 263,457 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

TRUTH AWARDS

 156,924 total reads

 156,924 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Pakikiisa sa Palestine

 250,955 total reads

 250,955 total reads Mga Kapanalig, lumahok ang Pilipinas sa walkout ng mga delegado sa 81st United Nations General Assembly habang nagsasalita si Israeli Prime Minister Benjamin

Read More »

Huwag mag-panic

 293,427 total reads

 293,427 total reads Mga Kapanalig, kumakalat sa social media ang mga posts tungkol sa hoarding o labis-labis na pag-iimbak ng tubig. Paghahanda raw ito sa “super

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top