Youth leaders, nagsama-sama sa World Camp

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 435 total reads

Pakikipagkaisa at pakipamuhay ng bawat isa sa kabila ng pagkakaiba ng lahi at kultura.

Ito ang layunin ng World Camp kung saan magtitipon ang mga youth leaders na mula sa iba’t ibang bansa upang gumawa ng mga proyektong makatutulong sa mga komunidad.

Ayon kay Marie Guttierez, coordinator ng Chiro Pilipinas ang katuwang ng World Camp, isasagawa ang iba’t ibang gawain ng mga kalahok sa mga piling lugar sa lalawigan ng Bicol, Cebu, Nueva Viscaya, Rizal, Samar at Metro Manila.
Tema ngayong taon ang ‘You and Me, Building E-Community”.

Nakatuon ang kanilang mga proyekto sa pagkakamit ng malinis, maayos at kaaya-ayang kapaligiran kung saan ito ay akma sa panawagan ng Kaniyang Kabanalang Francisco sa ensiklikal na Laudato Si na pangalagaan ang kalikasan.

“This is to ask young people to choose wisely wherever they buy anything, as much as possible po avoid styro kasi we should able to think also of this things when organizing our activities so that we can help preserve our planet for our future generations.” bahagi ng pahayag ni Guttierez sa Radio Veritas.

Bibigyang diin ng ikawalong edisyon ng World Camp na malaki ang maitutulong ng bawat isa sa pagprotekta at pangangalaga ng kalikasan sa pamamagitan ng pagbago ng mga nakasanayang pagkonsumo ng mga kagamitang nakasisira sa kalikasan.

Pormal na binuksan ang World Camp noong Sabado ika – 28 ng Hulyo sa Bukal ng Tipan sa Taytay Rizal sa pamamagitan ng Banal na Misang pinangunahan ni Legazpi Bishop Joel Baylon.

21 araw mananatili ang grupo na binubuo ng 50 kabataan sa mga foster families na pinili upang makisalamuha sa mamamayan ng komunidad.

Ang World Camp na inorganisa ng FIMCAP, the federation of catholic parochial youth movements ay umiikot sa buong mundo at ginaganap tuwing ikatatlong taon na nagsimula noong 1992.

Sa Pilipinas, ito na ang ikalawang pagkakataon na ginanap ang World Camp, kung saan una itong ginanap sa bansa noong 2003.

Samantala, ang Chiro Pilipinas ay grupo ng mga kabataan na kinikilala ng CBCP – Episcopal Commission on Youth.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ang bigat ng betrayal of public trust

 38,268 total reads

 38,268 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 264,559 total reads

 264,559 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

TRUTH AWARDS

 158,024 total reads

 158,024 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Pakikiisa sa Palestine

 252,055 total reads

 252,055 total reads Mga Kapanalig, lumahok ang Pilipinas sa walkout ng mga delegado sa 81st United Nations General Assembly habang nagsasalita si Israeli Prime Minister Benjamin

Read More »

Huwag mag-panic

 294,478 total reads

 294,478 total reads Mga Kapanalig, kumakalat sa social media ang mga posts tungkol sa hoarding o labis-labis na pag-iimbak ng tubig. Paghahanda raw ito sa “super

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top