Maging “RICEponsible”

SHARE THE TRUTH

 106,512 total views

Mga Kapanalig, alam ba ninyong kung pagsasama-samahin ang kaning naaaksaya natin sa buong taon, aabot ito sa 384,000 metriko tonelada? Nagkakahalaga ito ng pitong milyong piso at sasapat para sa 2.5 milyong Pilipino sa isang taon!

Ganito karami ang naaaksayang kanin sa ating bansa, ayon sa Philippine Rice Research Institute (o PhilRice). Kaya ngayong National Rice Awareness Month, nananawagan ang PhilRice sa publiko na maging “RICEponsible”. Kaakibat nito ang pagmumungkahi ng patakarang magtatakda sa mga food establishments na gawing half cup ang ihahain sa kanilang mga customers sa halip na ang nakasanayang one cup, bagay na nangyayari na sa ilang lungsod na may ganitong ordinansa. Makatutulong daw ito sa pagbawas ng kaning nasasayang at napupunta lamang sa basurahan. 

Kung hindi nasasayang ang ganitong karaming kanin at kung napupunta ito sa mga kababayan nating kapos sa buhay at hindi nakakakain nang maayos at sapat sa isang araw, tiyak na mababawasan ang kagutuman sa ating bansa. 

Sa Global Hunger Index, pang-66 ang Pilipinas sa 125 na mga bansa kung ang pag-uusapan ay ang iba’t ibang indikasyon ng kagutuman; ang mga ito ay undernourishment, child stunting o pagkabansot, child wasting, at child mortality. Moderate ang level of hunger sa Pilipinas, ngunit isa tayo sa may pinakamataas na antas ng kagutuman sa Timog Silangang Asya.  

Ganito rin ang lumabas sa monitoring ng Food and Agriculture Organization ng United Nations. Sa report nitong pinamagatang State of Food Security and Nutrition in the World, tinatayang 50.9 milyong Pilipino ang walang tuluy-tuloy na access sa sapat na pagkain mula 2020 hanggang 2022. Tayo ang may pinakamaraming food-insecure na mamamayan sa mga bansa sa Timog Silangang Asya—halos kalahati ng ating populasyon. Halos anim na milyong Pilipino naman ang undernourished o kulang sa nutrisyon noong kasagsagan ng COVID-19 pandemic. 

Samantala, ang survey ng Social Weather Stations (o SWS) noong Hunyo at Hulyo ay nagsabing nasa 34% ng mga pamilyang Pilipino ang itinuturing ang kanilang sarili bilang food poor o mahirap batay sa uri ng kinakain nila. Kasagsagan naman ito ng mataas na presyo ng mga pagkain, lalo na ang bigas.  

Ilan lamang ang mga datos na ito hindi lamang upang udyukan ang mga kainán na iwasang mag-aksaya ng kanin. Tayo ring mga kumokonsumo ng tinaguriang staple food ng mga Pilipino ay dapat na maging “RICEponsible”. Sa mga nakapagsasaing at nakakapaghain ng kanin mula umaga hanggang gabi, tiyakin nating walang nasasayang. Kapag umo-order tayo ng pagkaing may kanin, siguraduhin nating mauubos natin ito—o kaya naman ay mag-order lamang ng half cup. Mabagabag sana tayo kapag may nasasayang na pagkain, lalo na kung kanin.

Hindi man natin direktang matutugunan ang kagutuman sa ating bansa, ang pagiging responsable sa ating pagkain ay makababawas sa ating paggastos na maaari nating magamit sa pagtulong sa iba. Lalabanan din nito ang tinatawag na sense of entitlement dahil lagi tayong napapaalalahanang kilingan at abutin ang mga dukha—isang mahalagang prinsipyo ng mga panlipunang turo ng Simbahan. 

Lagi rin natin pakaisipin kung paano nakaaapekto ang ating pagkonsumo sa pagkamit ng ating kapwa ng kanilang mga karapatan, kabilang ang karapatan sa pagkain. Kapag tayo ay nag-aaksaya ng pagkain, lalo na ng kanin, pinagkakaitan din natin ng makakain ang ating kapwang walang maihain sa kanilang mesa. Para na rin itong isang kasalanan. Inaalisan tayo ng pag-aaksaya ng pagkain ng pagkakataong ibahagi sa ating kapwa ang biyaya ng pagkain. 

Mga Kapanalig, sa pagpapakain ni Hesus sa limanlibo, tiniyak niyang lahat ay makakakain at mabubusog. Sa Juan 6:12, sinabi Niya sa Kanyang mga alagad, “ipunin ninyo ang lumabis nang ‘di masayang.” Paalala rin ito sa ating lahat, lalo na ngayong papalapit na ang Kapaskuhan.

Sumainyo ang katotohanan.  

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Cybercrime

 75,318 total views

 75,318 total views Hindi natin maitatanggi, kapanalig, na talamak ang cybercrime sa ating bansa. Parami ng parami ang konektado sa internet sa ating bayan, at parami rin ng parami ang mga kriminal na nagnanais na gamitin ang kondisyon na ito bilang oportunidad para kumita. Kapanalig, kung dati, ang mga krimen na karaniwan nating naririnig ay lokal

Read More »

Financial Inclusion

 86,964 total views

 86,964 total views Limitado ang pagkaunawa ng maraming mga Filipino ukol sa financial inclusion. Marami sa atin, basta mapabilang o makasali lamang sa mga e-wallets o mga financial platforms, tinuturing na agad itong financially inclusive. Hindi ganun kasimple ito, kapanalig, at panahon na upang mas lumawak pa ang ating pag-unawa sa financial inclusion. Ayon sa Bangko

Read More »

Blue Economy

 96,211 total views

 96,211 total views Ang Pilipinas ay isang arkipelago – napapaligiran tayo ng katubigan. Kaya’t napakahalaga, kapanalig, na pamilyar tayo sa konsepto ng blue economy. Nakataya dito ang ating buhay at kinabukasan. Ito ang pundasyon ng ating lipunan. Hindi lamang pagkain, trabaho, at libangan ang dala nito. Ang mga karagatan ang nagpo-produce ng kalahati ng oxygen ng

Read More »

Sundan ang hakbang ng Negros Occidental

 102,008 total views

 102,008 total views Mga Kapanalig, pinuri ng tatlong obispo mula sa Negros Occidental na sina Bishop Patricio Buzon ng Bacolod, Bishop Louie Galbines ng Kabankalan, at Bishop Gerardo Alminaza ng San Carlos ang pamahalaang panlalawigan dahil sa inilunsad nitong programa na tinatawag na “SecuRE Negros: Ensuring Power Security with Renewable Energy.” Layunin ng programang magkaroon ang

Read More »

Sundan ang hakbang ng Negros Occidental

 114,396 total views

 114,396 total views Mga Kapanalig, pinuri ng tatlong obispo mula sa Negros Occidental na sina Bishop Patricio Buzon ng Bacolod, Bishop Louie Galbines ng Kabankalan, at Bishop Gerardo Alminaza ng San Carlos ang pamahalaang panlalawigan dahil sa inilunsad nitong programa na tinatawag na “SecuRE Negros: Ensuring Power Security with Renewable Energy.” Layunin ng programang magkaroon ang

Read More »

Watch Live

catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Cybercrime

 75,319 total views

 75,319 total views Hindi natin maitatanggi, kapanalig, na talamak ang cybercrime sa ating bansa. Parami ng parami ang konektado sa internet sa ating bayan, at parami rin ng parami ang mga kriminal na nagnanais na gamitin ang kondisyon na ito bilang oportunidad para kumita. Kapanalig, kung dati, ang mga krimen na karaniwan nating naririnig ay lokal

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Financial Inclusion

 86,965 total views

 86,965 total views Limitado ang pagkaunawa ng maraming mga Filipino ukol sa financial inclusion. Marami sa atin, basta mapabilang o makasali lamang sa mga e-wallets o mga financial platforms, tinuturing na agad itong financially inclusive. Hindi ganun kasimple ito, kapanalig, at panahon na upang mas lumawak pa ang ating pag-unawa sa financial inclusion. Ayon sa Bangko

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Blue Economy

 96,212 total views

 96,212 total views Ang Pilipinas ay isang arkipelago – napapaligiran tayo ng katubigan. Kaya’t napakahalaga, kapanalig, na pamilyar tayo sa konsepto ng blue economy. Nakataya dito ang ating buhay at kinabukasan. Ito ang pundasyon ng ating lipunan. Hindi lamang pagkain, trabaho, at libangan ang dala nito. Ang mga karagatan ang nagpo-produce ng kalahati ng oxygen ng

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Sundan ang hakbang ng Negros Occidental

 102,009 total views

 102,009 total views Mga Kapanalig, pinuri ng tatlong obispo mula sa Negros Occidental na sina Bishop Patricio Buzon ng Bacolod, Bishop Louie Galbines ng Kabankalan, at Bishop Gerardo Alminaza ng San Carlos ang pamahalaang panlalawigan dahil sa inilunsad nitong programa na tinatawag na “SecuRE Negros: Ensuring Power Security with Renewable Energy.” Layunin ng programang magkaroon ang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Sundan ang hakbang ng Negros Occidental

 114,397 total views

 114,397 total views Mga Kapanalig, pinuri ng tatlong obispo mula sa Negros Occidental na sina Bishop Patricio Buzon ng Bacolod, Bishop Louie Galbines ng Kabankalan, at Bishop Gerardo Alminaza ng San Carlos ang pamahalaang panlalawigan dahil sa inilunsad nitong programa na tinatawag na “SecuRE Negros: Ensuring Power Security with Renewable Energy.” Layunin ng programang magkaroon ang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pwedeng taumbayan naman?

 64,714 total views

 64,714 total views Mga Kapanalig, noong nakaraang buwan ay pinag-usapan natin sa isang editoryal ang isinasagawang people’s initiative para sa Charter change (o Cha-cha). Sinimulan ito dahil sa hindi pagsuporta ng Senado na amyendahan ang Konstitusyon.  Itinutulak ng people’s initiative ang pagsasama ng mga senador at kongresista sa pagboto sa mga panukalang pagbabago sa Konstitusyon, imbis

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ilang buhay pa ang kailangang masawi?

 99,925 total views

 99,925 total views Mga Kapanalig, sa isang nakaraang editoryal tungkol sa landslide sa Davao de Oro na kumitil ng labing-isang buhay, tinanong natin: “Ilang insidente pa ng pagguho ng lupa at ilang buhay pa ang kailangang mawala bago natin tuluyang iwan ang pagmimina?”  Sa kasamaang-palad, agad itong nasundan ng isa na namang nakapanlulumong insidente ng landslide

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Proteksyon para sa mga gig workers

 145,760 total views

 145,760 total views Sa kasalukuyan, ang mga gig workers o manggagawa sa gig economy sa Pilipinas ay patuloy na dumarami. Ang mga gig workers ay mga irregular na empleyado at nagtatrabaho sa pamamagitan ng mga platforms tulad ng food delivery services, ride-hailing apps, online freelancing, at iba pa. Ang laki ng kanilang kontribusyon sa ekonomiya, pero

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Online work at kababaihan

 146,778 total views

 146,778 total views Ang laking bentahe ng online work dito sa ating bansa, lalo na para sa mga kababaihan. Nagbubukas ito ng oportunidad at mga bagong posibilidad. Sa pamamagitan ng online work, mas napapadali ang pag-access nila sa trabaho nang hindi na kailangang lumabas ng bahay. Ito ay isang magandang pagkakataon para sa mga kababaihan na

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Disaster Preparedness

 120,544 total views

 120,544 total views Ang ating bansa ay madalas sinasalanta ng iba’t ibang kalamidad tulad ng bagyo, lindol, at iba pa. Ang mga kalamidad na ito ay nagdudulot ng pinsala sa ari-arian, kabuhayan, at higit sa lahat, sa buhay ng maraming Pilipino. Ayon nga sa mga eksperto, malaki ang tsansa na umabot ng P1.5 trillion ang halaga

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Panahon ng biyaya at pagbabagong-loob

 117,603 total views

 117,603 total views Mga Kapanalig, sa kanyang mensahe para sa paggunita ng Kuwaresma ngayong taon, sinabi ni Pope Francis na ang panahong ito ay isang panahon ng biyaya. Isa itong pagkakataon para sa pagbabagong-loob at kalayaan. “Lent is a season of conversion, a time of freedom,” paalala ng Santo Papa sa ating mga Katoliko. Sa naturang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pagkakaisa, hindi pagkakawatak-watak

 118,645 total views

 118,645 total views Mga Kapanalig, kung hindi pa kontrobersyal ang lamat sa pagitan ng binansagang “UniTeam” ng mga Marcos at Duterte, lumutang naman ang mungkahi ni dating Pangulong Rodrigo Duterte na humiwalay na sa Pilipinas ang Mindanao. Ibang klaseng hiwalayan naman ito. Sa kasagsagan ng debate tungkol sa Cha-cha at sa people’s initiative, sinabi ng dating

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

“Is that good?”

 123,074 total views

 123,074 total views Mga Kapanalig, sa isang pastoral letter na inilabas noong huling araw ng Enero, pinuna ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (o CBCP) ang nagpapatuloy na people’s initiative kung saan kinukuha ang suporta ng taumbayan para bumoto bilang isang lupon ang mga senador at kongresista sa Charter change o Cha-cha.  Katulad ng ibang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Enerhiya

 137,274 total views

 137,274 total views Ang sektor ng enerhiya ay kritikal sa ating bansa. Ito ang pundasyon ng mga industriya, komersyo, at pang-araw-araw na buhay ng mga mamamayan. Kung hindi natin mahaharap ang mga hamon na umaaligid dito, malaking problema ang sasalubong sa ating bayan sa kalaunan. Isa sa pinakamalaking hamon sa sektor ng enerhiya sa Pilipinas ay

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Agrikultura

 147,727 total views

 147,727 total views Kapanalig, sa panahon ng digital age, nakakalimutan natin minsan ang sektor ng agrikultura. Ito ay isang malaking oversight, lalo pa’t ang karamihan sa mga maralita sa ating bansa ay sakop ng sektor na ito. Tinatayang mga 60% ng mga mahihirap sa ating bansa ay nasa agricultural sector. Isa sa mga pangunahing suliranin na

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top