Pakinggan ang hinaing ng jeepney drivers at operators, panawagan ng Obispo sa pamahalaan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 25,795 total reads

Pakinggan ang hinaing ng sektor ng mga jeepney driver na naghahanap buhay upang may maipang-tustos sa pangangailangan pamilya.

Ito ang mensahe at pakikiisa ni Taytay Palawan Bishop Broderick Pabillo sa transport strike ng jeepney group ng Pagkakaisa ng mga Samahan ng Tsuper at Operators Nationwide (PISTON).

Ayon sa Obispo, hindi maliit na suliranin ang kinakaharap ng mga jeepney drivers dahil sa banta ng total traditional jeepney phase out.

Mahalaga din na maayos na maiparating sa panig ng mga jeepney drivers, operators at pamahalaan ang kahinahunan at maayos na pagpaplano upang matugunan ang mga suliranin.

“Kaya humingi tayo ng panalangin sa Panginoon: O Diyos gabayan niyo po ang aming pamahalaan, ang mga namumuno sa amin na makinig sa mga daing ng mga tao at ngayon po ang dumadaing ay ang ating mga drivers, pakinggan po natin ang kanilang kalagayan at sana makahanap ng solusyon na mas matulungan sila na hindi naman sila mapupunta sa disadvantaged sa mga patakaran na ginagawa ng pamahalaan,” ayon sa panalangin ni Bishop Pabillo para sa ikabubuti ng kapakanan ng mga jeepney drivers.

Magugunitang sinimulan ng PISTON ang transport strike noong Lunes November 20 na magtatagal hanggang November 23 kung saan pangunahing naapektuhan ang mga ruta sa Quezon City, Novaliches at kalakhang Maynila.

Ipinapanawagan ng PISTON ang pagpapatigil ng pamahalaan sa deadline ng consolidation ng mga jeepney drivers at operators na unang itinakda sa December 31, 2023 kung saan dapat ay maging bahagi sila ng mga kooperatiba at franchises upang makasabay sa pagpapatuloy ng jeepney modernization program ng pamahalaan.

Upang maibsan ang pasakit na dulot sa mga commuters, unang nagpatupad ng mga libreng-sakay scheme ang Office of the Vice-president, Metro Manila Development Authority, Philippine National Police at iba pang Local Government Units na apektado ng transport strike.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ang bigat ng betrayal of public trust

 11,469 total reads

 11,469 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 239,691 total reads

 239,691 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

TRUTH AWARDS

 133,157 total reads

 133,157 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Pakikiisa sa Palestine

 227,186 total reads

 227,186 total reads Mga Kapanalig, lumahok ang Pilipinas sa walkout ng mga delegado sa 81st United Nations General Assembly habang nagsasalita si Israeli Prime Minister Benjamin

Read More »

Huwag mag-panic

 270,967 total reads

 270,967 total reads Mga Kapanalig, kumakalat sa social media ang mga posts tungkol sa hoarding o labis-labis na pag-iimbak ng tubig. Paghahanda raw ito sa “super

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top