VeritasPH

The Word, The Truth

Magkabalikat, hindi magkalaban

SHARE THE TRUTH

 207 total views

Mga Kapanalig, inaprubahan noong ika-14 ng Mayo ng Regional Tripartite Wages and Productivity Board ang dagdag na ₱33 na sahod kada araw para sa mga manggagawa sa Metro Manila na kumikita ng minimum wage. Tataas sa ₱570 ang daily minimum wage na mapako sa halagang ₱537 sa nakaraang apat na taon o mula pa noong 2018. Sa Western Visayas, itinaas din ang minimum na sahod sa ₱450 mula sa ₱395 na itinakda noong 2019 pa. Ang mga establisyamentong may sampung empleyado ay dapat ding magpasahod ng daily minimum wage na ₱420 mula sa ₱310, samantalang ang mga manggagawa sa sektor ng agrikultura sa rehiyon ay dapat sumahod ng ₱410 mula sa ₱315. Samantala, ang mga kasambahay ay dapat nang tumanggap ng ₱4,500 kada buwan mula sa dating ₱4,000.  Ayon sa Department of Labor and Employment (o DOLE), ang taas-sahod ay tugon sa nagtataasang presyo ng mga bilihin at produktong petrolyo nitong mga nakaraang buwan.

Katulad ng inaasahan, hindi ikinatuwa kapwa ng mga grupong manggagawa at mga negosyante ang taas-sahod na ito.

Idinadaing ng mga manggagawa ang gapatak na umento sa minimum wage. Para kay Elmer Labog, chairman ng Kilusang Mayo Uno, napakababa at hindi sasapat ang itinaas sa sahod ng mga minimum wage earners sa harap ng napakataas na presyo ng mga pangunahing bilihin. Para sa noo’y presidential candidate na si Ka Leody de Guzman, mistulang baryang sukli lamang ang ibinigay ng mga regional wage boards. Itinutulak ng mga lider-mangagagawang ito ang national minimum wage na ₱750. Ngunit kung tutuusin, sabi nga ni Ka Leody, mababa pa rin ang ₱750 sa araw-araw na gastos ng isang pamilyang may limang miyembro.

Ang mga employers naman, itinuturing na super typhoon ang dagdag-sahod. Inihihirit nilang ipagpaliban ang pagtaas ng sahod dahil hindi pa raw sila nakakaahon sa krisis na dala ng pandemya. Pinalalâ pa ang kanilang sitwasyon ng mga nagdaang bagyo at pagtaas ng presyo ng mga produktong petrolyo.

Nakalulungkot na tuwing pinag-uusapan ang sahod at benepisyo para sa mga manggagawa, laging lamang natatapos ang usapan sa salungatan o nagreresulta sa deadlock. Maunawaan sana nating lahat na hindi lamang ang mga employers ang may kontribusyon o nangangapital sa negosyo. Ang mga manggagawa ay namumuhunan din sa pamamagitan ng kanilang paggawang nag-aambag sa ikauunlad hindi lamang ng kanilang sarili at pamilya kundi pati ng ating bayan. At upang magampanan ng manggagawa nang maayos ang kanyang trabaho, dapat na sapat at makatarungan ang kabayaran sa kanyang paggawa. Binibigyan-diin sa katesismo ng Santa Iglesia na ang sapat na sahod ay ang lehitimong bunga ng paggawa. Ang ipagkait ito sa mga manggagawa ay napakatinding kawalan ng katarungan.

Makahanap sana ang ating mga mangagagawa at mga employers ng puwang upang unawain ang isa’t isa at hanapin ang mga bagay na maaari nilang pagtulungan. Kinikilala natin ang kalagayan ng mga negosyo lalo na’t hindi pa rin natatapos ang pandemya, ngunit bilang mas nakakaangat sa buhay, hindi kaya mas may kakayanan ang mga may-ari ng negosyo na balansehin ang kanilang layuning kumita at ang kanilang tungkulin sa kanilang mga manggagawa? May kasabihan ngang “to whom much is given, much is expected.” Maaari kayang higit na magsakripisyo ang mga nagpapatrabaho kaysa sa mga nagtatrabaho upang sa kalaunan, pareho at sabay silang umangat?

Mga Kapanalig, magkaiba ang kontribusyon at talento ng mga nag-eempleyo at ng mga trabahador, subalit maaaring punan ang kakulangan ng isa’t isa para sa ikabubuti at ikauunlad ng lahat. Wika nga sa Ecclesiastes 4:9, “Ang dalawa ay mabuti kaysa isa; mas marami ang bunga ng anumang gagawin nila.” Magkabalikat, hindi magkalaban, ang mga manggagawa at ang mga nagbibigay ng trabaho.

Sumainyo ang katotohanan.

Screenshot 2024-04-26 121114
ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Responsableng kasiyahan

 9,976 total views

 9,976 total views Mga Kapanalig, humupa na ang kontrobersyal na pagdiriwang ng tinatawag na “Wattah Wattah Festival” sa Lungsod ng San Juan.  Halos isang buwan na rin ang nakalipas nang ipagdiwang ito ng mga kababayan natin sa San Juan. Kasama sa tradisyon tuwing sumasapit ang kapistahan ni San Juan Bautista ang basaan ng mga namimiyesta. Iyon

Read More »

Kalidad ng pagtuturo

 17,961 total views

 17,961 total views Mga Kapanalig, itinalaga na ni Pangulong Bongbong Marcos, Jr si Senador Juan Edgardo “Sonny” Angara bilang bagong kalihim o secretary ng Department of Education kapalit ni Vice President Sara Duterte. Sa isang editoryal, binanggit natin ang kahilingan ng ilang grupo ng mga guro na sana, ang bagong kalihim ng DepEd ay isang educator

Read More »

Mga payaso sa sirko

 25,497 total views

 25,497 total views Mga Kapanalig, may kasabihan sa Ingles na “elect a clown, expect a circus.” Kapag bumoto raw tayo ng mga payaso, asahan nating magiging sirko ang gobyerno.  Pasintabi po sa mga ang hanapbuhay ay ang pagiging payaso. Ipinaaalala lamang ng kasabihang ito kung gaano kaseryoso ang paggiging lingkod-bayan. Ang pagsisilbi sa pamahalaan ay hindi

Read More »

BPO industry

 41,482 total views

 41,482 total views Kapanalig, hindi natin maitatanggi, ang laking tulong, ginhawa, at pag-asa ang dinala Business Process Outprocessing industry o BPO, sa maraming manggagawang Filipino. Nabigyan ng opsyon ang marami nating mga mamamayan – graduate, o bagong graduate, middle aged, o kahit retired na, part-time, full-time – marami ang nagkaroon ng pagkakataon kumita dahil dito. Nakakapamili

Read More »

Balik Probinsya

 49,526 total views

 49,526 total views Kapanalig, marami ngayong Filipino ang nahahalina at pumipiling magbuhay probinsya. Malaking pagbabago ito, dahil bago mag pandemic, ang ating mga syudad, partikular na ang National Capital Region ang pangunahing migration destination sa ating bayan. Trabaho ang pangunahing rason – sa mga syudad kasi makikita ang karamihan sa mga oportunidad sa bayan. Pero iba

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Responsableng kasiyahan

 9,977 total views

 9,977 total views Mga Kapanalig, humupa na ang kontrobersyal na pagdiriwang ng tinatawag na “Wattah Wattah Festival” sa Lungsod ng San Juan.  Halos isang buwan na rin ang nakalipas nang ipagdiwang ito ng mga kababayan natin sa San Juan. Kasama sa tradisyon tuwing sumasapit ang kapistahan ni San Juan Bautista ang basaan ng mga namimiyesta. Iyon

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kalidad ng pagtuturo

 17,962 total views

 17,962 total views Mga Kapanalig, itinalaga na ni Pangulong Bongbong Marcos, Jr si Senador Juan Edgardo “Sonny” Angara bilang bagong kalihim o secretary ng Department of Education kapalit ni Vice President Sara Duterte. Sa isang editoryal, binanggit natin ang kahilingan ng ilang grupo ng mga guro na sana, ang bagong kalihim ng DepEd ay isang educator

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Mga payaso sa sirko

 25,498 total views

 25,498 total views Mga Kapanalig, may kasabihan sa Ingles na “elect a clown, expect a circus.” Kapag bumoto raw tayo ng mga payaso, asahan nating magiging sirko ang gobyerno.  Pasintabi po sa mga ang hanapbuhay ay ang pagiging payaso. Ipinaaalala lamang ng kasabihang ito kung gaano kaseryoso ang paggiging lingkod-bayan. Ang pagsisilbi sa pamahalaan ay hindi

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

BPO industry

 41,483 total views

 41,483 total views Kapanalig, hindi natin maitatanggi, ang laking tulong, ginhawa, at pag-asa ang dinala Business Process Outprocessing industry o BPO, sa maraming manggagawang Filipino. Nabigyan ng opsyon ang marami nating mga mamamayan – graduate, o bagong graduate, middle aged, o kahit retired na, part-time, full-time – marami ang nagkaroon ng pagkakataon kumita dahil dito. Nakakapamili

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Balik Probinsya

 49,527 total views

 49,527 total views Kapanalig, marami ngayong Filipino ang nahahalina at pumipiling magbuhay probinsya. Malaking pagbabago ito, dahil bago mag pandemic, ang ating mga syudad, partikular na ang National Capital Region ang pangunahing migration destination sa ating bayan. Trabaho ang pangunahing rason – sa mga syudad kasi makikita ang karamihan sa mga oportunidad sa bayan. Pero iba

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kuryente

 45,857 total views

 45,857 total views Kapanalig, kahit ano pang pagpipikit mata natin o bulagbugan, hindi natin matitiis na ang mahal ng halaga ng kuryente sa ating bansa. Lalo ngayon kapanalig, na tumataas ang halaga ng dolyar, pihado, madarama na natin ang panibagong aray sa kuryente. Nauna na nga ang pasakit ng halaga ng krudo at gas, hindi ba?

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Nutrisyong sapat para sa lahat

 44,282 total views

 44,282 total views Mga Kapanalig, ang buwan ng Hunyo ay Nutrition Month batay sa Presidential Decree No. 491 noong 1974. Ngayong taon, ibinibida ng National Nutrition Council ang Philippine Plan of Action for Nutrition (o PPAN) sa selebrasyon ng Nutrition Month, na may temang “Sa PPAN: Sama-sama sa nutrisyong sapat para sa lahat!”. Ano nga ba

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ipagtanggol ang mga katutubong tagapagtanggol

 46,068 total views

 46,068 total views Mga Kapanalig, noong Hunyo pinaputukan ng isang armadong grupo ang mga katutubong residente ng Maria Hangin Island sa Balabac, Palawan.  Nangyari ang insidenteng ito isang araw matapos pigilan ng mga residente ang mga tauhan ng Department of Agrarian Reform (o DAR) na dumaong sa isla. Magsagawa sana noon ng konsultasyon ang DAR, kasama

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Umento sa sahod ng mga manggagawa

 42,993 total views

 42,993 total views Mga Kapanalig, inapubahan bago matapos ang Hunyo ng Regional Tripartite Wages and Productivity Board ang ₱35 na dagdag sa arawang sahod ng mga manggagawa dito sa National Capital Region (o NCR). Mula ₱610 ay magiging ₱645 ang minimum daily wage ng mga non-agricultural workers sa rehiyon.  Dismayado dito ang ilang labor groups. Para

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Irigasyon

 57,307 total views

 57,307 total views Kapanalig, ang Pilipinas ay isang bansang agrikultural na lubos na umaasa sa pagsasaka para sa kabuhayan ng maraming mamamayan. Ang irigasyon, o ang sistematikong pamamahagi ng tubig sa mga taniman, ay isang mahalagang aspeto ng agrikultura na may malaking epekto sa produksyon ng mga pananim, seguridad ng pagkain, at pangkalahatang pag-unlad ng bansa.

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Lifelong learning skills

 60,997 total views

 60,997 total views Kapanalig, sa ating digital world ngayon, maraming mga disruptions at mabilis ang pagbabago. Maraming mga imbensyon at inobasyon ang sumusulpot at umuusbong na nagbabago ng ating way of life at way of doing business. Kapag ang mamamayan ay hindi handa dito, lagi tayong mahuhuli at mahihirapan mag transisyon. Change, kapanalig, is constant. At

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Brain drain

 59,600 total views

 59,600 total views Dahil nasa digital age na tayo ngayon, ang mga science-based at digital industries ang karaniwang nangunguna sa merkado. Dahil sa malaking pagbabago na ito, ang mga uri ng trabaho na kailangan sa job market ngayon ay kinakailangan mas maraming scientists, engineers, programmers, IT specialists, at ibang kaugnay na trabaho. Ayon nga sa UNESCO

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kamag-anak, Inc.

 69,587 total views

 69,587 total views Mga Kapanalig, kung magkakatotoo ang sinabi ni Vice President Sara Duterte sa isang ambush interview noong isang linggo, tatlong Duterte ang makikita natin sa balota sa pagkasenador sa eleksyon sa 2025.  Sila ay ang mag-aamang sina dating Pangulong Digong Duterte, Congressman Paolo Duterte ng unang distrito ng Davao, at Mayor Sebastian Duterte ng

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Diplomasya ang susi

 73,555 total views

 73,555 total views Mga Kapanalig, “misunderstanding” o aksidente lamang para sa Malacañang ang pinakahuling insidente ng komprontasyon sa Ayungin Shoal (o Second Thomas Shoal) sa pagitan ng Chinese Coast Guard at Philippine Navy. Sa naturang insidente na nangyari dalawang linggo bago matapos ang Hunyo, hinarang ng mga Chinese coast guard personnel ang mga bangka ng Philippine

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Educator sa DepEd

 84,442 total views

 84,442 total views Mga Kapanalig, habang isinusulat natin ang editoryal na ito, wala pa ring pinapangalanan ang administrasyong Marcos Jr na ipapalit na kalihim ng Department of Education (o DepEd). Nagulat ang marami nang mag-resign si Vice President Sara Duterte bilang DepEd secretary at opisyal ng isa pang opisina noong June 19. Sa sulat sa isinapubliko

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top