Parusang ipinataw ng korte sa Marcopper mining corporation, pinuri ng ATM

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 948 total reads

Kinilala ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ang desisyon ng Marinduque Regional Trial Court sang-ayon sa 30 nagsasakdal laban sa Marcopper Mining Corporation.

Hinggil ito sa naganap na mine spill noong taong 1993 na nag-iwan nang malaking pinsala sa komunidad, at itinuring bilang pinakamalubhang mining disaster na naganap sa bansa.
Ikinatuwa ng ATM na makalipas ang dalawang dekadang paghihintay ay natanggap na rin ng mga biktima ang katarungang matagal nang inaasam.

“It may have taken decades for the court to make a ruling, but we are nevertheless hopeful considering that justice is finally served to the victims of one of the worst mining disasters in the country. The decision sends an encouraging signal to communities gravely affected by mining,” pahayag ng ATM.

Binabati naman ng grupo ang mamamayan ng Marinduque sa kanilang paninindigan upang makamit ang katarungan.

Gayundin sa mga abogado at organisasyon, partikular na ang Legal Rights and Natural Reources Center (LRC) na gumabay at nanindigan para sa mga nagsasakdal sa kabila ng mga kinaharap na hamon.

Umaasa naman si LRC direct legal services coordinator Atty. Ryan Roset na ang kaso laban sa naganap na trahedya ay magsilbing babala sa mga pamayanang nagnanais pahintulutan ang mga mapaminsalang proyekto tulad ng pagmimina.

“Communities must think their decisions through for the impact of the environment can be irreversible,” ayon kay Roset.

Ginawa ni Judge Emmanuel Recalde ng Branch 38 ng Marinduque RTC ang desisyon laban sa Marcopper Mining Corporation noong Mayo 16, 2022.

Dito’y hinatulan ni Recalde ang Marcopper Mining Corporation na bayaran ang bawat isang kabilang sa 30 nagsasakdal ng P200,000 sa temperate damages at P100,000 naman sa moral damages mula sa isinampang kaso noong 2001.

Habang pinagbabayad din ng hukuman ang kumpanya ng karagdagang isang milyong piso bilang exemplary damages sa mga nagsakdal.

Magugunita noong Disyembre 6, 1993, nasira ang bahagi ng Maguila-guila dam na pagmamay-ari ng Marcopper Mining Corporation, na nagdulot ng pagbaha ng nakalalasong kemikal sa Mogpog River.
Naglabas ito ng maraming silted water na naging sanhi ng matinding pinsala sa mga ari-arian at kabuhayan, at panganib sa kalusugan ng mamamayan ng Marinduque.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

WALANG KAHIHIYAN

 11,946 total reads

 11,946 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 93,800 total reads

 93,800 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 127,249 total reads

 127,249 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 162,548 total reads

 162,548 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 388,711 total reads

 388,711 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 155,694 total reads

 155,694 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top