Mahalin ang natatanging tahanan ng sangkatauhan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 613 total reads

Ito ang panawagan ni Tuguegarao Archbishop Sergio Utleg, sa gitna ng kinakaharap na iba’t- ibang suliranin ng kalikasan dahil sa mapaminsalang gawain ng mga tao.

Ayon kay Archbishop Utleg, labis na ang dinaranas na kalupitan ng kapaligiran dahil sa walang habas na pagkonsumo ng tao.

Kaya kasabay ng nalalapit na pagdiriwang ng Earth Day binigyang diin ng Arsobispo na mahalagang mahalin, linisin at ibalik ang balanse ng daigdig dahil ito lamang ang nag-iisang tahanan ng lahat ng mga nilalang ng Panginoon.

“Let us take care of our common home our mother Earth, wala na tayong ibang tahanan kundi itong mundo natin, ito ay bigay, regalo sa atin ng Diyos, mahalin natin, linisin natin, pagandahin natin at alagaan natin.”  Pahayag ni Bishop Utleg sa Radyo Veritas.

Samantala, binigyang diin rin ni Boac, Marinduque Bishop Marcelino Antonio Maralit, ang kahalagahan ng pagkakaisa ng lahat ng tao, anuman ang relihiyon o katayuan sa buhay upang magampanan ang responsibilidad na pangalagaan ang daigdig.

Naniniwala si Bishop Maralit na kung isasapuso ng bawat tao ang pagturing sa daigdig bilang ating tahanan ay mapananatili itong maayos, malinis at maganda.

“Ang nag-iisa nating tahanan ay bahagi talaga ng ating responsibilidad na pangalagaan, at hindi lamang basta pangalagaan kundi itaguyod bilang isang tahanan. As far as I know pag tahanan mo, you keep it clean, and make sure that it is maintained.”pahayag ni Bishop Maralit.

Umaasa din ang Obispo na sa pagdiriwang ng Earth day ay makikiisa ang lahat ng indibidwal at ipamamalas ang seryoso nitong pagtugon sa kinakailangang pag-aaruga ng kalikasan.

“I hope everybody will be part of this celebration of the Earth Day and not only on Earth day but a total, total talagang pagco-consider, pag-alala pagbibigay ng kakayanan nating lahat to take care of this single home that we have,” dagdag pa ng Obispo.

Ngayong Linggo ika-22 ng Abril gaganapin ang ika-48 taong paggunita sa Earth Day.

Inaasahang magtitipon-tipon ang milyun-milyong mga indibidwal sa iba’t-ibang bahagi ng mundo upang ipakita ang kanilang malasakit sa kalikasan.

Sa Pilipinas magkakaroon naman ng pagtitipon sa CCP Complex Pasay City, at mayroon ding mga workshops sa iba’t-ibang parokya ng Archdiocese of Manila.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MADALDAL KULANG SA GAWA

 40,442 total reads

 40,442 total reads Kapanalig, magaling itong si Department of Interior and Local Government secretary Jonvic Remulla. Sa press release lalu na sa pagsasalita sa media, magaling

Read More »

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 125,893 total reads

 125,893 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Troublemaker

 172,630 total reads

 172,630 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 220,502 total reads

 220,502 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 322,594 total reads

 322,594 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

BAKIT LALAYO PA?

 43,339 total reads

 43,339 total reads May mga pagkakataong hindi na kailangang pumunta pa sa malayo para makita ang panlilinlang. Minsan, nasa paligid lamang natin. Nasa mga lugar na

Read More »

KAPAG ANG PULITIKA AY NAGING PANATISMO

 36,214 total reads

 36,214 total reads Kapag ang suporta sa isang lider ay nauuwi sa pagkamuhi sa kapwa, hindi na lamang pulitika ang nakataya—pati ang pagkakaisa ng bayan.  

Read More »
Scroll to Top