Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Makabata hotline, inilunsad ng DOLE at DSWD

SHARE THE TRUTH

 1,772 total views

Nakipagtulungan ang Department of Labor and Employment (DOLE) sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) upang ilunsad ang ‘Mahalin at Kalingain ating mga Bata’ o Makabata Hotline laban sa Child Labor.

Layunin ng inisyatibo na mahikayat ang mamamayan na makiisa sa mga inisyatibo na iwaksi ang anumang gawain ng child labor at child abuse.

Ayon kay Labor Secretary Bienvenido Laguesma, bahagi din ang bagong programa sa tuluyang pagwawaksi ng child labor sa Pilipinas.

“Kinikilala ko rin ang bukas-palad na pagsuporta ng mga miyembro at social partners natin mula sa National Council Against Child Labor (NCACL)… Salamat sa walang sawang pakikiisa at paniniwala sa labang ito.” ayon sa mensahe ni Laguesma na ipinadala sa Radio Veritas.

Inaasahan ng kagawaran sa paglulunsad ng Makabata Hotline na mapanagot ang mga mahuhuling nang-aabuso sa mga bata na dapat ay nasa mga paaralan.

Bahagi pa ng programa ang pagbibigay ng rehabilitation at livelihood assistance sa mga pamilya o mapapatunayang child laborers upang hindi na bumalik sa gawain.

Sa tulong ng Makabata hotline ay maaring ipagbigay alam sa mga kagawaran sa pamamagitan ng pagpapadala ng mensahe sa mga numero bilang 0-9-6-0-3-7-7-9-8-6-3 at 0-9-1-5-8-0-2-2-3-7-5 email address na [email protected] ang mga kaso o pagkakataon na makakasaksi ng pang-aabuso o child labor.

Unang nanindigan ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines laban sa anumang uri ng pang-aabuso sa kabataan at higit na sa gawain ng child labor.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Sagrado ang ating boto

 22,801 total views

 22,801 total views Mga Kapanalig, ilang tulog na lang, eleksyon na. Isang pakiusap sa lahat ng boboto: kilatising mabuti ang mga kandidatong tatanggap ng ating matamis

Read More »

Makabagong Makapili?

 30,901 total views

 30,901 total views Mga Kapanalig, pamilyar ba kayo sa mga Makapili? Noong World War II, may isang grupong binuo sa tulong ng mga Hapon upang tulungan

Read More »

Saganang eleksyon sa bayang kapos

 48,868 total views

 48,868 total views Mga Kapanalig, bago pa man magsimula ang official campaign period para sa eleksyon 2025, gumastos na ang mga kandidato ng mahigit 10 bilyong

Read More »

Busugin ang mga kumukulong tiyan

 77,959 total views

 77,959 total views Mga Kapanalig, huling araw na ng Abril! Alam n’yo ba na ipinagdiriwang ang Filipino Food Month sa buwang ito? Sa iba’t ibang lugar

Read More »

Pekeng sakripisyo

 98,536 total views

 98,536 total views Mga Kapanalig, katulad ng ibang pagdiriwang sa ating bansa—gaya ng Pasko at Bagong Taon—basura din ang iniwan ng paggunita ng mga Katoliko sa

Read More »

Related Story

Cultural
Jerry Maya Figarola

Pope Leo XIV, bagong Santo Papa

 8,900 total views

 8,900 total views Sa isang makasaysayang sandali para sa Simbahang Katolika, napili ng College of Cardinals ang bagong Santo Papa. Sa day 2 ng Conclave at

Read More »
Cultural
Jerry Maya Figarola

AFP, nagbigay pugay kay Pope Francis

 7,422 total views

 7,422 total views Nagluluksa at nakikiisa sa mga Pilipinong Katoliko at kabuoan ng simbahang katolika ang Armed Forces of the Philippines sa pagpanaw ng Kaniyang Kabanalang

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top