Information drive sa Universal Health Care Law, palalakasin

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 1,762 total views

Binigyang diin ni Malasakit at Bayanihan Partylist Representative Anthony Golez na mahalagang maunawaan ng bawat Pilipino ang nilalaman ng Universal Health Care Law.

Sinabi ni Golez na sa pamamagitan ng batas ay mabigyang kalinga ang pangangailangang pangkalusugan ng mamamayan.

“Dito sa Universal Health Care law mahalaga po na malaman natin na ito ang susi para ma improve ang health care system natin. Pini-prepare po iyan more than 20 years ago and now is the time to implement it,” pahayag ni Golez sa Radio Veritas.

Ipinaliwanag ng mambabatas 2004 nang magkaroon ang Department of Health ng Health Sector Reform Agenda tungo sa universal healthcare na kasalukuyang ipinatutupad.

Tinukoy ni Golez na kabilang sa mandato ng batas ang pagpapaigting sa primary health care centers sa mga kanayunan upang matugunan ang kalusugan ng mamamayan at maiwasan ang paglala ng karamdaman.

“Ang importante po dito ang Department of Health turuan ang lahat ng Local Government Unit about its implementation,” ani Golez.

Ibinahagi rin nito ang pinalakas na ‘Konsulta Package’ na kabilang sa Universal Health Care Law na ipinatutupad ng Philhealth na mapakikinabangan ng mga Pilipino.

Tampok sa programa ang 500 hanggang 750 pisong konsulta package sa mga partner healthcare facilities kung saan bukod sa pagpapakonsulta kasama rin dito ang mga gamot at laboratory.

Tiniyak ni Golez na gumagawa rin ito ng hakbang na matulungan ang DOH sa pagtugon sa pangangailangan ng healthcare workers upang manatili sa bansa at maglingkod sa mga Pilipino.

Kabilang sa hakbang ang pagbibigay ng plantilla positions sa mga doctor na katuwang ng pamahalaan sa health sector alinsunod sa ulat ng DOH na may nalalabing pitong bilyong piso para sa plantilla position.

Una nang sinuportahan ng simbahang katolika ang Universal Health Care Law at iba pang kaakibat na programa ng pamahalaan na magpapabuti sa sektor ng kalusugan sa bansa na makatutugon sa mga suliranin tulad ng nagdaang pandemya.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Mga bisyong tayo rin ang may gawa

 2,051 total views

 2,051 total views Mga Kapanalig, nanawagan kamakailan ang grupong TobaccoOFF Now! na tuluyan nang ipagbawal ang mga vapes at e-cigarettes. Ang TobaccoOFF Now! ay binubuo ng

Read More »

Papalayô sa tunay na demokrasya

 30,615 total views

 30,615 total views Mga Kapanalig, patuloy ang gulo sa Senado, isang institusyong inaasahan nating kumakatawan sa ating mga hangarin at tumutugon sa ating mga pangangailangan.  Noong

Read More »

BAKIT BIGO ANG K-12?

 80,629 total views

 80,629 total views Kapanalig, ipinatupad ang K-12 program o K-12 educational curriculum noong 2013 sa bisa ng Republic Act No. 10533 or the Enhanced Basic Education

Read More »

MAGING PANAHON NAGUGULUHAN NA

 76,416 total views

 76,416 total views Kapanalig, ano ba ang nangyayari sa ating bayan? Sa Senado, litong-lito na ang maraming Pilipino… Hindi na malaman ng marami kung ano ang

Read More »

Baluktot na katotohanan

 111,900 total views

 111,900 total views Mga Kapanalig, unti-unting nawawala ang dignidad ng Senado sa harap mismo ng sambayanan. Sa isa sa mga plenaryo ng Senado noong nakaraang linggo,

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top