Makabata hotline, inilunsad ng DOLE at DSWD

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 2,015 total views

Nakipagtulungan ang Department of Labor and Employment (DOLE) sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) upang ilunsad ang ‘Mahalin at Kalingain ating mga Bata’ o Makabata Hotline laban sa Child Labor.

Layunin ng inisyatibo na mahikayat ang mamamayan na makiisa sa mga inisyatibo na iwaksi ang anumang gawain ng child labor at child abuse.

Ayon kay Labor Secretary Bienvenido Laguesma, bahagi din ang bagong programa sa tuluyang pagwawaksi ng child labor sa Pilipinas.

“Kinikilala ko rin ang bukas-palad na pagsuporta ng mga miyembro at social partners natin mula sa National Council Against Child Labor (NCACL)… Salamat sa walang sawang pakikiisa at paniniwala sa labang ito.” ayon sa mensahe ni Laguesma na ipinadala sa Radio Veritas.

Inaasahan ng kagawaran sa paglulunsad ng Makabata Hotline na mapanagot ang mga mahuhuling nang-aabuso sa mga bata na dapat ay nasa mga paaralan.

Bahagi pa ng programa ang pagbibigay ng rehabilitation at livelihood assistance sa mga pamilya o mapapatunayang child laborers upang hindi na bumalik sa gawain.

Sa tulong ng Makabata hotline ay maaring ipagbigay alam sa mga kagawaran sa pamamagitan ng pagpapadala ng mensahe sa mga numero bilang 0-9-6-0-3-7-7-9-8-6-3 at 0-9-1-5-8-0-2-2-3-7-5 email address na [email protected] ang mga kaso o pagkakataon na makakasaksi ng pang-aabuso o child labor.

Unang nanindigan ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines laban sa anumang uri ng pang-aabuso sa kabataan at higit na sa gawain ng child labor.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Mga bisyong tayo rin ang may gawa

 1,002 total views

 1,002 total views Mga Kapanalig, nanawagan kamakailan ang grupong TobaccoOFF Now! na tuluyan nang ipagbawal ang mga vapes at e-cigarettes. Ang TobaccoOFF Now! ay binubuo ng

Read More »

Papalayô sa tunay na demokrasya

 29,566 total views

 29,566 total views Mga Kapanalig, patuloy ang gulo sa Senado, isang institusyong inaasahan nating kumakatawan sa ating mga hangarin at tumutugon sa ating mga pangangailangan.  Noong

Read More »

BAKIT BIGO ANG K-12?

 79,580 total views

 79,580 total views Kapanalig, ipinatupad ang K-12 program o K-12 educational curriculum noong 2013 sa bisa ng Republic Act No. 10533 or the Enhanced Basic Education

Read More »

MAGING PANAHON NAGUGULUHAN NA

 75,416 total views

 75,416 total views Kapanalig, ano ba ang nangyayari sa ating bayan? Sa Senado, litong-lito na ang maraming Pilipino… Hindi na malaman ng marami kung ano ang

Read More »

Baluktot na katotohanan

 110,953 total views

 110,953 total views Mga Kapanalig, unti-unting nawawala ang dignidad ng Senado sa harap mismo ng sambayanan. Sa isa sa mga plenaryo ng Senado noong nakaraang linggo,

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Call for donations, inilabas ng CEAP

 285 total views

 285 total views Nanawagan din ang Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) ng panalangin at ikalawang koleksyon sa mga Misa sa Hunyo 14 para sa

Read More »
Scroll to Top