Makalikasang Sinulog festival, panawagan ng Ecowaste

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 1,010 total reads

Nagsagawa ang EcoWaste Coalition katuwang ang Sanlakas Cebu at Barangay Tejero, Cebu City ng Sinulog-inspired parade sa Cebu City bilang bahagi ng pagdiriwang ng Zero Waste Month at panawagan para sa makakalikasang selebrasyon ng Sinulog Festival.

Tema ng gawain ang “Sinulog sa Kabatan-onan Alang sa Kinaiyahan” o Sinulog ng Kabataan para sa Kalikasan, tampok ang dalawang oras na street dancing na nilahukan ng nasa 50 residente ng Barangay Tejero, karamihan’y kabataan, dala-dala ang imahen ng Santo Niño, at mga banner at placard na may mensaheng isinusulong ang malinis na pagdiriwang ng Sinulog.

Isinagawa ang parada sa Ponce Street malapit sa Carreta Cemetery at nagtapos sa pamamagitan ng programa sa Barangay Tejero Gymnasium.

Binigyang-diin ni Barangay Tejero Captain Harold Seno na kaakibat ng Sinulog Festival ang pagdagsa ng mga tao at turista, gayundin ang naiiwang tambak ng basura, kaya’t mahalaga ang sama-samang pagkilos upang mapanatiling malinis ang mga kalye at plaza.

“Sinulog attracts millions of people from within Cebu and afar and it can generate tons upon tons of garbage, especially single-use plastic and food waste. We are one with the EcoWaste Coalition in reminding residents and visitors to join hands in keeping our streets and plazas litter-free,” ayon kay Seno.

Sang-ayon naman dito si EcoWaste Coalition National Coordinator Aileen Lucero at sinabing sa pamamagitan ng mga ganitong uri ng pagdiriwang ay naisusulong rin ang pangangalaga at pagpapanatili ng kalinisan sa kapaligiran.

Dagdag ni Lucero na ang Sinulog ay hindi lamang pagdiriwang ng pananampalataya at kultura, kundi paalala rin na tungkulin ng bawat isa ang pangangalaga sa kalikasan sa pamamagitan ng zero waste lifestyle.

“Zero waste is not just a hollow buzzword — it’s a lifestyle change that we must adopt together to combat plastic pollution and preserve our planet for ourselves and the future generations,” saad ni Lucero.

Tinalakay din sa programa ang kahalagahan ng Republic Act 9003 o ang Ecological Solid Waste Management Act at ang tungkulin nito sa pagpapanatili ng kalinisan at kaayusan ng kapaligiran.

Magugunita sa 128th Plenary Assembly ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) noong July 2024, kabilang sa anim na ecological actions na itinakdang pagtutuunang pansin ng simbahan ang pagsuporta sa mga pagsisikap laban sa plastic pollution.

VP Sara at asawa, may 51-baril

 2,497 total reads

 2,497 total reads Umaabot sa 51 ang kabuuang bilang ng mga baril na pag-aari ni Vice President Sara Duterte at asawa nitong si Atty. Manases Carpio.

Read More »

NAMFREL, dismayado sa pagpapaliban ng BSKE

 4,572 total reads

 4,572 total reads Dismayado ang National Citizens’ Movement for Free Elections (NAMFREL) sa panibagong pagpapaliban ng Barangay at Sangguniang Kabataan Elections o BSKE, na nakatakda sanang

Read More »

Seafarers, kinilala ni Bishop Santos

 4,556 total reads

 4,556 total reads Kinilala ni Antipolo Bishop Ruperto Cruz Santos, CBCP Bishop Promoter of Stella Maris–Philippines, ang mga marinong Pilipino sa paggunita ng National Seafarers’ Sunday,

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Malaya na si Mary Jane

 16,128 total reads

 16,128 total reads Mga Kapanalig, magiging masaya ang Pasko ngayong taon ng pamilya ni Mary Jane Veloso. Si Mary Jane ay ang kababayan nating hinatulan ng

Read More »

KRISIS NA KINAKAHARAP NG MGA KABATAAN

 65,694 total reads

 65,694 total reads Mahinang industrial base ng ekonomiya, ito ang hadlang at ugat ng tumataas na bilang ng mga walang trabaho sa bansa lalu na sa

Read More »

PAX SILICA

 87,784 total reads

 87,784 total reads PAX SIILICA., mismo ang ating pamahalaan ang nagsusulong ng proyektong ito. Kapanalig, hina-hyped ng gobyerno ang Pax Silica bilang isang hi-tech artificial intelligence

Read More »

Nagmamahal, Judith

 187,605 total reads

 187,605 total reads Mga Kapanalig, dumating na ba sa inyo si Judith? Kung hindi ninyo siya kilala, si Judith ang buwan-buwan na dumadalaw sa atin para

Read More »

Mas malusog na Pilipino?

 220,011 total reads

 220,011 total reads Mga Kapanalig, dumarami ang mga Pilipinong overweight at obese. Ayon sa Food and Nutrition Research Institute, 16% ng mga batang edad 5 hanggang

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PIM, inilunsad ng Ecumenical groups

 2,023 total reads

 2,023 total reads Inilunsad ngayong araw ang ecumenical group ng ‘People’s Impeachment Movement (P-I-M) na kalipunan ng mga katolikong Pari, Madre, Aglipayan at Kristyanong Pastor upang

Read More »
Scroll to Top