Malacanang, ipinaliwanag ang “gag order” sa media

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 238 total views

Nilinaw ni Presidential Communications Secretary Martin Andanar ang tinaguriang ” PCO gag order” sa media.

Ikinatwiran ni Andanar na layon ng gag order na maging mas malinaw at makatotohanan ang impormasyon sa mga mamamayahag at mamamayan tungkol sa mga pahayag ng pangulong Duterte.

Sinabi ni Andanar na maiiwasan ang pagkalito sa official statement ng pangulong Duterte kung iisang source o tanggapan lamang magmumula ang mga opisyal na pahayag para sa Office of the President.

“If you want an official line, an official clarification from the Office of the President, then you go straight to the Presidential Communications Office. Now, kung maswerte kayo na nakakuha kayo straight from the Presidential Office or the Office of the President, then you are lucky. Now, kung para mas madali ho ay mas maganda na dumiretso na lamang kayo sa PCO para mas malinaw, para wala pong conflict…” pahayag ni  Andanar.

Nilinaw ni Andanar na hindi inaalisan ng gampanin ang mga kalihim ng bawat tanggapan o kagawaran ng pamahalaan.

Ibinahagi rin ng Kalihim na maaring magkaroon ng pambihirang pagkakataon na magtatakda ang Malacañang ng ‘official spokesperson for the day’ depende sa mga usaping dapat ibahagi sa publiko.

Sinasabi sa Article 7 Section 16 ng 1987 Constitution, maaring magtakda o maghirang ang Pangulo ng sinuman upang maging bahagi ng kanyang gabinete sa pahintulot ng Commission on Appointments.

Sa datos ng Office of the President, binubuo ng 35 regular Cabinet members ang Administrasyong Duterte bukod pa sa 6 na Cabinet-Rank Officials ng Administrasyon.

Ayon nga sa Kanyang Kabanalan Francisco “Ang Pulitika ay isa sa pinakamataas na paraan ng pagmamalasakit sa kapwa…” dahil sa pagtutulak sa common good o ang mas makabubuti para sa lahat.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Isa pang state of emergency

 14,654 total views

 14,654 total views Mga Kapanalig, nagdeklara na si Pangulong Bongbong Marcos ng state of national energy emergency sa gitna ng krisis sa langis matapos ang ilang

Read More »

Krisis sa bukid at laot

 14,654 total views

 14,654 total views Mga Kapanalig, sa gitna ng pagdaigdigang krisis sa langis, hindi sumasabay ang lawak ng tulong mula sa gobyerno sa laki ng pangangailangan ng

Read More »

Ano tayo pagkatapos ng krisis?

 14,654 total views

 14,654 total views Mga Kapanalig, “kinamatayan na lang ang ayuda.” Ganito inumpisahan ang balita tungkol kay Tatay Jimmy na tatlong dekada nang namamasada ng tricycle sa

Read More »

Ang kalikasan ay may karapatan

 14,105 total views

 14,105 total views Mga Kapanalig, paano kung ang pagkalbo ng kagubatan, pagbuga ng polusyon, at pagsira sa dagat ay hindi na lang simpleng paglabag sa batas

Read More »

Patibong ng kasamaan

 12,778 total views

 12,778 total views Mga Kapanalig, hindi laging lantad ang kasamaan. Minsan nag-aanyo itong mabuti, maamo, at inosente. Ayon sa 2 Corinto 11:14, “…si Satanas man ay

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top