Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Malacañang, susugurin ng mga magsasaka ng Bataan

SHARE THE TRUTH

 307 total views

Idinaan sa isang kilos-protesta ng mga magsasaka ng Barangay Sumalo, Hermosa, Bataan ang kanilang panawagan sa Department of Agrarian Reform (DAR) sa lupang sakahan na walong taon na nilang pinaglalaban.

Ayon kay Kapitan Rolly Martinez, ang hindi pagpapatupad ng DAR sa inilabas nitong “Notice of Coverage” upang muling okupahin ng mga magsasaka ang 213-hektaryang lupang sakahan na binakuran ng Riverforest Development Corporation noong 2009 ang nagtulak sa kanilang upang magmartsa.

“Hindi po umuusad yung implementasyon dahil may mga pabor siguro yung panginoong may lupa dito sa DAR sa Bataan samantalang sinabi na ng gobyerno at ng batas na ipamahagi na yan sa mga magsasaka.”pahayag ni Martinez.

Iginiit din ni Martinez na mahabang panahon nang sinasaka ng kanilang mga ninuno ang nasabing lupain at hindi makatarungan na ang mga pananim na matagal nilang inaalagaan at pinagpaguran ay iba na ang nakikinabang.

“Hindi na po kami pinapapasok sa lugar, hindi na rin po kami nakakapagsaka, yung mga tinanim po ng mga lolo namin, sila na po yung nag-aani at ang masakit pa po do’n ay maraming kabahayan ang pinag-gigiba nila na inabot sa loob na wala namang order ang korte,” pahayag ni Martinez.

Nagsimula ang pagmamartsa ng mga magsasaka mula sa Bataan, Pampanga at sa kasalukuyan ay patungo sa tanggapan ni DAR Secretary Rafael Mariano kung saan pagkatapos makipagpulong ay didiretso na sa Malacañang upang personal na maipaabot kay Pangulong Rodrigo Duterte ang kanilang hinaing.

Kaugnay nito ay nag-alay ng misa si Diocese of Balanga Environment Concerns Coordinator Fr. Gerry Jorge para sa mga magsasaka ng Sumalo at umapela sa pamahalaan na huwag ipagkait sa mga ito ang lupang naging kanilang kabuhayan sa loob ng maraming taon.

Ang ‘Lakbayan Para Sa Mga Magsasaka ng Barangay Sumalo’ ay kinabibilangan ng mahigit 100 daang magsasaka na nagmamartsa upang ipakita sa pamahalaan ang injustice na kanilang nararanasan.

[smartslider3 slider="20"]

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Pope Francis

 5,508 total views

 5,508 total views Sa pagluluksa ng buong mundo sa pagpanaw ni Pope Francis o Lolo Kiko.. Alamin natin kung paano binago ni Papa Francisco ang “Papacy

Read More »

The Good News

 22,095 total views

 22,095 total views Madalas ito ang ating hinahanap… ang mabuting balita, pero tila hindi pa rin natin ito natatagpuan. Bakit napakailap nating matagpuan, makita o kaya

Read More »

Trend

 23,464 total views

 23,464 total views NAUUSO, SIKAT… Anong Ganap?…Mula sa lifestyle…sa pananamit, sa pisikal na porma…mga gawain ng idolong IDOL group, mga artista., mga personalidad… pinag-uusapan sa barber

Read More »

Maiingay na lata

 31,114 total views

 31,114 total views Mga Kapanalig, nang arestuhin si dating Pangulong Duterte para humarap sa International Criminal Court (o ICC), bumuhos sa social media ang iba’t ibang

Read More »

Edukasyon at kahirapan

 36,618 total views

 36,618 total views Mga Kapanalig, masaya ang administrasyong Marcos Jr na mahigit 90% ng mga Pilipino ang marunong magbasa, magsulat, at magbilang. Ito ang lumabas sa

Read More »

Related Story

Economics
Veritas Team

TRAIN law, anti-poor

 39,973 total views

 39,973 total views Dagok sa mga mahihirap na Filipino ang tuluyang pagsasabatas ng tax reform program. Itinuturing ni CBCP Episcopal Commission on the Laity Chairman at

Read More »
Economics
Veritas Team

Kaligtasan ng IDPs, binigyang halaga

 38,946 total views

 38,946 total views Sumentro sa pagtataguyod ng karapatan ng mga internally displaced persons at kahandaan sa gitna ng sakuna ang paggunita sa International Day for Disaster

Read More »
Economics
Veritas Team

OFW bank, suportado ng CBCP-ECMIP

 39,076 total views

 39,076 total views Ikinatuwa ng Catholic Bishops conference of the Philippines – Episcopal Commission on Migrants and Itinerant People (CBCP-ECMI) ang pagtupad ni Pangulong Rodrigo Duterte

Read More »
Economics
Veritas Team

Sariling komisyon ng mga matatanda

 39,055 total views

 39,055 total views Ito ang hiling ng Federation of Senior Citizens Association of the Philippines, Incorporated sa pamahalaan. Ayon kay FSCAP National Capital Region President Jorge

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top