Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Malaking kawalan ang pagkalas sa ICC

SHARE THE TRUTH

 241 total views

Mga Kapanalig, noong isang linggo tuluyan nang kumalas ang Pilipinas sa kasunduan ng Rome Statute na nagtatag sa International Criminal Court o ICC. Ang ICC ay isang independiyenteng korteng dumidinig sa mga malawakang kaso gaya ng genocide, crimes against humanity, war crimes, at crimes of aggression. Layunin ng korteng ito na masigurong napapanagot ang lahat ng lumalabag sa mabibigat na krimen na nabanggit nang hindi na maulit ang mga ito saan mang bahagi ng mundo.

Dito sa ating bansa, itinuturing ng ilan bilang crime against humanity ang walang tigil na extrajudicial killings o EJKs bunsod ng war on drugs ng administrasyong Duterte. Sa opisyal na tala ng pulisya, nasa 5,000 na ang namatay sa kanilang mga anti-drug operations. Malayung-malayo ito sa 20,000 biktima ng EJK na na-monitor ng mga human rights groups; kasama sa bilang na ito ang mga pinatay ng mga vigilante. Ilang mambabatas, mga kapamilya ng mga napatay sa kampanya, at ang human rights defender na si Atty. Jude Sabio ang pormal na nagpaabot ng impormasyon sa ICC tungkol sa mga patayang ito, at noong Pebrero 2018, inanunsyo ng ICC na uumpisahan na nila ang preliminary examination sa mga kaso ng EJK na ipinabot sa ICC.

Hindi ikinatuwa ni Pangulong Duterte ang naging pahayag na ito ng ICC, at ito ang naging dahilan ng ating pagkalas dito. Kinuwestyon sa Korte Suprema ng mga senador na kabilang sa oposisyon at ng Philippine Coalition for the International Criminal Court ang desisyong ito ng ating pamahalaan. Ayon sa kanila, labag sa Konstitusyon ang pag-alis sa ICC dahil dapat muna itong sang-ayunan ng Senado. Masaklap na naunang naging epektibo ang pag-alis natin sa ICC bago pa man mag-umpisa ang deliberasyon sa Korte Suprema.

Mga Kapanalig, naniniwala ang Simbahang mahalaga para sa isang bansa ang makilahok sa isang pandaigdigang komunidad upang makamit natin ang universal common good o pangkalahatang kabutihan. Ang pagpasok natin sa mga pandaigdigang kasunduan katulad ng Rome Statute ay pagpapakita ng ating pakikiisa sa pandaigdigang komunidad. Ito ay karagdagang pananggalang laban sa pagyurak sa ating dignidad at mga karapatang pantao. Sa pamamagitan nito, maari nating mapanagot ang mga lider na nagpapatupad ng mga patakarang lumalabag sa ating mga karapatan. Mahalaga para sa ating mga Kristiyano ang pagtatanggol sa ating mga karapatan dahil bahagi ito ng ating dignidad bilang tao.

Hindi layunin ng pandaigdigang komunidad na saklawan ang kasarinlan ng mga bansa o ang awtoridad ng mga pinuno. Layunin ng pagkakaroon ng pandaigdigang komunidad na tiyaking makakamit ng mga bansa ang kaunlaran sa paraang angkop sa mga mamamayan. Hangad din ng pandaigdigang komunidad na magampanan ng mga mamamayan at ng kanilang lider ang kanilang mga tungkulin nang walang banta sa kanilang seguridad. Pagkakaisa o solidarity, na isang prinsipyo ng Catholic social teaching, ang tuntungang prinsipyo ng pakikilahok natin sa pandaigdigang komunidad. Kung nakikiisa tayo sa ibang bansa, lalakas ang kakayanan ng ating bansang tugunan ang pangangailangan ng mamamayan at itaguyod ang kabutihan ng lahat.

Mga Kapanalig, sabi nga ni Pope Francis, hindi natin mararating ang isang kinabukasang malaya ang mga tao kung hindi natin hinahangad ang kabutihan ng lahat. At kaakibat nito ang pakikibahagi natin sa pandaigdigang pamayanan. Kaya’t malaking kawalan ang ating pagkalas sa ICC dahil nabawasan tayo ng isang proteksyon laban sa mga banta sa ating mga karapatang pantao na mahalagang itinataguyod para sa kabutihan ng lahat. Ito ba ang pagbabagong inaasam natin bilang isang bayan? Paano natin maaabot ang isang kinabukasang malaya tayong lahat kung hahayaan nating mamayagpag ang kultura ng karahasan at patayan, at kung tatanggapin na lamang natin ang pagmamataas ng ating mga lider at ang pagsasantabi nila sa pandaigdigang komunidad.

Sumainyo ang katotohanan.

Screenshot 2024-04-26 121114
ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Green Transport

 9,242 total views

 9,242 total views Kapanalig, marami ang nagpapasalamat ngayon na may opsyon na tayong maka-work from home. Ang public transport sa ating mga syudad ngayon ay lubhang malupit na, lalo para sa mga maralitang Pilipino. Dahil sa iba iba ang uri ng ating kabuhayan, marami pa rin sa atin ang no choice – kapit patalim, kapit tuko

Read More »

Inclusive Education

 15,215 total views

 15,215 total views Kapanalig, isa sa mga senyales na maganda ang kalidad ng edukasyon sa isang lipunan ay ang pagiging inclusive o mapagbilang nito – yung lahat ay may ready access kahit saan man siya nandoon, kahit ano pang kasarian niya, at kakayahan. Kasama dito, kapanalig, ang access ng mga vulnerable populations at disabled people. Kung

Read More »

Sports at Kabataan

 20,970 total views

 20,970 total views Kapanalig, katatapos lamang ng Palarong Pambansa – isang national activity, na sana’y lagi nating nabibigyan ng suporta. Malaking bagay ito, hindi lamang para sa mga kabataan, kundi para sa nation building at national pride. Kailangang manatiling malaki at mahalaga ang papel ng sports sa buhay ng kabataan sa sa ating bansa. Unang una,

Read More »

Responsableng kasiyahan

 28,233 total views

 28,233 total views Mga Kapanalig, humupa na ang kontrobersyal na pagdiriwang ng tinatawag na “Wattah Wattah Festival” sa Lungsod ng San Juan.  Halos isang buwan na rin ang nakalipas nang ipagdiwang ito ng mga kababayan natin sa San Juan. Kasama sa tradisyon tuwing sumasapit ang kapistahan ni San Juan Bautista ang basaan ng mga namimiyesta. Iyon

Read More »

Kalidad ng pagtuturo

 36,217 total views

 36,217 total views Mga Kapanalig, itinalaga na ni Pangulong Bongbong Marcos, Jr si Senador Juan Edgardo “Sonny” Angara bilang bagong kalihim o secretary ng Department of Education kapalit ni Vice President Sara Duterte. Sa isang editoryal, binanggit natin ang kahilingan ng ilang grupo ng mga guro na sana, ang bagong kalihim ng DepEd ay isang educator

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Green Transport

 9,243 total views

 9,243 total views Kapanalig, marami ang nagpapasalamat ngayon na may opsyon na tayong maka-work from home. Ang public transport sa ating mga syudad ngayon ay lubhang malupit na, lalo para sa mga maralitang Pilipino. Dahil sa iba iba ang uri ng ating kabuhayan, marami pa rin sa atin ang no choice – kapit patalim, kapit tuko

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Inclusive Education

 15,216 total views

 15,216 total views Kapanalig, isa sa mga senyales na maganda ang kalidad ng edukasyon sa isang lipunan ay ang pagiging inclusive o mapagbilang nito – yung lahat ay may ready access kahit saan man siya nandoon, kahit ano pang kasarian niya, at kakayahan. Kasama dito, kapanalig, ang access ng mga vulnerable populations at disabled people. Kung

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Sports at Kabataan

 20,971 total views

 20,971 total views Kapanalig, katatapos lamang ng Palarong Pambansa – isang national activity, na sana’y lagi nating nabibigyan ng suporta. Malaking bagay ito, hindi lamang para sa mga kabataan, kundi para sa nation building at national pride. Kailangang manatiling malaki at mahalaga ang papel ng sports sa buhay ng kabataan sa sa ating bansa. Unang una,

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Responsableng kasiyahan

 28,234 total views

 28,234 total views Mga Kapanalig, humupa na ang kontrobersyal na pagdiriwang ng tinatawag na “Wattah Wattah Festival” sa Lungsod ng San Juan.  Halos isang buwan na rin ang nakalipas nang ipagdiwang ito ng mga kababayan natin sa San Juan. Kasama sa tradisyon tuwing sumasapit ang kapistahan ni San Juan Bautista ang basaan ng mga namimiyesta. Iyon

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kalidad ng pagtuturo

 36,218 total views

 36,218 total views Mga Kapanalig, itinalaga na ni Pangulong Bongbong Marcos, Jr si Senador Juan Edgardo “Sonny” Angara bilang bagong kalihim o secretary ng Department of Education kapalit ni Vice President Sara Duterte. Sa isang editoryal, binanggit natin ang kahilingan ng ilang grupo ng mga guro na sana, ang bagong kalihim ng DepEd ay isang educator

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Mga payaso sa sirko

 35,715 total views

 35,715 total views Mga Kapanalig, may kasabihan sa Ingles na “elect a clown, expect a circus.” Kapag bumoto raw tayo ng mga payaso, asahan nating magiging sirko ang gobyerno.  Pasintabi po sa mga ang hanapbuhay ay ang pagiging payaso. Ipinaaalala lamang ng kasabihang ito kung gaano kaseryoso ang paggiging lingkod-bayan. Ang pagsisilbi sa pamahalaan ay hindi

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

BPO industry

 47,719 total views

 47,719 total views Kapanalig, hindi natin maitatanggi, ang laking tulong, ginhawa, at pag-asa ang dinala Business Process Outprocessing industry o BPO, sa maraming manggagawang Filipino. Nabigyan ng opsyon ang marami nating mga mamamayan – graduate, o bagong graduate, middle aged, o kahit retired na, part-time, full-time – marami ang nagkaroon ng pagkakataon kumita dahil dito. Nakakapamili

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Balik Probinsya

 55,761 total views

 55,761 total views Kapanalig, marami ngayong Filipino ang nahahalina at pumipiling magbuhay probinsya. Malaking pagbabago ito, dahil bago mag pandemic, ang ating mga syudad, partikular na ang National Capital Region ang pangunahing migration destination sa ating bayan. Trabaho ang pangunahing rason – sa mga syudad kasi makikita ang karamihan sa mga oportunidad sa bayan. Pero iba

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kuryente

 47,318 total views

 47,318 total views Kapanalig, kahit ano pang pagpipikit mata natin o bulagbugan, hindi natin matitiis na ang mahal ng halaga ng kuryente sa ating bansa. Lalo ngayon kapanalig, na tumataas ang halaga ng dolyar, pihado, madarama na natin ang panibagong aray sa kuryente. Nauna na nga ang pasakit ng halaga ng krudo at gas, hindi ba?

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Nutrisyong sapat para sa lahat

 45,743 total views

 45,743 total views Mga Kapanalig, ang buwan ng Hunyo ay Nutrition Month batay sa Presidential Decree No. 491 noong 1974. Ngayong taon, ibinibida ng National Nutrition Council ang Philippine Plan of Action for Nutrition (o PPAN) sa selebrasyon ng Nutrition Month, na may temang “Sa PPAN: Sama-sama sa nutrisyong sapat para sa lahat!”. Ano nga ba

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ipagtanggol ang mga katutubong tagapagtanggol

 47,529 total views

 47,529 total views Mga Kapanalig, noong Hunyo pinaputukan ng isang armadong grupo ang mga katutubong residente ng Maria Hangin Island sa Balabac, Palawan.  Nangyari ang insidenteng ito isang araw matapos pigilan ng mga residente ang mga tauhan ng Department of Agrarian Reform (o DAR) na dumaong sa isla. Magsagawa sana noon ng konsultasyon ang DAR, kasama

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Umento sa sahod ng mga manggagawa

 44,454 total views

 44,454 total views Mga Kapanalig, inapubahan bago matapos ang Hunyo ng Regional Tripartite Wages and Productivity Board ang ₱35 na dagdag sa arawang sahod ng mga manggagawa dito sa National Capital Region (o NCR). Mula ₱610 ay magiging ₱645 ang minimum daily wage ng mga non-agricultural workers sa rehiyon.  Dismayado dito ang ilang labor groups. Para

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Irigasyon

 58,768 total views

 58,768 total views Kapanalig, ang Pilipinas ay isang bansang agrikultural na lubos na umaasa sa pagsasaka para sa kabuhayan ng maraming mamamayan. Ang irigasyon, o ang sistematikong pamamahagi ng tubig sa mga taniman, ay isang mahalagang aspeto ng agrikultura na may malaking epekto sa produksyon ng mga pananim, seguridad ng pagkain, at pangkalahatang pag-unlad ng bansa.

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Lifelong learning skills

 62,458 total views

 62,458 total views Kapanalig, sa ating digital world ngayon, maraming mga disruptions at mabilis ang pagbabago. Maraming mga imbensyon at inobasyon ang sumusulpot at umuusbong na nagbabago ng ating way of life at way of doing business. Kapag ang mamamayan ay hindi handa dito, lagi tayong mahuhuli at mahihirapan mag transisyon. Change, kapanalig, is constant. At

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Brain drain

 61,061 total views

 61,061 total views Dahil nasa digital age na tayo ngayon, ang mga science-based at digital industries ang karaniwang nangunguna sa merkado. Dahil sa malaking pagbabago na ito, ang mga uri ng trabaho na kailangan sa job market ngayon ay kinakailangan mas maraming scientists, engineers, programmers, IT specialists, at ibang kaugnay na trabaho. Ayon nga sa UNESCO

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top