Programa ng pamahalaan para sa mga OFW, kinilala ng CBCP-ECMI

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 696 total views

Kinilala ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines ang mga hakbang na ginagawa ng pamahalaan upang mapangalagaan ang kapakanan ng mga Filipinong manggagawa sa ibayong dagat.

Ayon kay Balanga Bishop Ruperto Santos, Chairman ng CBCP – Episcopal Commission on Migrants and Itinerant People (CBCP-ECMI) malaki ang maitutulong ng nilagdaang kasunduan sa pagitan ng Pilipinas at Japan na maiwasan ang iligal na pagtrabaho ng mga Overseas Filipino Worker sa ibang bansa.

“We, at the CBCP-ECMI, are grateful and appreciative with their caring efforts to promote and safeguard our OFWs,” mensahe ni Bishop Santos sa Radio Veritas.

Batay sa nilagdaang Memorandum of Cooperation sa pagitan ng dalawang bansa, palalakasin ang maayos na pangangalaga sa kapakanan ng mga OFW sa Japan sa ilalim ng bagong specified skills residency sa nasabing bansa.

Sa pahayag ni Department of Labor Secretary Silvestre Bello III, layunin ng kasunduan na maiwasan ang kumakalat na illegal recruiters na nambibiktima ng mga Filipinong nangangarap maghanapbuhay sa ibayong dagat at sinasamantala ang pangangailangan ng iba.

Iginiit ni Bishop Santos na mas mapapabuti ang kalagayan ng mga OFW sa Japan sa ilalim ng kasunduan dahil magagabayan sila sa wastong proseso.

“It is recommendable, very valuable and so helpful the signing of memorandum of cooperation between our country and Japan for the welfare and wellbeing. With this our OFWs to be hired will be truly guided for the process of recruitment and deployment, they will be properly guarded and protected from illegal recruitments.” dagdag ni Bishop Santos.

Pinangunahan ang paglagda ng MOC noong ika – 19 ng Marso nina Labor Secretary Silvestre Bello III at Japanese Justice Minister Takashi Yamashita na ginanap sa Tokyo Japan.

Sa pagtaya ng kalihim, 30 porsyento sa higit 350, 000 trabahong bubuksan sa Japan ang pakikinabangan ng mga Filipino skilled worker simula sa ika – 11 ng Abril.

Sa ilalim ng kasunduan, magsisilbing contact point para sa pagproseso at accreditation ang Philippine Overseas Employment Administration (POEA) habang ang Philippine Labor Overseas Labor Office (POLO) – Japan naman ang mangangasiwa sa beripikasyon ng mga dokumento ng bawat OFW, onsite coordination at mamahala sa kapakanan ng mga manggagawa.

Sa huling tala ng pamahalaan noong Hunyo 2018, nasa 280, 000 ang bilang ng mga Filipinong nagtatrabaho sa Japan kung saan higit 30, 000 dito ay mga professional at high skilled workers.

Ikinatuwa ni Bishop Santos ang pagkilala ng dayuhang bansa sa talento at kakayahan ng mga Filipino kung saan kaakibat ng kasipagan ay ang dedikasyon at pagmamalasakit sa trabaho.

“With hiring of ‘specified skilled workers’ is recognition of the qualifications of our OFWs as highly knowledgeable, trustworthy and dependable workers,” saad ni Bishop Santos.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ang fourth estate

 75,630 total views

 75,630 total views Mga Kapanalig, may apat na institusyong itinuturing na haligi o pillars of democracy. Kabilang dito ang tatlong sangay ng gobyerno—ang ehekutibo, ang lehislatura,

Read More »

Bantay ng bayan

 119,238 total views

 119,238 total views Mga Kapanalig, dahil na rin sa pang-aabuso sa kapangyarihan ng mga nasa pamahalaan noong isinailalim ang Pilipinas sa batas militar o martial law,

Read More »

BAGSAK ANG MAHIHIRAP

 201,899 total views

 201,899 total views Kapanalig, sa mataas na halaga ng mga produktong petrolyo, sino ang pinaka-apektado? Kapanalig, sa patuloy na pagtaas ng halaga ng mga produktong petrolyo

Read More »

SHORT CHANGE

 213,336 total views

 213,336 total views Kapanalig, sinasabi ng Merriam dictionary…, ibig sabihin ng “short change” ay to deprive of or give less than something due: CHEAT Sa kabila

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top