Malaking kontribusyon ng mga OFW sa ekonomiya ng Amerika, kilalanin

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 863 total reads

Nanawagan ang CBCP – Episcopal Commission on Migrants and Itinerant People kay US President Donald Trump na kilalanin ang mga nai-ambag na kontribusyon ng mga Overseas Filipino Workers sa paglago ng ekonomiya at trabaho sa Amerika.

Ito’y matapos pirmahan ni Trump ang anti – immigrants executive order na pumipigil na makapasok sa kanilang teritoryo ang mga galing sa pitong bansa na mayorya ay mga Muslim.

Ayon kay Balanga, Bataan Bishop Ruperto Santos, chairman ng komisyon, kilala ang mga OFWs sa pagiging masipag sa trabaho, pagsunod sa mga batas at kaugalian ng bansang kanilang pinaglilingkuran.

Umaasa si Bishop Santos na makilala nawa ni Pangulong Trump ang kontribusyon ng mga OFW para sa ikauunlad ng Amerika at kaisa din ang mga Pilipino sa kampanya tungo sa usaping kapayapaan.

“Our OFWs are known for being very respectful to the laws and customs of their host countries, for their being responsible to their duties and tasks. Continue to be that way and there is nothing to be afraid and worried about. And also we in the CBCP ECMI pray that host countries, the new Trump Administration will recognize the huge contribution of Filipinos for the greatness of America and realize we are faithful partners for peace and progress.” bahagi ng pahayag ni Bishop Santos sa Radyo Veritas.

Samantala, sa tala ng Pew Research Center tumanggap ang America ng mahigit 80 libong refugees sa kanilang fiscal year na natapos noong Setyembre ng nakaraang taon.

Ang naturang bilang ay kumakatawan sa mabilis na paglago ng bilang ng mga immigrants mula taong 2002 na halos 27 libo lamang na refugees ang kanilang tinanggap matapos ang 9/11 terror attack sa Estados Unidos.

Naunang nanindigan ang Department of Foreign Affairs at University of Asia and the Pacific Professor at Veritas846 senior economic advisor Prof. Bernie Villegas na walang dapat ikabahala ang Filipino community sa Amerika sa paghihigpit ng Trump administration sa mga immigrants.

Read: http://www.veritas846.ph/dfa-hindi-nababahala-sa-banta-ni-trump-vs-tnts/
http://www.veritas846.ph/deportation-ng-mga-ofw-sa-amerika-ipinagkibit-balikat-ng-dfa/

Nabatid ng Veritas 846 research team na noong taong 2011, mahigit sa 1.8-milyon ang mga Filipino immigrants ang naninirahan sa Estados Unidos na kumakatawan sa mahigit 4 na porsiyento ng lahat ng mga immigrants.

Nauna na ring hinimok ng kanyang Kabanalan Francisco ang mga malalaking bansa na kupkupin ang mga refugees na nakararanas ng kaguluhan sa kanilang sariling bayan at naghahanap ng bagong opurtunidad at kapayapaan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

WALANG KAHIHIYAN

 66,640 total reads

 66,640 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 145,387 total reads

 145,387 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 178,834 total reads

 178,834 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 214,131 total reads

 214,131 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 437,918 total reads

 437,918 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo

 297,996 total reads

 297,996 total reads AVT Liham Pastoral: Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo Wika ng Panginoong Jesus: “Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo. Ang aking kapayapaan ang

Read More »

Our dear people in government

 408,962 total reads

 408,962 total reads CBCP Statement for official release at 12 noon today: “Nothing is concealed that will not be revealed, nor secret that will not be

Read More »
Scroll to Top