Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Malaking tungkulin ng Radio Veritas sa paghahatid ng mabuting balita, kinilala

SHARE THE TRUTH

 455 total views

April 12, 2020, 11:17AM

Inihayag ni Manila Apostolic Administrator Bishop Broderick Pabillo na patuloy lumikha at naging bahagi ng kasaysayan ang himpilan ng katotohanan ang Radyo Veritas 846.

Sa mensahe ng obispo sa ika – 51 anibersaryo ng himpilan binigyang pansin nito ang malaking tungkulin ng Radyo ng Simbahan sa paghahatid ng mga banal na gawain lalo na sa paggunita ng pagpapakasakit, pagkamatay at muling pagkabuhay ni Hesus gayundin sa gitna ng ipinatupad ng enhanced community quarantine.

“Bahagi tayo ng kasaysayang ito ng naranasan ngayon, makikita dito kung gaano kalaki ang serbisyo ng Radio Veritas sa pagdala ng pananampalataya sa bawat tahanan lalo ngayong panahon ng quarantine,” mensahe ni Bishop Pabillo sa Radio Veritas.

Unang kinilala ang Radio Veritas sa naganap na EDSA People Power 1 noong dekada 80 nang tuluyang bumaba sa posisyon si dating pangulong Ferdinand Marcos makaraan ang mapayapang pagtitipon kasunod ng panawagan ni Cardinal Jaime Sin na noo’y arsobispo ng Maynila sa Radio Veritas.

Sa kasalukuyan ng paglikha ng panibagong kasaysayang dulot ng corona virus disease, patuloy din ang paglilingkod ng Radio Veritas sa mamamayang Filipino hindi lamang sa Pilipinas kundi sa buong daigdig sa paghahatid ng mga totoong balita’t impormasyon at higit sa lahat ang pagpapalaganap ng Mabuting Balita ng Panginoon.

Sa mensahe naman ni Radio Veritas President Reverend Father Anton CT Pascual, tiniyak nito ang patuloy na paghahatid serbisyo ng Kapanalig na himpilan sa gitna ng krisis.

“Mga Kapanalig sa harap ng pandemya tayo ay nagpapasalamat sa Diyos sa biyaya ng buhay at sa biyaya ng ating Radio Veritas na nagiging instrumento ng pagpapalaganap ng katotohanan at pag-asa, tulungan at damayan lalo na sa panahon ngayon ng matinding pandemya,” pahayag ni Fr. Pascual sa Radio Veritas.

Kaisa ang himpilan sa pagtugon sa pangangailangan ng mga mamamayan katuwang ng Caritas Manila kung saan noong ikaanim ng Abril nagsagawa ng Alay Kapwa COVID 19 Telethon 2020 at nakalikom ng mahigit 2 milyong piso na karagdagang pondo para sa isasagawang relief operations sa apektado ng ECQ.

Hiling ni Fr. Pascual sa mamamayan ang patuloy na panalangin at suporta para sa himpilan na naglilingkod sa bayan ng Diyos.

“Suportahan po natin ang radio Veritas upang ito ay manatiling sandigan ng katotohanan na siyang magpapalaya sa atin at ng pag-ibig ng Diyos na nagmamalasakit sa mga mahihirap, mga maysakit at mga nasa laylayan ng lipunan,” giit ni Fr. Pascua

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Hindi sapat ang siyensya lamang

 70,503 total views

 70,503 total views Mga Kapanalig, para maiwasan na ang mga palpak na flood control projects, bumuo si DPWH Secretary Vince Dizon ng isang technical working group

Read More »

Wakasan ang OSAEC at CSAEM!

 102,498 total views

 102,498 total views Mga Kapanalig, ang buwan ng Nobyembre ay National Children’s Month. Sa pangunguna ng Council for the Welfare of Children, ang pagdiriwang ng buwan

Read More »

Public service is a public trust

 147,290 total views

 147,290 total views Mga Kapanalig, inilabas na ng lahat ng 24 na senador ang kanilang Statement of Assets, Liabilities, and Net Worth (o SALN). Ang SALN

Read More »

Moro-Moro Lamang

 170,262 total views

 170,262 total views Kapanalig, ganito maihalintulad ang naganap at nagaganap na imbestigasyon ng Mababang Kapulungan ng Kongreso, Senado, Independent Commission on Infrastructure at maging ng Office

Read More »

Holiness Is Not Boring

 185,660 total views

 185,660 total views Napakahalaga para sa Simbahang Katolika ang buwan ng Nobyembre, taun-taon ginugunita ng Santa Iglesia ang “All Saint’s Day” o tinatawag na “All Hallows

Read More »

Watch Live

LATEST NEWS

Latest News
Jerry Maya Figarola

Laban kontra OSAEC, paiigtingin ng PIMAHT at IJM

 9,274 total views

 9,274 total views Paiigtingin ng Philippine Interfaith Movement Against Human Trafficking (PIMAHT) at International Justice Mission (IJM) ang paglaban sa Online Online Sexual Abuse o Exploitation

Read More »

RELATED ARTICLES

Another blessing for Radyo Veritas

 6,361 total views

 6,361 total views The Radyo Veritas Management is blessed to share another milestone of the organization–the new Radyo Veritas transmitter site in Longos, Meycauyan, Bulacan. It

Read More »

Eucharistic Renewal: A Call to Truth

 21,386 total views

 21,386 total views As Catholic communicators and members of the mainstream media, our sacred role is to tell the truth, the whole truth, even when it

Read More »

Hindi pagdalo ng mga RP ng Kamara, binatikos

 24,084 total views

 24,084 total views Binatikos ng mambabatas sa Mababang Kapulungan ang hindi pagdalo ng mga inanyayahang resource person sa pagdinig ng House Tri-Committee kaugnay sa paglaganap ng

Read More »
Scroll to Top