Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

 408 total views

Homiliya Para sa Ikaanim na Linggo ng Pagkabuhay, ika-22 ng Mayo 2022, Juan 14:23-29

May natutunan akong salitang Tagalog sa bokabularyo ng mga Batangueno: ang salitang MALIGALIG. Ang ibig sabihin daw pala nito para sa mga taga-Southern Tagalog ay MAKULIT, MAGULO, PROBLEMADO, o iyung tipong DI-MAPAYAPA. “Ala-e bat ba kanina ka pa parang turumpo dya-an, ba’t ba ikaw e napaka-maligaleig?”

Ang ebanghelyo natin ngayon ay tungkol sa mga bagay na nakaliligalig sa atin dito sa mundo, at ang sikretong dapat nating matutunan o pag-aralan upang tayo’y MAPAYAPA. Pero bago iyon, itanong muna natin, ano ba ang madalas na nakaliligalig sa atin, o mga bagay na nagiging dahilan kung bakit kung minsan parang nababalisa tayo, naguguluhan o parang hindi mapayapa?

Apat na dahilan ang ibinibigay ni Hesus sa ebanghelyo natin ngayon. Mga bagay na nagdudulot ng pagkaligalig ng ating kalooban. Magkakarugtong ang apat na ito.

Una, pag may binitawan tayong salita pero hindi natin tinutupad ito. Pangalawa, kapag hindi natin tinutupad ang ating salita dahil nakakalimutan natin ang mga salitang binitawan natin, o sadyang nililimot natin. Pangatlo, kapag nababalisa ang loob natin o inuusig tayo ng konsensya dahil sa di-pagtupad na dulot ng pagkalimot. At pang-apat, kapag inuunahan na tayo ng takot na mawalan—mawalan ng mahal sa buhay, ng kayamanan, ng alaala, o mawalan ng katinuan. Ang mga taong insecure sa mundo ay mananatiling maligalig.

Ang sagot ni Hesus sa lahat ng apat na ito na dahilan ng pagkaligalig ay ang regalo niyang KAPAYAPAAN. Kung napansin ninyo, sa bawat Misa, inuulit natin ang mga salitang ito ni Hesus matapos na dasalin natin ang AMA NAMIN. Una dinadasal ng pari, “Hinihiling namin na kami’y iadya sa lahat ng masama, pagkalooban ng kapayapaan araw-araw, iligtas sa kasalanan at ilayo sa kapahamakan…”

Pagkatapos, bago siya bumati ng kapayapaan, dinadasal din ng pari, “Panginoong Hesukristo sinabi mo sa iyong mga apostol: kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo ang aking kapayapaan ang ibinibigay ko sa inyo…” Hiniram ang dasal na ito sa ebanghelyo natin ngayon.

Dito niya sinasabi na ang kapayapaang kaloob niya ay di-tulad ng kapayapaang dulot ng daigdig. Iyan ang tipo ng kapayapaang pinanghahawakan ng mga nananalig sa siguridad na maibibigay ng kayamanan. Iyung umaasa sa siguridad na dulot ng armas o sandata o baril bilang depensa katulad ng ginagawa ngayon ng ibang mga bansa sa Europa. Parang lahat nagpapaampon ngayon sa NATO dahil sa pag-atakeng ginawa ng Russia sa Ukraine. Ito ang mentalidad ng mga walang maisip na panlaban sa karahasan kundi karahasan. Pero ang ganyan, imbes na mapayapa, lalong naliligalig. Kasi, alam din nila na pag may nasaktan sila, gagantihan din sila ng mga ito pagdating ng panahon.

So ano ang susi ng tunay na kapayapaan para kay Hesus? Hindi ito sa atin nakasalalay kundi sa Diyos. Ito ay biyaya. At ito ang gusto niyang iregalo sa atin sa pamamagitan ng Espiritu Santo. Ano ba ang ituturo sa atin ng Espiritu Santo na siya lang makapagdudulot sa atin ng kapayapaan?

Una, tuturuan niya tayong tumupad ng ating salita. Ito ang madalas na maging sanhi ng problema sa daigdig. Kapag hindi mo mapagkatiwalaan ang salita ng tao dahil laging salungat na ang sinasabi sa iniisip o ginagawa. Nadadala ang tao kapag ang mga pangako ay napapako. Hindi mabubuo ang pagkatao ng taong walang isang salita. Kaya palaang tawag natin sa mga taong marunong tumupad ng salita ay MAY INTEGRIDAD. Ibig sabihin, buo, hindi hati ang pagkatao.

Pangalawa, dahil ang madalas na maging dahilan ng hindi pagtupad sa salita ay pagkalimot, sabi ni Hesus, ang Espiritu Santo daw ang magpapaalala sa atin. Kaya siguro taon-taon sinasariwa natin ang mga pangako natin, isinasaritwal natin, sinisimbolo natin, sinusuot natin katulad ng singsing, dahil alam natin, tulad nga ng sabi ng kanta, “Ang tao’y marupok kay daling lumimot.” Hindi ba may kasabihan, “Those who do not remember the past are doomed to repeat it?”

Pangatlo, aalisin ng Espiritu ang mga takot at pangamba upang mapanatag ang atin loob. Totoo namang mga takot ang madalas maging dahilan kung bakit di tayo makatulog, hindi mapanatag, o hindi makatagpo ng katiwasayan sa buhay.

At pang-apat, tuturuan tayo ng Espiritu ng pinakamabisang susi ng kapayapaan: ang tiwala sa Diyos. Maghahanap talaga tayo ng kakapitan kapag wala tayong tiwala na may sasalo sa atin pag tayo’y nahulog. Kaya tinuturuan niya tayong bumitaw, na huwag kumapit sa mga bagay na lumilipas.

Sa buhay daw ng isang agila, kapag nabubuo na ang mga pakpak nito, unti unti siyang iniiwan ng nanay at tatay niya. Minsan, hahayaan siyang magutom at hindi muna dadalhan ng pagkain para matutong lumabas sa pugad. Hahayaan siyang mahulog mula sa pugad habang nakabantay ang tatay niya sa may kalayuan para saluhin siya sa mga unang pagkahulog. Uulit-ulitin daw ito hanggang sa matutuhan niyang gamitin ang kanyang mga pakpak. Parang malupit, pero paraan lang pala ito ng ama para turuan tayong lumipad. Iyun pala ang sinasabi ng kinakanta natin sa simbahan na galing sa Salmo:

“And He will raise you up on eagles’ wings, bear you on the breath of dawn, make you to shine like the sun and hold you in the palm of his hand.”

Screenshot 2024-04-26 121114
ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

‘Buwis-buhay’ para sa mga PWD

 3,809 total views

 3,809 total views Mga Kapanalig, nag-viral ang PWD ramp sa isang istasyon ng EDSA Busway sa Quezon City. Sa inauguration na ginawa ng Department of Transportation at Metropolitan Manila Development Authority (o MMDA), maraming nakapansing tila masyadong matarik at madulas ang bagong rampa  para mga persons with disability (o PWD). Batay sa Batas Pambansa (o BP)

Read More »

Saan aabot ang ₱20 milyon ng SONA?

 11,290 total views

 11,290 total views Mga Kapanalig, ngayon ang ikatlong State of the Nation Address (o SONA) ni Pangulong BBM. Bago ang araw na ito, naging usap-usapan ang inilaang 20 milyon pisong budget para sa okasyong ito. Ayon kay House Secretary-General Reginald Velasco, ang budget na ito ay gagamitin daw para sa mga sumusunod: pagkain at inumin ng

Read More »

Green Transport

 24,430 total views

 24,430 total views Kapanalig, marami ang nagpapasalamat ngayon na may opsyon na tayong maka-work from home. Ang public transport sa ating mga syudad ngayon ay lubhang malupit na, lalo para sa mga maralitang Pilipino. Dahil sa iba iba ang uri ng ating kabuhayan, marami pa rin sa atin ang no choice – kapit patalim, kapit tuko

Read More »

Inclusive Education

 30,403 total views

 30,403 total views Kapanalig, isa sa mga senyales na maganda ang kalidad ng edukasyon sa isang lipunan ay ang pagiging inclusive o mapagbilang nito – yung lahat ay may ready access kahit saan man siya nandoon, kahit ano pang kasarian niya, at kakayahan. Kasama dito, kapanalig, ang access ng mga vulnerable populations at disabled people. Kung

Read More »

Sports at Kabataan

 36,158 total views

 36,158 total views Kapanalig, katatapos lamang ng Palarong Pambansa – isang national activity, na sana’y lagi nating nabibigyan ng suporta. Malaking bagay ito, hindi lamang para sa mga kabataan, kundi para sa nation building at national pride. Kailangang manatiling malaki at mahalaga ang papel ng sports sa buhay ng kabataan sa sa ating bansa. Unang una,

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

REVELATION TO THE CHILDLIKE

 976 total views

 976 total views Homily for Wed of the 15th Wk in OT, 17 July 2024, Isa 10:5-7, 13b-16; Mt 11:25-27 Our first reading today is a grim warning to modern-day world powers who bully their neighbors. It is a good reminder for nations that have become economically prosperous and militarily powerful to the point of throwing

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

APOSTOL, SUGO, KINATAWAN

 977 total views

 977 total views Homiliya Para sa Ika-15 Linggo ng Karaniwang Panahon, 16 Hulyo 2024, Markos 6:7-13 Nais ko sana na itutok natin ang ating pagninilay sa araw na ito sa kahulugan ng pagiging “apostol”. Alam ko na ang karaniwang iniuugnay natin sa salitang “apostol” ay ang 12 lalaki na pinili ni Hesus mula sa kanyang mga

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

BUEN CAMINO

 3,731 total views

 3,731 total views Homiliya para sa Huwebes, 11 Hulyo 2024, Paggunita kay San Benito, Mt 10:7-15 Noong nakaraang Martes, nag-bonding kami ng kapatid kong panganay. Umabot ng tatlong oras ang tanghalian namin dahil nagkuwento siya tungkol sa naranasan niyang paglalakad sa camino ng Compostela nitong nakaraang buwan. Biro niyo, sa edad na 78 ay naglakad siya

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

IN JESUS’ NAME

 8,146 total views

 8,146 total views Homily for Wed of the 13th Wk in Ordinary Time, 10 July 2024, 18th Episcopal Ordination Anniversary, Mk 10:1-7 On Thursday last week, the final day of the annual retreat of the CBCP, we has as main presider at the Eucharistic Celebration the Secretary of the Holy See’s Relations with States, Abp. Paul

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

KATATAGAN

 3,472 total views

 3,472 total views Homiliya para sa Huwebes sa Ikalabindalawang Linggo ng Karaniwang Panahon, 27 Hunyo 2024, Mat 7:21-29 “Malapit na ang giyera!” Ito ang babala ng mga propeta sa Jerusalem. Pero walang sumiryoso sa babala nila. Hanggang minsan isang araw bigla na lang nagkatotoo. Ang katuparan ng malagim na hula ay ang malungkot na kuwentong narinig

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

THE HEART AND THE EYE

 3,995 total views

 3,995 total views Homily for Friday of the 11th Wk in Ordinary Time, 21 June 2024, Mt 6:19-23 Today’s Gospel makes me understand the expression, “His heart is in the right place.” The idiom is understood to mean “He has good intentions despite his flaws and mistakes.” Or “He has shortcomings but he is sincere and

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

GOD THE FARMER

 5,494 total views

 5,494 total views Homiliya para sa Ika-11 Linggo ng Karaniwang Panahon, 16 Hunyo 2024, Mk 4:26-34 Dalawang punto lang ang mungkahi kong pagnilayan natin tungkol sa mga talinghagang narinig natin sa ebanghelyo ngayon. Una, ang Diyos ang magsasaka, ang salita niya ang binhi. Pangalawa, tayo mismo ay para ding mga binhi. Simulan natin sa una. Ang

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

GO OUTSIDE!

 6,338 total views

 6,338 total views Homily for Friday of the 10th Week in Ortdinary Time, 14 June 2024, 1 Kings 19; Mt 5:27-32 Like I told you yesterday, the drama in the life and mission of the prophet Elijah—which has been read from the first book of Kings for the past few days now—continues today with chapter 19.

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

MAGDILANG ANGHEL

 4,593 total views

 4,593 total views Homiliya para sa Misang Paggunita kay San Antonio de Lisbon, 13 Hunyo 2024, Mt 5:20-26 “Magdilang-anghel ka nawa!” Ito ang sinasabi natin sa Pilipino pag may binigkas na hula ang iba na ibig nating magkatotoo. Isang taong may dilang anghel, ito ang turing ng mga taga-Padua kay San Antonio dahil sa tindi ng

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

SAN ANTONIO DE LISBON

 8,806 total views

 8,806 total views Homiliya para sa Bihilya sa Kapistahan ni “San Antonio de Padua,” Miyerkoles sa Ikasampung Linggo ng Karaniwang Panahon, 12 Hunyo 2024, Mat 5, 17-19 Salamat sa Marian pilgrimage ng Kaparian ng Kalookan, bukod sa dalaw namin sa lugar na pinangyarihan ng aparisyon ng Birhen sa Fatima, nakadalaw din kami sa bayan ng ating

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

THE “GOOD MAN”, BARNABAS

 8,038 total views

 8,038 total views Homily for Thursday of the 10th Week in Ordinary Time, 11 June 2024, Mat. 10:7-13 Today is the Feast of the Holy Apostle and Martyr, St Barnabas, whom St Luke describes in our first reading today as “a good man, filled with the Holy Spirit and faith”. In one of my past homilies

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

TAHANAN NG PUSO

 12,248 total views

 12,248 total views Homiliya Para sa Ika-10 Linggo ng Karaniwang Panahon, 9 Hunyo 2024, Mk 3:20-35 Ang ating pagninilay sa araw na ito ay tungkol sa pagtatayo ng tahanan, hindi lang bahay. Alam naman natin na hindi lahat ng bahay ay tahanan, di ba? Di ba may kasabihan tayo: “Mabuti na sa akin ang bahay kahit

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

BLOOD AND WATER

 5,696 total views

 5,696 total views BLOOD AND WATER Homily for the Feast of the Sacred Heart of Jesus, 7 June 2024, Jn 19,31-37 I call the Feast of the Sacred Heart of Jesus a poetic feast about the mystery of the Love of Christ. Saint Paul himself sounds very poetic in our second reading from third chapter of

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

TAO PO (HINDI “TAO LANG PO”)

 5,700 total views

 5,700 total views TAO PO (HINDI “TAO LANG PO”) Homiliya Para sa Huwebes sa Ikasiyam na Linggo ng Karaniwang Panahon, 6 Hunyo 2024, Mk 12,28-34 May kuwento tungkol sa isang pusa na inanod ng agos ng baha at nakakapit sa sanga ng maliit na puno sa gilid ng estero. Nakita daw ito ng dalawang tao. Dahil

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

THE ETERNAL NOW

 5,700 total views

 5,700 total views THE ETERNAL NOW Homily for Wed of the 9th Week in Ordinary Time, 5 June 2024, Mk 12,18-27 The question raised in today’s Gospel reminds me of the story of a woman named Sarah in the Old Testament. No, I am not talking about Sarah, the wife of Abraham, but about the Sarah

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top