Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 503 total reads

Isa sa malalaking problema hindi lamang ng ating bansa, kundi ng buong mundo, ay ang kalusugan ng dagat. Sa pagdaan ng panahon, ang mga karagatan sa ating bansa ay unti unti na ring nagiging dumpsite. Kamakailan lamang, nabulaga tayo ng balita na may supot supot na medical wastes na tinapon sa tabi ng dagat sa Catanduanes. Isa lamang ito sa mga halimbawa ng mga basurang natatagpuan sa ating mga karagatan. Tinataya na sa buong mundo, humigit kumulang na 14 milyong tonelada ng plastic na basura ang napupunta sa karagatan kada taon.

Kung hindi natin mababago ang dami ng basura na ating tinatapon sa karagatan, tinatayang ti-triple pa ito pagdating ng 2040, at dodoble pagdating ng 2030. Ang mga basurang plastic, kapanalig, ay halos indestructible. Daang-taon ang aabutin bago sila mag-decompose. Ang mga plastic bottles, halimbawa, ay aabot ng 450 taon bago mabulok.

Dagdag pa tayo ng dagdag, kapanalig, ng mga basura sa karagatan. Marahil sasabihin natin, hindi naman tayo nagtatapon doon. Pero, malaki ang probabilidad na bawat plastic na tinapon natin kung saan-saan lang ay sa dagat din hahantong. Ni hindi na nga mataya ng mga siyentipiko kung gaano karami na ang basura sa karagatan. May mga estimates na umaabot na ito ng 150 million metric tons.

Dapat nang matigil, kapanalig, ang pagdami ng basura sa karagatan. Nilalason na nito ang buhay sa ilalim ng dagat, buhay na nagbibigay buhay din sa sangkatauhan. May mga eksperto na nagsasabi na kapag nagpatuloy ang pagdami ng basura sa karagatan. Pagdating ng 2050, mas marami pang basura kaysa isda.

Kapanalig, kailangan ng ating bansa ngayon ang mas maayos na management ng plastic pollution. Ang ating bansa ang isa sa buong mundo na mahilig sa mga single use plastics – mga tingi tinging produkto. Ang rason ng iba, ito lamang kasi ang kaya ng maralita. Kaya lamang, pagdating naman ng panahon, ang pangunahing maapektuhan ng mga sakunang dulot ng plastic pollution ay mga maralita din.

Dito hinahamon ang ating obligasyon para sa “stewardship of creation” o pangangasiwa ng lahat ng nilikha ng Panginoon. Taon-taon palpak tayo dito kapanalig, at habang hindi tayo nag-i-improve, nalulunod ang karagatan natin sa basura.  Ayon sa Populorum Progressio: The Bible, from the first page on, teaches us that the whole of creation is for humanity, that it is men and women’s responsibility to develop it by intelligent effort and by means of their labor to perfect it, so to speak, for their use.

Nasa kamay natin, kapanalig, ang kinabukasan ng karagatan. Nasa kamay natin ang kinabukasan ng ating bayan, na malaking porsyento ay nakasalalay sa yaman ng karagatan. Kung hindi natin aaksyunan ang basurang ating tinapon sa dagat, buhay din ang sisingilin ng mga buhay na ating nilason sa karagatan.

Sumainyo ang Katotohanan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Protektahan ang mga bata

 13,643 total reads

 13,643 total reads Mga Kapanalig, taos-puso tayong nakikiramay sa mga estudyante, guro, at buong komunidad ng Ateneo de Zamboanga University na naapektuhan ng malagim na pamamaril

Read More »

1,2,3 kanya-kanya na!

 44,916 total reads

 44,916 total reads Mga Kapanalig, kumusta kayo nitong mga nakaraang linggo na naging grabe ang pag-ulan?  Noong Agosto 17 lamang, umabot sa 201.7 millimeters ang ulan

Read More »

NEW NORMAL

 124,116 total reads

 124,116 total reads Kapanalig, sa nakalipas na dalawang lingo sa buwan ng Agosto 206., ating nasaksihan, ating naranasan kung paano naging “waterworld” ang maraming bahagi ng

Read More »

Ilawan ang katotohanan

 218,342 total reads

 218,342 total reads Mga Kapanalig, isinagawa na noong Biyernes ang kauna-unahang “truth-telling session” ng Truth Commission tungkol sa madugong war on drugs ng administrasyon ni dating

Read More »

Dagat ng basura

 278,377 total reads

 278,377 total reads Mga Kapanalig, hindi lang korapsyon sa mga flood control projects ang umaalingasaw tuwing tag-ulan. Nangangamoy din ang baho ng bigóng pagtugon natin sa

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Protektahan ang mga bata

 13,644 total reads

 13,644 total reads Mga Kapanalig, taos-puso tayong nakikiramay sa mga estudyante, guro, at buong komunidad ng Ateneo de Zamboanga University na naapektuhan ng malagim na pamamaril

Read More »

1,2,3 kanya-kanya na!

 44,917 total reads

 44,917 total reads Mga Kapanalig, kumusta kayo nitong mga nakaraang linggo na naging grabe ang pag-ulan?  Noong Agosto 17 lamang, umabot sa 201.7 millimeters ang ulan

Read More »

NEW NORMAL

 124,117 total reads

 124,117 total reads Kapanalig, sa nakalipas na dalawang lingo sa buwan ng Agosto 206., ating nasaksihan, ating naranasan kung paano naging “waterworld” ang maraming bahagi ng

Read More »

Ilawan ang katotohanan

 218,343 total reads

 218,343 total reads Mga Kapanalig, isinagawa na noong Biyernes ang kauna-unahang “truth-telling session” ng Truth Commission tungkol sa madugong war on drugs ng administrasyon ni dating

Read More »
Scroll to Top