Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 538 total reads

Kapanalig, pangarap na lamang ba ang isang malusog na mundo para sa darating na henerasyon?

Hindi natin dapat isawalang bahala o ipagkibit balikat ang banta ng climate change. Dama na natin ang epekto nito. Ang Southeast Asia, kung saan kabilang ang Pilipinas, ay isa sa mga pinaka-bulnerable sa climate change. Ayon sa mga eksperto, tataas pa ang ating sea levels, mas dadalas ang mga matinding tagtuyot, at mas lalakas at dadalas pa ang matinding pag-ulan. Ayon nga sa isang pag-aaral, 19 sa 25 na syudad na mas bulnerable sa isang metrong pagtaas ng sea-level ay nasa Asya. At sa 25 na ito, pito ay nasa Pilipinas.

Kapanalig, kapag hindi tayo nanawagan para sa mas malusog na mundo, tayo ang unang magiging kaawa-awa.

Habang patuloy nating pinararami ang ang emisyon na lumalason at nagpapa-init ng ating kalawakan, atin ding tinataya ang ating kalusugan. Ang mga greenhouse gases o GHG sa ating paligid, ang pag-init ng mundo, at ang mga epekto nito ay nagdudulot ng cardiovascular diseases at nagiging dahilan din ng epidemya. Alam naman natin na maraming  mga organismong nagdadala ng sakit ay naiimpluwensiyahan ng mga salik sa ating paligid gaya ng lamig o init, pati na rin ng ulan at daloy at kalinisan ng tubig. Kaya’t kung hindi malusog ang mundo, hindi rin malusog ang tao.

Kapanalig, ang ating mundo ay bulag sa koneksyon ng ating pang-araw araw na buhay, ng ating kalusugan, sa climate change. Marami rin sa atin, hanggang  ngayon, ay nagbubulag-bulagan na ang climate change ay bunsod din sa gawain ng mga tao.

Sa ating panahon ngayon, global na ang marketing, global na ang manufacturing, at global na ang food supply chain. Mas maliwanag ang koneksyon ng ating nga gawain, at mas maliwanag na ang gawain nating mga ito ay global na rin ang epekto. Panahon na upang ating siwalatin at pigilin ang mga gawain nating nagbibigay sakit sa ating mundo, gaya ng mga gawaing nagpapalala ng climate change.

Ang Laudato Si, bahagi ng ating Catholic Social Teachings ay inuudyukan tayong pangalagaan ang ating mundo. Inuudyukan tayo nitong itanong sa ating sarili kung anong uri ba ng mundo ang nais nating iwan sa susunod na henerasyon. Ayon dito, kailangan nating makita na ang nakataya sa ating pagpapabaya sa mundo ay ating dignidad at ang kahulugan ng ating buhay sa mundo.

Sumainyo ang Katotohanan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

WALANG KAHIHIYAN

 108,342 total reads

 108,342 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 184,780 total reads

 184,780 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 218,228 total reads

 218,228 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 253,528 total reads

 253,528 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 475,798 total reads

 475,798 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

WALANG KAHIHIYAN

 108,343 total reads

 108,343 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 184,781 total reads

 184,781 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 218,229 total reads

 218,229 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 253,529 total reads

 253,529 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »
Scroll to Top