10,622 total views
Nagbabala ang Apostolic Vicariate of Taytay (AVT), Northern Palawan sa publiko hinggil sa mga bagong pekeng account na nagpapanggap bilang si Bishop Broderick Pabillo.
Ipinapaalala ng bikaryato na mayroon lamang isang official facebook account si Bishop Pabillo, na may pangalang Broderick Pabillo, at official facebook page na Bishop Pabillo na may mahigit 29-libong followers.
Iginiit ng bikaryato na anumang facebook profile o page na nagpapakilalang si Bishop Pabillo ay hindi lehitimo.
“Any other profiles or pages claiming to be the bishop are not legitimate. These scammers may use similar names, photos, or content, but they are not authorized by the Bishop and the Vicariate of Taytay,” ayon sa Apostolic Vicariate of Taytay.
Para naman sa kaligtasan ng publiko, hinikayat ng bikaryato na maging mapagmatyag at iwasang makipag-ugnayan sa mga kahina-hinalang accounts at huwag magbibigay ng anumang personal na impormasyon o donasyon sa mga hindi opisyal na channel.
“Always check that the account is verified as the Bishop’s official Facebook page,” paalala ng AVT.