Mamamayan, hinikaya’t na makialam sa usapin ng Anti-terrorism bill

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 565 total views

June 26, 2020-1:29pm

Hinikayat ng opisyal ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines ang mamamayan na pag-aralan at alamin ang nilalamang probisyon ng Anti-Terrorism Act of 2020.

Ayon kay Fr. Jerome Secillano, executive secretary ng CBCP-Permanent Committee on Public Affairs, hindi dapat na ipagsawalang bahala ng mga ordinaryong mamamayan ang panukalang batas na naglalaman ng mga kwestyunableng probisyon na maaring magsantabi sa mga karapatan ng bawat mamamayan.

Giit ng Pari, mahalagang maglaan ng panahon ang bawat isa upang makinig at makibahagi sa mga pagtalakay ng mga eksperto kaugnay sa nilalaman at layunin ng Anti-Terrorism bill.

“Kung ikaw ay ordinaryong mamamayan nga baka iniisip mo na wala ka naman ditong dapat na ikabahala, ikatakot pero meron kasing ibang mga provisions doon na pwede kang masabit ng ganun, ganun nalang so ibig sabihin nito you should take time to understand and listen to experts’ discussion about the bill so that you will be informed thoroughly,” ang bahagi ng pahayag ni Fr. Secillano sa panayam sa Radio Veritas.

Paliwanag ng pari, hindi dapat na balewalain ang Anti-Terrorism Act of 2020 na maaring magamit laban sa sinuman sa hinaharap sakaling lagdaan na ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte bilang isang ganap na batas.

“Kasi kung binabalewala lang natin ito baka naman kinabukasan lang paggising natin ‘aba bakit ako ginaganito, bakit ako kinakapkapan, bakit ako kung baga ay wina-wiretap, I don’t know’ kasi there might be a reason for that and that reason is only well known to those implementing the laws,” dagdag pa ng pari.

Nauna ng sinertipikahang ‘urgent’ ni Pangulong Duterte ang panukalang House Bill 6875, o “Anti-Terror bill” na nag-aamyenda sa kasalukuyang Anti-Terrorism Law ng bansa habang una na ring naipasa ang counterpart ng panukalang batas sa Senado na Senate Bill 1083.

Sa ilalim ng House Bill 6875, pinapalawig ang panahon na maaring manmanan ang mga hinihinalang terorista kung pahihintulutan ng korte.

Bukod dito maari ring ikulong kahit wala pang kaso ang mga hinihinalang terorista sa loob ng hanggang 14 na araw.

Una ng nagpahayag ng pagkabahala ang iba’t ibang sektor ng lipunan kasama na ang simbahan kaugnay sa malawak na kahulugan ng panukalang batas sa terorismo kung saan maaring mapanagot ang sinumang babansangang terorista sa ilalim ng batas.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Sabotahe sa Ayungin Shoal

 19,023 total views

 19,023 total views Mga Kapanalig, may namataan ang Philippine Navy nito lamang Marso na bangkang pangisda mula sa China na umaaligid sa Ayungin Shoal. Dito nakumpiska

Read More »

Sa loob ng 24 oras

 47,028 total views

 47,028 total views Mga Kapanalig, ano ang pwedeng mangyari sa loob ng 24 oras?  Kung paniniwalaan ang sinabi ng nagpakilalang bagman ni Vice President Sara Duterte,

Read More »

PRIEST’S IN CRISIS

 64,828 total views

 64,828 total views Mental health distress, ito ay nakakaalarma Kapanalig., hindi lang ito nararanasan ng mga kabataan, nararanasan natin ito mga Pilipino. Sa kasalukuyan, tumataas ang

Read More »

The Pattern We Keep Missing

 64,039 total views

 64,039 total views Sa tuwing may kontrobersiya… may nabunyag na pagkakamali… mayroong hinaharap na krisis ang bansa, naging masigasig.., naging maalab tayo sa paghahanap ng accountability.

Read More »

International Wellness Day

 175,108 total views

 175,108 total views Mga Kapanalig, ngayong araw ay International Wellness Day. Sa dami ng krisis natin ngayon, kumusta na kaya tayo? Noong Marso, idineklara ng United

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top