Mamamayan, hinimok ng Diocese of Kalookan na makiisa sa Trillion Peso March

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 9,908 total views

Hinihikayat ng Diocese of Kalookan ang mga layko, kabataan, relihiyoso, madre at pari na makiisa sa isasagawang “Trillion Peso March” laban sa katiwalian at maling paggamit ng pondo ng bayan sa darating na September 21, 2025 sa EDSA People Power Monument sa Quezon City.

Sa pangunguna ng Caritas Kalookan, magsisimula ang assembly time sa ganap na alas-11 ng umaga sa San Roque Cathedral sa Caloocan City, at sabay-sabay na tutungo sa EDSA para sa mismong programa sa ganap na alas-2 ng hapon.

Hinihikayat din ng diyosesis ang mga dadalo na magsuot ng puting T-shirt bilang sagisag ng dalisay na paninindigan at pag-asa.

Layunin ng pagkilos ang panawagan ng katarungan at pananagutan para sa mga pamilyang sinalanta at iniwan ng mga palpak na proyekto ng pamahalaan; mga kabataang ninakawan ng kinabukasan; at mga manggagawa at mahihirap na pasan ang bigat ng katiwalian.

Kasabay rin ng pagtitipon ang paggunita sa ika-53 anibersaryo ng deklarasyon ng Martial Law, upang ipahayag ang pagtutol ng sambayanang Pilipino laban sa katiwalian, kawalan ng pananagutan, at pang-aabuso sa kapangyarihan.

Una nang nanawagan si Catholic Bishops’ Conference of the Philippines President Kalookan Bishop Pablo Virgilio Cardinal David sa sambayanang Pilipino, na muling ituring ng lipunan na kahiya-hiya at kasuklam-suklam ang katiwalian, upang mawalan ng puwang ang mga nananamantala sa kaban ng bayan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Hindi sapat ang bayanihan

 111,941 total views

 111,941 total views Mga Kapanalig, nakasaad sa Galacia 6:2, “magtulungan kayo sa pagbuhat ng pasanin ng bawat isa.”  Sa kabila ng krisis na kinahaharap ng ating

Read More »

Mga kamay na punô ng dugo

 134,051 total views

 134,051 total views Mga Kapanalig, hindi nakikinig ang Diyos sa mga panalangin ng mga taong nagsisimula ng digmaan. Tinatanggihan Niya ang mga dasal na ito.  Ganito

Read More »

Isa pang state of emergency

 208,038 total views

 208,038 total views Mga Kapanalig, nagdeklara na si Pangulong Bongbong Marcos ng state of national energy emergency sa gitna ng krisis sa langis matapos ang ilang

Read More »

Krisis sa bukid at laot

 203,366 total views

 203,366 total views Mga Kapanalig, sa gitna ng pagdaigdigang krisis sa langis, hindi sumasabay ang lawak ng tulong mula sa gobyerno sa laki ng pangangailangan ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top