Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 53,300 total reads

Nakakapanlumo ang katotohanan, napakasakit Kapanalig.

Sa legislative inquiry in-aid-for legislation ng Senado at Mababang Kapulungan ng Kongreso sa sistematikong katiwalian at collusion sa multi-bilyong pisong flood control projects ng pamahalaan., ating nasaksihan ang bundle bundle na pera mula sa mga kontraktor para sa payola ng mga opisyal ng DPWH, mga kongresista at Senador. Nakakalulang karangyaan, walang kahirap-hirap na pagkamal ng salapi mula sa pondo ng bayan.

Pero sa reyalidad, marami ang walang makain, marami ang lumalangoy sa baha at nagbubuwis ng buhay sa tuwing umuulan dahil naibulsa na ang pera na dapat sana’y gamitin na pangharang sa tubig baha.

Ang masaklap Kapanalig, lalung dumami ang walang trabaho, mga tambay., mga palamunin na Pilipino.

Sa inilabas na datos ng Philippine Statistic Authority (PSA) pumalo sa 5.3-porsiyento ang unemployment sa Pilipinas sa nakaraang July 2025 mula sa 4.7-percent noong July 2024.

Ito na ang naitalang pinakamataas na unemployment rate mula July 2022 sa kasagsagan ng COVID-19 pandemic.

Sinasabi na 2.59-milyong Pilipino ang walang trabaho noong July 2025, tumaas ito sa 2.38 milyong noong July 2024.
Ayon sa PSA, bumaba ang labor force participation rate (LFPR) noong July 2025 sa 60.7-percent o katumbas ng 48.64 milyong Pilipino na may edad 15-pataas ang may trabaho mula sa 50.06-milyon noong July 2024.

Tumaas din ang underemployment rate sa 14.8-porsiyento noong July 2025 mula sa 12.1-percent noong nakaraang taong 2024.

Ang services sector ang may pinakamaraming employment na naitala sa 62.8-percent., sinundan ng industry na 18.7-percent habang 18.5-percent sa agriculture sector.

Sinasabi ng PSA Kapanalig, ang mataas na unemployment rate ay dahil daw sa sunod-sunod na sama ng panahon kaya marami ang nawalan ng trabaho lalu sa sektor ng agrikultura.

Kapanalig, kung hindi lamang napupunta sa katiwalian ang pondo ng bayan, magagamit sana ito sa paglikha ng maraming trabaho sa mga Pilipino na hindi na kailangan pang mangibang bayan. Para sa kapakanan ng mga manggagawa, nararapat lumikha ang pamahalaan ng mga batas at polisiya sa malinis na pamamahala sa kaban ng bayan na hindi mapupunta sa korapsyon.

Iginiit ni Pope Leo XIII sa kanyang encyclical na RERUM NOVARUM na “The role of the State in protecting workers’ rights: it is the responsibility of the State to guarantee that workers’ rights are protected and that working conditions are fair.

Sa kanyang encyclical na Laborem Exercens, binigyan diin ni St.Paul John II na “in order to solve the problem of unemployment, these agents “must make provision for overall planning.” This “cannot mean one-sided centralization by the public authorities. Instead, what is in question is a just and rational coordination, within the framework of which the initiative of individuals … must be safeguarded.”

Sumainyo ang Katotohanan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

WALANG KAHIHIYAN

 46,441 total reads

 46,441 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 126,244 total reads

 126,244 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 159,691 total reads

 159,691 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 194,989 total reads

 194,989 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 419,753 total reads

 419,753 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

WALANG KAHIHIYAN

 46,442 total reads

 46,442 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 126,245 total reads

 126,245 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 159,692 total reads

 159,692 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 194,990 total reads

 194,990 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »
Scroll to Top