Mamamayan, hinimok ng Diocese of Kalookan na makiisa sa Trillion Peso March

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 10,055 total reads

Hinihikayat ng Diocese of Kalookan ang mga layko, kabataan, relihiyoso, madre at pari na makiisa sa isasagawang “Trillion Peso March” laban sa katiwalian at maling paggamit ng pondo ng bayan sa darating na September 21, 2025 sa EDSA People Power Monument sa Quezon City.

Sa pangunguna ng Caritas Kalookan, magsisimula ang assembly time sa ganap na alas-11 ng umaga sa San Roque Cathedral sa Caloocan City, at sabay-sabay na tutungo sa EDSA para sa mismong programa sa ganap na alas-2 ng hapon.

Hinihikayat din ng diyosesis ang mga dadalo na magsuot ng puting T-shirt bilang sagisag ng dalisay na paninindigan at pag-asa.

Layunin ng pagkilos ang panawagan ng katarungan at pananagutan para sa mga pamilyang sinalanta at iniwan ng mga palpak na proyekto ng pamahalaan; mga kabataang ninakawan ng kinabukasan; at mga manggagawa at mahihirap na pasan ang bigat ng katiwalian.

Kasabay rin ng pagtitipon ang paggunita sa ika-53 anibersaryo ng deklarasyon ng Martial Law, upang ipahayag ang pagtutol ng sambayanang Pilipino laban sa katiwalian, kawalan ng pananagutan, at pang-aabuso sa kapangyarihan.

Una nang nanawagan si Catholic Bishops’ Conference of the Philippines President Kalookan Bishop Pablo Virgilio Cardinal David sa sambayanang Pilipino, na muling ituring ng lipunan na kahiya-hiya at kasuklam-suklam ang katiwalian, upang mawalan ng puwang ang mga nananamantala sa kaban ng bayan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

WALANG KAHIHIYAN

 47,605 total reads

 47,605 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 127,365 total reads

 127,365 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 160,812 total reads

 160,812 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 196,110 total reads

 196,110 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 420,811 total reads

 420,811 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 156,823 total reads

 156,823 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top