Mamamayan, hinimok ng Friar Minors na pagnilayang mabuti ang ibobotong kandidato

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

Hinimok ng Franciscans (Friar Minors) ng San Pedro Bautista Province ang mamamayan lalo na ang mga botante na pagnilayang mabuti ang mga kandidatong ihahalal sa 2022 National and Local Elections.

Sa pahayag ng kongregasyon sinabi nitong dapat piliin ng mamamayan ang mga indibidwal na may tunay na hangaring maglingkod sa bayan, tapat sa sinumpaang tungkulin at nakahandang isabuhay ang ebanghelyo.

Tinukoy ng mga misyonero ang panawagan ni Pope Francis sa kanyang ensiklikal na Fratelli Tutti na dapat palaganapin sa lipunan ang uri ng pulitika na nakaugat sa pag-ibig at nakabatay sa social charity.

“Although mindful of our own personal and collective weaknesses, we dare to choose and elect candidates who are known for the following: love for God, country, the poor, and the environment, embodiment of Gospel values, character, integrity, honesty, competence, pursuit of the common good, political love, experience, track record, leadership by example, servant-leadership, simplicity of lifestyle, and decency, ” bahagi ng pahayag ng Orde of Friar Minors.

Batid ng OFM ang masamang karanasan ng bansa sa ilalim ng pamumuno ni dating Pangulong Ferdinand Marcos Sr. kung saan umiral ang martial law na nagdulot ng labis na karahasan sa mamamayan.

Pinuna rin ng kongregasyon ang pamamahala ng administrasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte mula 2016 kung saan laganap ang karahasan sa kampanya kontra iligal na droga, mga paglabag sa karapatang pantao, kawalang pananagutan at labis na korapsyon sa pamahalaan.

Hamon ng Franciscan missionaries sa mamamayan ang aktibo at maayos na pakikilahok sa halalan sa ikasiyam ng Mayo lalo’t nagtatangka muli ang pamilya Marcos na makabalik sa Malakanyang sa pagkandidato ni Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos bilang pangulo ng bansa.

“As we prepare for the National Elections 2022, we are at a crucial crossroad. Do we take the direction of strengthening the gains of EDSA People Power Revolution in 1986, which is an unfinished revolution? Or the road towards the further loss of the country’s soul, of resurfacing the evils of the Marcos Dictatorship, and of perpetuating the current administration?” ani ng kongregasyon.

Paalala ng mga Franciscano sa mahigit 60-milyong botante na iwasan ang mga kandidatong gumagamit ng dahas, pera, troll farms na nagpapakalat ng fake news, mga sangkot sa katiwalian, political dynasties, gumagamit ng cronies para isulong ang sariling interes at mga taong walang sapat na kakayahang pamunuan ang bansa.

Sa ginanap OFM Provincial Chapter kamakailan, napagkasunduan nitong suportahan ang kandidatura ni Vice President Leni Robredo at Senator Francis Pangiliinan bilang mga kandidato sa dalawang pinakamataas na posisyon ng bansa kasama na ang mga senatoriables na magsusulong sa kapanakan ng bansa at mamamayan.

“After careful and prayerful discernment, we have come up to the decision to support and endorse VICE PRESIDENT LENI ROBREDO, SENATOR KIKO PANGILINAN, their Senatorial Slate and other selected Senatoriables who embody the above values that we need in public servants to lead our country to a new and fresh beginning and a hope-filled and progressive future. In the light of our present situation, we find these choices as moral choices, ” ayon pa sa pahayag.
Tiniyak ng OFM missionaries na kaisa ito sa sambayanang Filipino sa pagninilay at paghalal ng mga karapat-dapat na lider tungo sa mas maayos at maunlad na bansa.

Patuloy naman ang simbahang katolika sa pagpapaigting ng voter’s education tulad ng One Godly Vote ng Radio Veritas na layong tulungan ang mga botante na kilalanin ang mga kumandidato sa eleksyon 2022.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ang kalikasan ay may karapatan

Mga Kapanalig, paano kung ang pagkalbo ng kagubatan, pagbuga ng polusyon, at pagsira sa dagat ay hindi na lang simpleng paglabag sa batas kundi isang

Read More »

Patibong ng kasamaan

Mga Kapanalig, hindi laging lantad ang kasamaan. Minsan nag-aanyo itong mabuti, maamo, at inosente. Ayon sa 2 Corinto 11:14, “…si Satanas man ay nagkukunwaring anghel

Read More »

Anyare sa ICI?

Mga Kapanalig, mahigit anim na buwan mula nang itatag ang Independent Commission for Infrastructure (o ICI), inanunsyo na ang pagbuwag nito sa darating na Martes,

Read More »

SYNODALITY

Synodality is the process and style of the Church’s life in which all members journey together, participate actively, and discern collectively in mission and governance.

Read More »

SOBRANG LUGMOK NA ANG MGA PINOY

Sa kasalukuyan, hindi na makakaagapay ang milyun-milyong Pilipino., lugmok na lugmok na! Sa nakalipas na buwan ng Pebrero 2026, hirap na hirap na ang mga

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top